"Lintek! Ako ang nauna dito! Bitawan mo 'yan!" Sigaw ni Donny kay Belle. Nasa canteen sila ngayon at nag-aagawan sa nag-iisang chichirya na paborito nila dalawa."Anong nauna? Hoooyyy! Ako ang nauna, kaya ikaw ang bumitaw!" pabalik na sigaw ni Belle.
Donny and Belle are now in Fourth year college sa isang state university sa Sta. Mesa. Nasa iisang college department sila but different course. Si Belle ay BS Com Sci ang kurso at si Donny naman ay BS I.T. Ang huling away nga nila ay last month pa which is college month nila at parehas pa silang officers ng magkabilang council kaya madalas silang magkita at siyempre, magbangayan.
First year college pa lang ay magka away na ang dalawang ito. Hindi naman alam ng mga kaibigan nila ang pinag ugatan ng away nila at kapag tatanungin naman nila ito ng magkahiwalay, ay ilag silang sagutin. Dahil din sa palaging pag-aaway nila, ang mga kaibigan nila Donny at Belle ay naging magkakaibign na rin at taga awat sa dalawa kapag lumalala na ang tensyon sa pagitan nila.
But not today...
Natatawa sila sa bangayan ng dalawang ito ngayon, dahil lang sa isang chichirya ay nag aaway sila. Parang nanonood sila ng isang pelikula na kung saan si Donny at Belle ang bida.
"I really wonder why they hate each other so much?" nasabi ni Joe na kaibigan ni Donny habang nanood sa dalawang nagbabangayan.
"Oo nga, papi Joe. Grabe ang galit nila sa isa't isa, noh? hihihi! Pero, 'di ba, may kasabihan na 'The more you hate, the more you love'? hihihi!" pagpapa cute na sabi ni Miguel na kaibigan naman ni Belle.
'Landi na naman ni bakla! hmp!' nasabi ni Benjie sa isip.
"ABA! BAKIT AKO ANG BIBITAW? BA'T HINDI IKAW? TOTAL, GAWAIN MO NAMAN?!" Galit na sigaw ni Donny.
"Okay! What the fuck is happening?" nagtatakang tanong ni Tom na kaibigan ni Donny. Obviously, hindi siya masasagot ng mga kasama niya.
"PUWEDE BA?! Bitawan mo na 'yan at mag hanap ka sa iba! Diyan ka naman magaling 'di ba?" banat naman ni Belle.
"Maghanap sa iba? HA-HA! Nice idea of yours! Bakit hindi ikaw gumawa? Ikaw ang expert diyan. Iyong biglang mawawala!" puno ng sarkasmong sagot ni Donny.
"Shuta, mga bakla! ano 'yang pinagsasasabi nila????" OA na react ni Benjie.
"Ano ba naman kayong dalawa! Sa araw- araw na ginawa ng Diyos, lagi kayong nagbabangayan. Parang chichirya lang. Hahahaha!" natatawang saway ni aling Kara. Naging close na niya ang dalawang estudyanteng ito dahil laging bumibili sa kanya ng paborito nilang chichirya.
"Nay naman! Alam mo naman po di ba na favorite ko 'to? Dapat tinira niyo na po para sa akin." paawa na sabi ni Donny.
"Naaaay Kara! Alam mo naman po di ba na gustong gusto ko 'to? Dapat itinabi niyo na po para sa akin!" pagmamaktol ni Belle.
"Hahaha! Kayong dalawa talaga! Parang chichirya lang, pag-aawayan niyo? Ang babaw masyado, ha! Naubusan na ako ng mga stocks at hindi na ako masyadong namili ng madami dahil matatapos na ang sem ng mga estudyante. At saka araw- araw kayong kumakain niyan! U.T.I aabutin niyo. Imbes na sa PICC kayo magma martsa sa graduation niyo, sa hospital kayo pagma martsahin ng mga magulang niyo!" pangangaral ni aling Kara.
Ang babaw nga naman ng pinag aawayan nila. Parang chichirya lang, nagsisigawan na sila.
Seriously?
"I'm loving it! Hahahaha!" natatawang sabi ni Mich, kaibigan ni Belle. Nasa isang tabi pa rin ang pitong magtro tropa at pinanonood ang bangayan ng dalawa. Mamaya na raw sila aawat kapag nagka pisikalan na.
BINABASA MO ANG
DONBELLE short stories compilation
FanficShort stories for Donato Antonio Pangilinan and Belinda Angelito Mariano date started: Feb 20, 2020 #DONBELLE