HATCHI

29 1 0
                                    


HATCHI
-ELO-


Isang napakagandang palabas na ang pamagat ay Hachiko
Palabas kung saan ang bida’y hindi isang tao
Isang makulit ngunit tapat at magapagmahal na aso
Sobrang katapata’y lahat ata gagawin para sa kanyang amo


Di nakapagtataka kung bat ang palabs nato’y nakakainganyo
Bibihira nga naman talaga ang ganong katapatan sa isang aso
Nakakasabik ang bawat sandaling umiikot sa kwento
Di ka makakahindi sa hapdi na dulot ng pagkamatay ng amo


Bawat minutong inilalan ni hachiko sa pagaantay
Makikita sa taong nakapaligid sakanya ang kirot nitong taglay
Pagasang makikita mo sakanya’y nakahimlay
Kamatayin din pala ang tatapos sa kanyang paghihintay


Di masarap sa pakiramdam ang magantay
Walang kasiguraduhan sa bawat sigundong nakaantabay
Sana pati ang tao’y kayang gawin ang ganong bagay
Manatiling mapagmahal at tapat sa sitwasyong walang kasiguraduhang nakaakibat.

RANDOM POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon