"Xynea! Gumising ka na. Diba sasama ka sa'kin ngayon?"
Pang-gigising ko kay Xynea, anong oras na at pupunta pa kami sa kanila ni Tita dahil doon daw kami kakain ng lunch. Pero ito namang si gaga, tulog pa.
"Uhm... Wait nga!" sagot kaagad nito habang kinusot-kusot ang mga mata.
Pagkatapos naming magbihis ni Xynea ay napagpasyahan na naming pumunta doon sa bahay nila Tita. Dala ko ang Bmw ko at ako ang nagmamaneho papunta roon dahil inaantok pa raw siya.
"Ang traffic, grabe," reklamo kaagad ni Xynea.
"Alam ko ang solusyon dyan Xynea." I glanced at her.
"Ano?"
"Ibigay mo sa'kin ang porsche mo para hindi ka na makakadagdag sa traffic," natatawang ani ko habang nag dri-drive. Sumulyap naman ako sa kanya na ngayon ay nakakunot na ang noo.
"Asa ka!"
Tumawa nalang ako at itinuon ulit ang sarili sa ginagawa. Nag ring ang cellphone ko kaya si Xynea muna ang sumagot nito. Napatingin ito sa'kin na puno ng pag-aalala.
"Daddy mo," she informed.
"Sagutin mo."
Sinagot din naman niya kaagad habang nagmamaneho ako at ni loud speak. Pero laking gulat ko ay hindi ang boses ni Daddy ang narinig ko kundi ang ibat-ibang boses na parang nagre-reklamo. Ang sobrang ingay pakinggan kaya napatingin kami ni Xynea sa isat-isa bago ako bumaling ulit sa harapan.
"Daddy?" tawag ko nito habang nagmamameho pa rin.
"Hello po Ma'am. I'm your father's secretary po. Your Daddy needs you, there's a problem now in the compa-"
"Paano na 'yan?! Paano na ang in-invest namin?!" sigaw ng isang lalaki kaya napahinto sa pagsasalita ang secretarya nito.
What the heck?
"Anong nangyari?" nataranta kong tanong at bumalik sa dinadaanan papunta na sa company ni Daddy.
"Ma'am the investors are here, nag rereklamo dahil sa status ng company ni-"
Hindi na ito nasundan dahil nawala bigla ang tawag kaya binilisan ko ang pagmamaneho papunta sa company ni Daddy. Tinawagan naman kaagad ni Xynea sila Tita para sabihing hindi kami makakapunta ngayon dahil may problema.
"Pota," napamura kaagad si Xynea ng nandito na kami sa loob ng company ni Daddy. Marami akong nakitang mga naka business suits.
Naagaw ko naman kaagad ang pansin nila. Nakita ko naman kaagad si Daddy na kasama ang secretary niya at ang mga bodyguards niya habang sapo ang noo.
"Wag ninyong papasukin ang mga reporters," utos ko kaagad sa mga security guard bago pumunta kay Daddy, kasunod si Xynea.
"Paano na 'yan, paano na ang in-invest namin?"
"Nalulugi na ba ang kompanya?"
"Ibalik niyo nalang ang pera namin!"
Sunod-sunod na reklamo at tanong ang narinig ko ng nasa tabi ko na si Daddy. Meron na ding Doctor sa tabi niya para bantayan ang kalagayan niya. Pinaupo ko naman kaagad siya at ngumiti para sabihing kaya ko na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/222569105-288-k420473.jpg)
BINABASA MO ANG
Getting Into High
RomanceCOMPLETED|| 1 A Fine arts student, independent, gorgeous and a happy go lucky woman, Ariadne Estelle Zeateia knows how to make her own decisions in life. There is a finality at everything when she says and does but a cold Engineering student Beaumon...