"Asan kayo this Christmas eve?"
Xynea asked while giving the bill to the waitress. Tumayo na siya at tumayo na rin ako at lumabas na kami sa stall. We're on the mall now to bond, actually.
"Dito lang, wala namang sinabi si Tito na aalis kami ng bansa." I shrug.
"Good for you then. Gusto ko sanang magpasko sainyo but my Mom and Dad want to celebrate the Christmas eve and New year's eve in the Germany," kwento nito kaya napatango nalang ako.
"You should celebrate christmas with them, Xynea."
"I don't want to." she crossed her arms over her chest and rolled her eyes.
Pumasok kami sa isang stall na may mga damit, bibili daw kasi ng bago si Xynea para sa maisuot niya papunta sa Germany next week. Nakatingin lang ako sa kanya habang busy siya sa pamimili.
She looked at me and raise her brows. "Hey? Hindi ka ba bibili?"
"Nope."
"Ang kuripot mo talaga." napangiti nalang ako sa sagot nito.
Napailing nalang ako habang tanaw ang sampung designer's paperbags na nasa harapan namin ngayon. Binigay niya ang lima sa'kin para matulungan ko siya at lima naman sa kanya. Talagang spoiled itong si Xynea e pero hindi ko maintindihan kung bakit parang may galit ito sa pamilya niya.
Napagpasyahan muna naming kumain ng Ice cream sa isang stall dahil nag cra-crave daw siya nito. Mabuti nalang at mainit ngayon para kumain ng ice cream.
"You asked your Mom to lend you some money, right?" sabay subo sa ice cream niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at humilig sa inuupuan ko "Bakit mo alam?"
"I have many assets, you know?" natatawang ani nito kaya napailing nalang ako. "Why? Parang hindi si Estelle ang gumawa non."
I just smiled. "Ako 'yon ha, talagang may gusto lang akong bilhin kaya humiram na ako kay Mommy, babayaran ko naman siya," I lied.
"Talaga lang ha?"
Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan na naming umuwi ni Xynea, hinatid muna niya ako sa bahay bago siya umuwi sa condo niya. Hindi ko talaga maintindihan si Xynea, meron naman silang malaking bahay pero sa condo pa niya napag-isipang tumira.
"Tito, you're here." I hugged tito awkwardly, he just nodded and sat on the sofa.
"Yeah, Christmas is coming."
Mabilis ang araw at mahirap isipin na papalapit na ang pasko, sobrang bilis ng araw e parang hindi mo namamalayan. Beaumont is still too busy with his thesis, minsan nalang din kaming nagkikita dahil doon at hindi din ako nagkukulit sa kanya kahit gusto ko na siyang makita. He needs time for his school.
Buong semana ay nasa bahay lang ako, hinihintay ang pasko. Tumatawag din naman si Mommy sa'kin araw-araw at nagpaumanhin na hindi siya makakauwi this christmas, hindi na naman niya kailangang isabi 'yan dahil noon palang alam ko na.
Disperas na nang pasko bukas at ito ako ngayon, nag ba-balot nang regalo para sa kanilang lahat pati kay Beaumont. Habang nag ba-balot ako ay hindi ko maiwasang sulyapan ang cellphone ko, umaasang mag te-text si Beaumont. Hindi na kasi siya tumatawag sa'kin kahit text man lang. Ganyan ba talaga siya ka busy kahit bakasyon?

BINABASA MO ANG
Getting Into High
RomanceCOMPLETED|| 1 A Fine arts student, independent, gorgeous and a happy go lucky woman, Ariadne Estelle Zeateia knows how to make her own decisions in life. There is a finality at everything when she says and does but a cold Engineering student Beaumon...