Chapter 17

16 2 0
                                    

I'm looking at our picture together, I'm putting the ring on her finger while she's looking at me smiling but her eyes is about to burst into tears, it's just a wedding booth but I made her emotional, I looked back at her and she's standing over there watching me, I point my finger to what I saw and she smiled 


I went back to her and hold her waist again, that's my favorite spot to hold, Bukod sa pisngi at mga kamay, iyon ang palagi kong hinahawakan 


Nagtataka ako bakit sobrang tahimik niya nang inihatid ko siya sa bahay nila, ni isang salita wala, kumunot ang noo ko nang huminto ang sasakyan hindi pa rin siya kumikibo


" Hey baby what's wrong?." inabot ko ang kamay niya para hawakan, naiiyak na siyang tumingin sa akin 




Not yet baby please 




" Aalis ka na ." sumikip ang dibdib ko, sinuyod ko ang maganda niyang mukha 


" I'm not yet leaving baby, not yet ." bumuntong hininga ako nang umiwas siya ng tingin pero iniharap ko ulit siya sa akin at pinagmasadan ko ulit ang mukha niya




Baby don't make this hard for me please, my heart is aching when you're like this 



" Pero aalis ka pa rin." nabasag na ang boses niya at tumulo na ang luha, agad ko iyong pinunasan 



Ayokong makita siyang malungkot at hindi ngumingiti, kapag umiiyak naman siya gusto kong magalit dahil nasasaktan akong makita siyang ganoon, ngayon gusto kong magalit sa sarili ko dahil nasasaktan at umiiyak siya ng dahil sa akin 



" Please baby don't cry..... Andito pa ako ." hinaplos ko ang pisngi nya pero hindi ko siya mapatahan, mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko 



Ang hirap palang makitang nasasaktan at umiiyak ang taong mahal mo lalo na kung dahil sa iyo, mas doble ang sakit na mararamdaman mo 



" Baby ." humahagulgol siyang napayakap sa akin 



Ito ang kahinaan ko 



Siya ang kahinaan ko 



Isang tawag niya lang sa akin nanghihina na ako, mas nawawalan pa ako nang lakas dahil umiiyak siya sa bisig ko, kung pwedeng ako na lang ang makaramdam nang nararamdaman niya ngayon, kung pwedeng aluin ko na lang lahat iyon baka sakaling hindi ko siya nakikitang ganito 

LOVE IN A PHOTOGRAPHWhere stories live. Discover now