LIHIM NA SULAT

23 0 0
                                        


LIHIM NA SULAT
-ELO-

Nakakasilaw na kinang mula sa 'yong ngiti
Ito ako mukang siraulong di mapigilan ang sariling mahumali
Mga lihim na pag sulyap ba sayo'y iyong nahuhuli?
Pangalan ko ba na di man pagkaganda'y lumabas na sayong labi?
Napakadaming tanong na sa isip ko'y pauli't ulit na simasagi
Bat ganto?,maaari bang?, pwede bang?, sa dami nila'y di ko na mawari
Kalokohan man tawagin pero hinahayaan ang sariling sa ngiti mo'y mawili
Hangang don lang naman kasi ako, Hangang ganon lang naman kasi ang kaya ko
Gawin kang mundo ko kahit na ang pagkilalan mo sakin ay ibang tao
Paikot-ikot ang takbo ng mga araw ko
Hahanap ng tyempo para makasulyap ng patago sayo
Sinasarili ang aking lihim na pagkagusto
Kahit sa mga kaibigan ko'y hindi ko makwento
Masarap man sa pakiramdam pero ayoko kong sayo'y mabuyo
Mamaya kasi'y malaman mo natatakot ako sa magiging reaksyon mo
May isang sobre na sa libro ko'y nakatago
Liham ng pagtatapat ang laman ng nakatagong sulat
Nag taka ako ng di ko sulat kamay ang gamit ng manunulat
Walang mapaglagyan ang ligayang bigla sakin ay umusbong
Pano ba naman mga mata ko'y di kikislap
Pangalan mo lang naman nasa dulo ng pangungusap.

RANDOM POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon