Nasan yung Girlfriend ko?

593 26 2
                                    

©2014

***

"Yes! buti nalang nag bell na kumakalam na 'tong tiyan ko, eh. Gusto ko na ngang kainin yung katabi ko kanina. Ano sabay ka?"

"Hindi na may gagawin pa ako." Pagtanggi ko. Takte naman kasi, nakalimutan kong may gagawin pa ako sa physics.

"Ah okay, geh babye nalang!" Pagpapaalam ni bespren Kylie.

Ako nga pala si Eunice Mendoza, 4th year hs, 16 yrs old. Isang babaeng may crush kay Lester Mendoza. Oh ha? Naisingit ko pa yun.

"Nakita mo ba yung girlfriend ko? nasan yung girlfriend ko?" Tanong nang lalaking nasa harapan ko ngayon, si Lester.

Hindi ako kinikilig ah, naiinis na ako. Kanina pa kasi yan tanong ng tanong  sa'kin kung nasan yung girlfriend nya. Hanapan ba ako ng girlfriend? hindi porke't crush ko siya wala na akong karapatang mainis.

Sino nga ba girlfriend nitong mokong na 'to?

Si Sena ata kasi bali-balita may kung anong loveteam echos silang dalawa.

"Huy! Nasan yung Girlfriend ko?" Oo nga pala nagtatanong 'tong si mokong.

"Ah. . .nasa canteen ata, parang nakita ko." Tugon ko dito. Hindi naman siya pumunta sa canteen, loko loko talaga.

***

[LIBRARY]

Salamat tapos na rin sa wakas! Hirap ng Physics pusanggala!

Palabas na ako ng library para makapag lunch na dahil kumakalam na 'tong baby tummy ko nang makasalubong ko nanaman si mokong at papunta saakin. Hindi ako assuming ah! Talagang papunta siya sa'kin.

"Nasan yung girlfriend ko?" Pambungad niyang tanong.

'Geh konting konti nalang sisigawan ko na 'to SABING HINDI AKO HANAPAN NG NAWAWALANG GIRLFRIEND POTEK! Hah! patience Eunice! Si crush naman diba?

"Uhmm. . . baka nasa room niya na? dunno!" Kibit balikat ko. 'Di ko alam, eh.

Nagpasalamat na siya sabay alis. Bastusan, tss. Maka-kain na nga lang!

***

[Uwian]

"Bye kylie! see yah tomorrow. Ingat!" Pag papaalam ko kay Bespren. Uwian na! hayahay!

"Baboosh din, ingat! bukas ah pakopya ng assignment." Loko talaga.

Winave ko nalang yung kamay ko pagkatapos ayun sumakay na siya sa jeep. Ako kasi lakad pauwi kaya no need to commute malamang.

"EUNICE!" isang pamilyar na boses ang narinig ko na halos tumalon 'tong puso ko. Okay! ako na masyadong oa. Si Lester na naman kasi. Nakakamuro na 'to, ah.

"Nasan yung Girlfriend ko?" Pambungad niyang tanong.

Nanaman?!

"TANGNA! FYI HINDI AKO HANAPAN NG GIRLFRIEND KAYA PWEDE BA WAG MO NA NGA KONG TANUNGIN ATSAKA SI DORA BA YANG GIRLFRIEND MO? KASI NAPAKA GALA EH, POTEK. . ."

Halos mapatakip na ako ng bibig. Nakakahiya, pero bahala na crush ko lang naman sya at hindi niya din naman alam. Tsk! ganito ugali ko eh, ano magagawa?

Tumingin ako sakanya. Akala ko sisigaw siya o kaya naman magagalit sa'kin pero tumawa lang siya.

"Alam ko naman talaga kung nasan yung Gf ko eh." Tss. alam nya naman pala!

"Ah mabuti naman. Osya sige uwi na ko." Makaalis na! trip ako neto eh.  Ngunit bago pa ako makatalikod sakanya hinila niya ako pabalik.

"Hindi mo ba aalamin kung nasan? sabihin mo 'nasan' sasabihin ko sayo."

Bakit nasan? Diba dapat sino?

Ah, sige pagbigyan. "Oh nasan?"

"Edi nasa puso ko!" nahampas siya bigla sa braso dahil sa kakornihan niya.

"Aray!" Inda niya. Hala! Nasobrahan ko ata!

"S-sorry. .  " hinawakan ko yung braso niya. "Okay ka lang?"

"Yup!" masigla nyang sambit. Trip talaga ako nito.

"Uy yun pala girlfriend mo oh." Sabay turo ko dun kay Sena na kalalabas lang ng school.

"Ha? hindi naman yan yung girlfriend ko eh."

Ano?

Kung hindi si Sena, sino? baka ako. Wala lang, nagbabakasakali lang. Asa naman ako.

"Ah, okay, alis na ako." pagpapaalam ko. Baka kasi ano pang masabi ko o matanong ko dito, umiral ang kadaldalan ko.

"Wait, saglit lang." humawak siya sa kamay ko. Ano ba! Tumigil ka na Lester! Kotang kota na ko ngayon araw ah!

"Hindi mo ba tatanungin kung sino o nasan yung girlfriend ko?" parang gusto ko rin naman malaman kung sino gf nito para mahunting kung may pambuga ba ako o wala at kung wala, edi fine magsama sila.

Nag nod ako kay Lester.

"Sabihin mo muna 'Nasan'." May pag kindat pa siyang nalalaman at putakte inilapit niya pa yung gwapo niyang mukha sa napakaganda kong mukha. Nakakailang. Oxygen, please! Bakit ganito nakakailang magsalita.

"Uy sabihin mo muna 'nasan'." Ay oo nga pala.

Sige na sasabihin ko na.

"Nasan?"

"Edi nasa harapan ko"

[END]

MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA! :>



Nasan yung Girlfriend ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon