TADHANA

37 0 0
                                    

TADHANA
-ELO-

Nakabase nga ba ang lahat sa isang bagay na di sigurado
Bagay na kahit sang angulo tignan di mo kontrolado
Tanong na walang kasagutan kahit ika’y maghurumintado
Siguro nga’y di talaga natin kilala ang mundo


Isang araw mahuhulog ka sa isang maling tao
Kahit di mo na mabilang kung ilan na ang nagsabi sayo ng bobo
Wala sa mga yon ang makakapag pabago sa desisyon mo
Ikaw lang kasi ang may kakayahang umumpog sa sarili mong ulo

Sa ibang araw ikaw ay mabibigo’t gusto ng sumuko
Makikita mong mga naging desisyon mo’y baliko
Kahit ang prosesyo mo’y pahinto hinto
Mahalaga’y dineretsyo mo ang ladas at di hinayaang sarili mo’y gumuho

Sa bagay na di kontrolado tandaan na hawak mo ang desisyon mo
Sa mga katanungan, wag mong sukuan ang sagot nito’y nasa dulo
Di man naten kilala ang mundo ang importante kilala mo ang sarili mo
Wag isisi sa tadhana ang lahat, hangat di mo na kukuha ang leksyon nitong lahad.

RANDOM POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon