"Ang daya mo naman eh!" inis na sabi ni Belle kay Donny.
"Anong madaya diyan? Talo ka lang talaga! WHAHAHAH!" Sabi ni Donny kay Belle na tumatawa pa.
"Ayoko na!" sabi ni Belle sabay bato ng console.
Naglalaro sila Belle at Donny ng ps4 sa kuwarto ni Donny. Madalas silang maglaro every weekends dahil iyon na lang ang free time nila as college students. Ngayon, ay mas maluwag na ang schedule nila dahil malapit na silang gumraduate at tapos na silang dalawa sa lahat ng requirements nila.
Magkatabi silang dalawa ngayon sa kama ni Donny at nakasandal sila sa headrest ng higaan. Walang malisya sa kanila ang ganito dahil bata pa lang sila ay madalas na silang magtabi sa higaan.
Minsan ay napagsasabihan silang dalawa ng mga magulang nila na iwas iwasan na masyado ang paglilikot o pagiging "clingy" sa isa't isa dahil hindi na sila mga bata. At hindi na rin normal sa edad nila ang pagtatabi ng Lalaki at Babae sa higaan kung hindi naman sila kasal ayon sa mga magulang nila. Pero dahil pasaway sila, hindi nila iyon inisip. Wala rin naman silang ginagawang masama.
"Libre mo na 'ko, Belle!" natatawang sabi ni Donny.
"Mamaya! Peste!" sagot ni Belle. Hinila ni Donny si Belle at inakbayan.
"Ang baho mo! Maligo ka na nga!" reklamo ni Belle pero walang pakialam si Donny.
"Ano, ba! Saka, mag t-shirt ka nga! Akala mo naman ganda ng katawan mo?! Payatot!" Naiinis na sabi ni Belle kay Donny pero hindi maiwasan ni Belle ang kiligin.
Simula Elementary ay may crush na siya kay Donny. Gusto man niya noon pigilan ang nararamdaman ay hindi niya magawa, dahil sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ay lagi silang magkasama. Minsan na ring ibinaling ni Belle ang pagtingin niya sa iba. Ngunit, si Donny lang talaga ang laman ng isip at puso niya kaya noong 2nd year college sila ay nakipag break na si Belle sa naging boyfriend niya for six months dahil ayaw niya na ring gumamit ng iba para lang malimutan ang nararamdaman niya sa Best friend niya.
"Ang arte mo! Ilang taon mo na akong naamoy eh! Lahat yata ng amoy ko, alam mo na! Saka, hindi pa nga ako naliligo, 'di ba, edi mamaya na ako mag t-tshirt! Malay ko bang gusto mo palang maramdaman ang kakisigan ko!" Natatawang sabi ni Donny. Madalas idaan ni Donny sa pang-aasar ang totoong nararamdam niya kay Belle na best friend niya. Bata pa lang kasi sila ay may gusto na siya dito. Ayaw naman niyang iwasan si Belle dahil baka magtaka ito at mapaamin siya ng wala sa oras at sabihing kaya siya umiiwas ay dahil may gusto siya rito.
Nagbalak na ring umamin noon si Donny kay Belle sa totoong nararamdaman nito pero, hindi rin natutuloy dahil baka hindi naman pala siya gusto romantically at hanggang pagiging best friend lang ang kayang ibigay sa kanya ni Belle. Minsan na rin kasing naistorbo ang pag amin niya. Ayaw niya ring isakripisyo ang pagkakaibigan nila dahil lang sa nararamdaman nito sa best friend niya.
"Yuck!!! Kakisigan? Kadiri ka talagaa!!!! Kapal ng mukha mo!!!!" sigaw ni Belle at pinaghahampas si Donny. Tawa lang nang tawa si Donny at dahil naka akbay nga siya kay Belle ay niyakap niya ito patagilid at sabay na ibinagsak ang katawan nila sa kama.
"Hoy! Ano ba yan! Umayos ka nga! Libre chansing ka rin eh!" naiiritang sabi ni Belle. Buti na lang at hindi nakikita ni Donny ang mukha niya dahil sobrang pula na nito. Madalas silang magtabi sa higaan noong mga bata pa sila. Kapag si Belle o si Donny ang nasa bahay ng isa't isa ay pinapatulog sila ng mga magulang nila ng ala una ng hapon para payagang makapaglaro pagdating ng alas tres ng hapon.
"Kapal! Chansing mo mukha mo! Tulog muna tayo! Hahahaha!" mapang asar na sabi ni Donny at niyakap na mahigpit si Belle.
'I wish I could stop the time.' sabi ni Donny sa isip.
BINABASA MO ANG
DONBELLE short stories compilation
FanfictionShort stories for Donato Antonio Pangilinan and Belinda Angelito Mariano date started: Feb 20, 2020 #DONBELLE