Veintinueve

476 26 4
                                    

[Hey! Where are you?!]

Ang malakas kaagad na boses ni Xynea ang narinig ko pagsagot sa panglimang tawag niya. Nanginginig akong nakahawak sa cellphone ngayon, umiiyak parin ng dahil sa nalaman kanina.

"I'm h-here sa c-condo," pinipigilan ko ang sariling mautal--- pinipigilan ang hikbi na kusang lumalabas.

[Pota, iniwanan mo ko dito...] she sighed. [Sige uuwi na ako.]

Nanginginig kong pinatay ang tawag at binitawan ang cellphone ko. Nakaupo sa sahig habang yakap ang mga tuhod, nasanay na ako na ganito ang posisyon sa tuwing iiyak man ako. Dahil sa ganitong posisyon hindi nila maririnig ang mga hikbi at makikita ang mga luha mo. May ibang tao na tatawagin kang mahina kapag nakikita at naririnig ka nilang umiiyak at ayaw ko ang iba sa kanilang isipin na mahina ako.

Nasasaktan ako at nakokonsensya sa pag-amin ni Beaumont. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko siya pinakinggan sa paliwanag niya at umalis kaagad ng walang paalam. Ang sama kong tao para hindi man lang nakinig sa paliwanag niya--- ang sama kong girlfriend.

Wala siyang ginawa kundi tulungan akong mahanap ang Ama kong patuloy ko paring hinahanap noon. Wala siyang ginawa kundi pasiyahin at mahalin ako kahit na mag sa-sakripisyo siya para lang doon. Minahal niya ako kahit hindi niya sinabi ang tatlong salita na iyon noon na palagi kong hinahanap. Minahal niya ako sa paraan na pinapakita niya ang kilos niya at hindi sa salita. Pero ako naman tong si tanga, mas gusto pa ang salita kaysa sa gawa.

Pero hindi naman natin mapigilan na gustuhin marinig ang salita na iyon, kailangan natin ng kilos pero kailangan din natin ng salita para hindi tayo maguguluhan at magkakaroon ng clarification.

Hinayaan ko nalang ang sariling umiyak ng umiyak para maubos naman ang luha ko. Napapagod na akong lumuha, nakakapagod pero parati ko namang ginagawa. Hindi mo talaga mapipigilan ang pagdaloy ng luha, kailangan mong ilabas ito para kahit konti lang ay maibsan ang sakit na nararamdaman mo, at para nadin hindi mamamalagi ang sakit sa puso mo na dahilan na magiging manhid ka. Namalayan ko nalang ang sarili na nakatulog na sa kaiiyak.

"Shh! Oh my gosh! You're so very noisy!"

"Sorry nga e!"

"Gusto ko ng makausap siya."

"Ako gusto ko na siyang makitang umiyak!"

Nagising ako sa malakas na sigawan galing sa labas ng aking kwarto, napaupo ako sa kama habang kusot-kusot ang mga mata. Napansin kong hindi pa pala ako nakabihis, hays! Tumayo na ako at napatingin sa reflection sa salamin. I look so messy!

Ang buhok kong masyadong ng magulo, pati ang make up ko ay hindi na maayos dahil sa pag-iyak ko buong gabi. Pati na din ang mga mata ko na namumugto ngayon.

Hindi na ako nagdalawang isip, naligo at nagbihis ako kaagad. I just wear my big white longsleeve poloshirt and my shorts. I did blower my hair and did it on a messy bun. Sinuot ko ang aviator sunglass ko para hindi nila makita na namumugto ang mata ko ngayon.

Lumabas kaagad ako sa kwarto at laking gulat ko ay nakita ko ang lima ngayon ay nasa bandang pintuan pala ng kwarto ko, nakahilig sa pader. Napangiti kaagad sila ng makita ako pero napangiwi naman si Mariavale.

"May patay?" pinagkrus nito ang braso sa dibdib.

"Oo, patay na daw ang puso niya, nawawalan na ng pagmamahal o..." sabat naman ni Xynea.

"O?" sagot naman kaagad nila Aironia at Dail.

"Patay na dahil sa sakit," natatawang ani nito kaya umirap ako kahit na di nila makikita ang mata ko.

Getting Into High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon