CHAPTER 1

38 12 2
                                    

CELINE


“Nakasabay ko yung jowa mo” agad akong nagtaka kung sino tinutukoy ni Claire, kasi sa pagkaka alam ko wala akong jowa.


“Eto naman nagtaka pa edi yung jowa mo na ikaw lang nakakaalam” agad ko syang binatukan ng ma gets ko kung sino ang tinutukoy nya.


Umupo sya sa tabi ko sabay ngisi, nakasanayan na nyang iupdate sakin lahat ng tungkol kay Ian my one and only crush. Speaking of Ian I’ve been crushing him for past six years na rin since elementary. One of the reason kung bakit ako single dahil it’s a choice, wala eh tinamaan.


Inilapit ko agad ang upuan ko kay Claire, dahil interesado ako kung anumang chika nya patungkol sa crush ko.  “Personal space much?” agad naman syang lumayo sakin at kinuha ang cellphone sa loob ng bag nya, napa irap nalang ako ng mapansing wala syang balak kausapin ako.


“Wag ka nga maarte dyan para sinapak ka lang tampo ka agad, parang di sanay” pampapalubag ng loob ko sakanya, tinawanan nya lang ako at sabay pakita ng phone nya.


“Gaga hinahanap ko lang yung picture ng bebe mo, atat masyado gurl” kinuha ko agad ang cellphone na hawak nya at nakita ko nga dun si Ian na naglalakad habang naka earphone papatawid ng kalsada he just wearing a simple grey shirt matching with sweatpants simple but yummy, side profile lang ang kuha ni Claire pero ang lakas pa din ng appeal nya napaka photogenic naman putangina.


“Oh hulog na hulog na naman ba?” hinablot nya agad ang cellphone nya sakin ng mapansin nyang wala akong balak ibalik sakanya, ayaw ko sanang ibigay kaso baka sa pag aagawan namin masira Iphone nya mas mahal pa ata toh kaysa sa buhay nya.


“Share it” nilabas ko agad ang cellphone ko at nginitian sya ng napaka tamis dahil alam kung hindi sya madaling pakiusapan. She raised her brow and rolled her eyes on me at tinulakuran ako. Hinatak ko agad ang braso nya para humarap saakin.


“Ba’t ang damot mo?” pag real talk ko sakanya para picture lang sama ng ugali, kaibigan ko ba talaga toh?.


“Wala ng libre sa mundo ngayun Celine kung gusto mo nito” Sabay pakita ng picture ni Ian.


“Ano?”


“Paghirapan mo” napa buntong hininga nalang ako dahil alam ko na kung ano ang gusto nyang sabihin.


“Parang tanga naman toh picture kapalit ng dignidad ko, negotiable ba yun?” pagmamaktol ko kay Claire, andito kami ngayun sa harap ng computer shop.


“Ikaw na nga tinutulungan umasenso ang lovelife ayaw mo pa” pagdadahilan nya, matagal na nya kasi akong kinukulit na gumawa ng isang dummy account para makausap ko si Ian. Never ko sya nakausap sa personal pagkatapos naming grumaduate ng elementary, at nung high school naman nakikita ko lang sya paminsan minsan dahil hindi naman kami same school. But everytime na makikita ko sya my heart go crazy ewan ko ba ang weird.


“Alam mo namang low-key lang ako mag ka crush unlike you broadcast” I smiled to myself ng marealize na pikon na sya, kanina pa kasi ako nagtatantrums sa kanya na parang bata imagine senior high na ko ang childish ko pa din. Aalis na sana ako pero hinatak nya ako papasok sa loob no choice ayoko din mag eskandalo.


“Bored ka ba sa buhay dahil pati lovelife ko pinapakialaman mo ha?” sinearch nya agad ang facebook still ignoring me habang nakatayo ako at tinatakpan ang pc para walang makakita na gumagawa kami ng dummy account.


“Isang hi lang naman pagkatapos pag di nagreply edi okay, ayaw mo kasi sa personal edi sa chat” pursigido talaga sya na magkaroon kami ng convo ni Ian mas atat pa sya maging kami.


“Bakit ba kasi dito pa nakakahiya pag may nakakita” bulong ko sakanya, feeling ko may ginagawa kaming krimen dito eh. Lumingon naman sya sa paligid at nagthumbs-up sakin.


“Wala namang masyadong tao ano ka ba beside mas safe pag dito malay mo i-trace location mo edi nabuking ka” she reasoned out kahit walang sense ang pinagsasabi nya.


After a couple of minute pinakita nya sakin ang ginawa nyang dummy account habang nag uunat unat pa sya na akala mo pagod na pagod sa ginawa.


“Bat ganyan yung picture? Ang weird.”


“Bakit ganyan yung name? Ang panget”


“Bat ang panget naman ng bio? Walang sense”


“Bat ang dami mong tanong, reporter ka?” sabay irap sakin, binigay nya sakin ang password at number ng account at ni log in ko sa phone ko sa fb lite, pagkatapos naming magbayad napag desisyonan na naming umuwi.


Kinakabahan ako at the same time naeexcite, Claire’s already message him dahil baka daw hindi ko namang gawin, ang lala talaga ng trust issues nito. I don’t know if active ba yung account kaya hindi nadapat ako masyadong umasa na magreply sya besides baka iignore nya nga lang.


“Tulala ka na dyan? Kung iniisip mo kung bakit di nag rereply eh baka offline, kaya wag ka muna mag emote dyan” sabay akbay nya sakin at kinuha ang phone ko. My eyes widened when she click the add friend button.


“Nakakahiya ka, akala ko ba message lang? natatawa pa syang lumapit sakin dahil napalakas ang tulak ko sakanya buti nalang di sya natumba dahil hindi ko sya tutulungan.


“Celine, he doesn't know who’s the owner of that account you can chat him whatever you want without losing your dignity” and left me hanging sumakay na sya sa bus after she said that napaupo nalang ako sa bench when I realize na tama sya I can talk to him freely wihout getting embarrass.


To Claire:
Nice idea, Claire


Naglakad na ako paalis after I sent her a message dahil gumagabi narin. But I stop when my phone beep, agad kung kinuha ang cellphone ko para replyan agad si Claire.


Ian Suarez sent you a message.


I froozed.


Muntik na akong matumba ng manghina ang mga tuhod ko because of shocked. Nagdadalawang isip pa ko kung bubuksan ko ba or hindi, wala si Claire ang gagang yun iniwan agad ako I don’t know what to say but most importantly.


Ano bang reply nya?


Nanginginig ang kamay ko while opening his message at the same time kinakabahan na naeexcite, I should keep in mind na hindi nya ko kilala and I should chat normal.


Pero lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng mabasa ang reply nya.



“Who are you?”

One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon