Veinticinco

448 21 3
                                    


"Sino kaya 'yan?"



Tanong ni Xynea ng pinakita ko sa kanya ang unknown number na nag message sa'kin. Wala namang nakakaalam sa number ko kundi sila Mommy lang. Hindi ako bastang-basta na nagbibigay ng number ko.



Hindi mawala sa isip ko iyon hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nandito ulit sa Behollis. Kailangan kong gawin ito. Kailangan kong ibaba ang pride ko, titiisin kung ano man ang sasabihin niya.



Bumukas na ang elevator at papasok na sana ako ng makita ko si Wilford na lumabas galing doon at nakabusangot ang mukha habang hawak-hawak ang batok. Humakbang naman kaagad ako papunta sa kanya.



"Hey? Anong problema?" tinapik ko ang balikat niya. Ngumiti ito pero kalaunan ay napawi na din.



"Ang problema ko lang naman ay hindi tinanggap ng Beaumont na iyon, ang project para sa gagawing gusali sa resort." napailing ito.



Hala?



"Talaga ba? At bakit naman? Malaki ang ikikita pag papayag siya non."



"I don't know, he didn't say anything basta hindi daw niya itutuloy," he sighed.



I tapped his shoulder again and smiled at him. "Kakausapin ko siya." bulong ko at kumindat.



He just smirk. "Well, speaking of the evil," he glanced at the side.



Napatingin ako roon at laking gulat ko ay nakapamulsa at nakatingin na sa amin si Beaumont habang nakataas ang kilay.



"Engineer," I called. He just nodded.



"Well, I need to go now Estelle," paalam ni Wilford kaya napabaling ako sa kanya. He grinned.



"Oka-"



Natigilan ako ng bigla nalang ako nitong hinalikan sa pisnge kaya napanganga akong napatingin sa kanya. He just grin and stood up straight, pinalo ko naman kaagad siya sa braso kaya natatawa itong lumayo sa'kin. Napatigil naman ako sa ginagawa ng marinig ang isang tikhim.



Napabaling ako kay Beaumont, he's looking at Wilford now and glanced at me. His face hardened and his jaw clenched while staring at my face. I gulped and smiled awkwardly.



Napatingin ako kay Wilford ulit at pinandilatan siya. He just smirk at me and faced Beaumont and tapped Beaumont's shoulder! Nang-aasar naman na ngumiti ito at tumingin sa'kin bago binalik ang tingin kay Beaumont. "Thank you for declining our deal," sarcastic na boses nito.



Napailing nalang ako sa katarantaduhan ni Wilford, walang pinipili na oras! Nanatili pa din ang expression ni Beaumont. Humakbang na si Wilford pero bigla itong pumihit paharap sa'kin sabay flying kiss!



Tinignan ko siya ng matalim, mamaya ka sa'kin! Natatawa nalang itong tumalikod at umalis.



Napatingin ulit ako kay Beaumont ng pumasok na ito sa elevator kaya napasunod din kaagad ako.



"Good morning," I greeted.



"Bad morning," He replied, didn't mind to glance at me.



"Ang nega," sagot ko.



He looked at me with his forehead furrowed. "You're wasting your time again."



"Ang unli mo talaga," hindi ko maiwasang mapairap.



"Just go to your blue eyed suitor, hindi masasayang ang oras mo," napamaang ako sa sinabi nito.



Getting Into High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon