"Bwiset, bakit hindi sinasagot!"
Napamura ako habang ang cellphone ay nasa tenga, nakapameywang at hinihintay na sagutin ni Beaumont ang tawag ko. Hindi ko na mabilang ang ginawang pag dial sa number niya pero hindi naman niya sinasagot.
Bumalik naman sa isip ko ang higad na boses ni Funa habang nakaupo at nakatingin kay Beaumont, iniisip ko palang ay nakakagigil na.
Sinabi naman ni Beaumont na sila lang tatlo doon pero bakit may kasama silang higad? Nakakaloka.
Hindi pa din ito sumasagot kaya napagpasyahan ko nang magbihis. I just wear my black hoddie and my shorts and a rubbershoes for my feet. Hindi na ako nag-abalang mag liptint pa at ayusin ang buhok kong naka messy bun, lumabas kaagad ako sa kwarto ko at nakita ko kaagad si Tita na nasa pintuan ng kwarto niya.
"Where are you going Estelle? It's late." she walks towards me.
"Sa convinience lang po, nagugutom kasi ako, may gusto akong kainin." I lied.
Gusto kong gawing adobo si Funa!
"Sige, mag-ingat ka." Tita tapped my shoulder.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at lumabas kaagad ng bahay. Napayakap ako sa sarili ko nang umihip ang malamig na simoy ng hangin, buti nalang at naka hoddie ako.
Pumara kaagad ako ng taxi. Buti nalang at alam ko kung saan ang condo unit ni Rigel, nakapunta na ako doon e, kasama si Beaumont, syempre.
Alas diyes na kaya hindi na masyadong traffic kaya umabot kaagad ako, nandito na ako sa harapan ng pintuan niya. Hindi na ako nakapaghintay at pumasok kaagad nang hindi man lang kumakatok.
Nakita ko kaagad ang marumi na paligid. May bote ng alak at chichiria, ang sobrang kalat. Nilibot ko ang patingin ko, walang kahit anino ni Beaumont ang nakita ko hanggang sa nakita ko sila Rigel at Flint na may dala nang walis, galing sa kusina. Bahangyang nagulat ito sa presensya ko.
I smiled awkwardly, pinipigilan ang nararamdaman ko. "Where's Beaumont?"
Napatingin si Rigel at Flint sa isat-isa at napabaling sila ng sabay sa'kin pero iniba kaagad nila ang kanilang tingin sa ibang direksyon. Nagsimula namang uminit ang ulo ko.
"Ah, Estelle," napakalot sa sintido si Rigel, iniiwasan ang tingin ko.
"Asan siya?" pinilit kong maging kalmado.
"N-nasa pwet ni Rigel," sambit naman ni Flint na iniiwasan ang tingin ko.
"Tanga ka ba?!" siniko kaagad ni Rigel si Flint.
Kumunot ang noo ko sa sagot nito, imbes na matawa ako ay mas lalo pa akong naghinala dahil sa reaksyon nila.
Hawak ang noo akong napaupo nalang sa sofa at napayuko. Pinipigilan ang dugo kong kumukulo na ngayon, naiisip ko pa lang na magkasama sila ay parang mababaliw na ako, gusto kong pumatay ng tao.
"U-umalis iyon bigla kanina, Estelle." napatingala ako ng magsalita si Rigel.
"Oo Estelle, h-hindi niya naman sinabing kung 'san siya pupunta." si Flint habang kinukuha ang bote na nasa sahig.
"Asan si Funa?" tanong ko kaagad dahilan na napatigil si Flint sa ginagawa. Nag unahan kaagad sila sa pag-iling.
"Kasama niya si Beaumont?" I raise my brows on them, nakita kong napalunok ang dalawa at napatingin sa isat-isa.
BINABASA MO ANG
Getting Into High
RomanceCOMPLETED|| 1 A Fine arts student, independent, gorgeous and a happy go lucky woman, Ariadne Estelle Zeateia knows how to make her own decisions in life. There is a finality at everything when she says and does but a cold Engineering student Beaumon...
