KALAWAKAN
-ELO-Isang walawak na kalawakan
Bat ang sarap mong pagmasdan
Taga tugon kaba talaga ng kahilingan
Kahilingan ba talaga'y iyong tinutugunanKung ito'y totoo maaari bang humiling
Sana ang tugon mo dito'y di pailing
Di naman mamahalin ang aking hiling
Umaasa ako na ito ay iyong diringginKaya mo bang tangalin ang sakit
Sa dibdib ko kasi'y matagal ng nakapiit
Masyado na itong madaming nakuhang kapalit
Nag simula lang naman to sa maliit na hinanakitBat parang tila ito ay buto
Lumalalim habang tumatagal na nakaburo
Lumalaki ito't lumalago na parang puno
Hindi ko alam kanino hihingi ng sakloloMalawak na kalawakan maari mo bakong tugunan
Kaya mo bang gawing katotohanan ang aking kahilingan
Kahit na dalawangpo't apat na oras lamang
Maramdaman ko manlang na ang dibdib ko'y gumaanSayo na lamang ako umaasa kalawakan
Mga tao kasi'y paulit ulit nalang akong sinasaktan
Paulit ulit na hangang sa ito'y aking pag sawaan
Ba't nga ba humihiling sayo lahat ng may kalungkutanGanon talaga siguro ang mga taong nasasaktan
Kumukuha ng pagasa sa tadhana't kalawakan
Dalawang bagay na walang kasiguraduhan
Pero pilit pading pinaniniwalaanWala namang mawawala kung susubukan
Mahal na kalawakan wag mo sana kaming sukuan
Natatangi ka naming sandalan sa oras ng kabiguan
Sana wag kang mag sawang dumiling ng nga kahilingan
Sa pag buo muli ng pira piraso kong daigdig
Di kita kakalimutang pasalamatan ng galing saking dibdib.
BINABASA MO ANG
RANDOM POETRY
Poezja"Hangat may isang nagtitiwala't humahanga, hindi ako titigil sa pag gawa ng storya at tula"