Nanginginig ang mga kamay kong binalik ang phone niya nang marinig ang pintuan ng banyo na bumukas, binaling ko ang paningin ko sa TV at nanood, hindi ko siya tinitignan nang makita ko sa gilid ng mata ko na naglalakad siya papunta dito at umupo sa tabi ko.
" What are you watching ?." tanong niya sa akin at bakas sa boses niya ang panglalambing.
" Panoorin mo ." malamig kong sabi, naramdaman kong napatingin siya sa akin pero hindi ko sinalubong ang tingin niya.
Ilang minuto mas lumapit siya sa akin at umakbay sa backrest ng sofa at hinawakan ang kaliwang balikat ko, pero tinanggal ko ang pagkakasandal ko doon at kinuha ang phone ko at kunwari may tinitignan sa facebook.
" Hey ." kinuha niya ang braso ko at hinila pabalik para makaharap siya at nanlisik ang mata ko kaya siya nagtaka.
" Ano ?." nanlilisik kong tinitigan ang mata niya.
" Are you mad at me ?." nagaalalang tanong niya, naalala ko na naman ang mga salitang nabasa ko, at nangilid na ang mga luha ko.
" Babe huh? Who's your babe ?." gumagaralgal ang boses ko at kumikibot na ang labi ko.
" You--- ."
" You call me baby not babe, now tell me... sino ang tumatawag sayo ng babe ?." bumuntong hininga ako at pinunasan ang luha kong tumulo na, hinawakan niya ang pisngi ko para siya ang magpunas pero tinanggal ko iyon.
" None ." nangilid na naman ang mga luha ko, kinuha ko ang phone niya at sinaksak iyon sa baga niya.
" Then who is that! Tell me! ." lumuluha kong sabi, nagaalala niyang tinignan ang phone niya at nagulat sa nabasa pero bumuntong hininga siya at nagpigil ng ngiti kaya kumunot ang noo ko tyaka inagaw ang phone niya.
+63*******' Hi babe !'' This is handsome Mike!'' Please save my new number!'
Binitawan ko ang phone niya tyaka sinapo ang noo ko tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon at tinignan, naka receive din ako ng ganun na message kaya pabagsak kong binitawan ang phone ko sa sofa at umiyak ng umiyak dahil sa inis, narinig kong nag dial siya sa phone at ilang saglit nag riring na yun linoud speaker niya siguro.
' Hi babe! '
Tatawa tawang sabi ng kabilang linya na patunay nga na si Mike ang nagsend ng message
Kingina
" Fuck you dude ." singhal ni Mike
' Ano na naman nagawa ko!?'
" My girlfriend saw your fucking message ans she thinks that I'm cheating right now and fuck you dude she's crying ." singhal ulit ni Mav at malapit nang sigawan ang gagong nasa kabilang linya.
' Ay sorry naman! --- '
Inagaw ko ang phone at sinigawan si Mike
" Langya ka! Bakit pa kasi nagpalit ka ng number ! ." singhal ko, naramdaman kong lumapit si Mav sakin at hinagod ang likod ko.
' Marami akong pinagkakautangan--- '
Inis kong binalik yun kay Mike, kaya tatawa tawa siyang sinisilip ang mukha ko tyaka niya hinawakan ang baba ko at iangat para makita niya, sumimangot ako nang nakita kong nagpipigil siya ng ngiti.
" You think I'm cheating? ." tanong niya at nahihiya akong tumango.
" Bwisit si Mike ."
YOU ARE READING
LOVE IN A PHOTOGRAPH
RomanceA love that were captured a thousand times turned into photographs and buried on the past, the love of Sariane and Maverick is like a one shot, to make new memories you need to take another but they have arrive on time where they have to stop clicki...