9. Mr. President

495 14 2
                                    

9.  Mr. President


"Tss. Unang araw ng klase, ang lakas ng ulan." Nasabi ko na lang sa sarili ko habang naglalakad papuntang sakayan ng tricyle. Naka sick leave kasi ang driver namin at sina Mama at Papa naman ay nauna ng pumasok dala ang kotse. Recently lang naging marangya ang pamumuhay namin. Incoming First year college yata ako noon nang ma promote sa mataas na puwesto si Papa. Lumaki akong tricycle ang pangunahing source of transportation ko.

First day of school namin ngayon. Hindi ako puwedeng ma late. Baka dumating ang prof ko sa Systems Analysis and Design. Major subject pa naman iyon. Tatlo na lang ang general subjects namin and the rest ay major na.

I'm on my fourth year as an I.T. student. Pagdating ko sa school ay siyang tirik naman ng araw. Lintek na panahon 'to! Pabago bago. Buti na lang at magsisimula pa lang ang flag ceremony. Every first Monday kasi ng buwan ginaganap ang flag ceremony sa school.

Pagkatapos ng flag ceremony ay dumiretso na kami sa classroom namin. Tatlo ang subjects ko ngayong araw. 7:30 am hanggang 10:30 am, 10:30 am to 1:30 pm tapos 6pm to 9pm. Lintek na schedule 'yan! Apakapangit!

After 30 minutes ay walang dumating na prof. Pumunta ako sa Head of Academics para tanungin kung may prof na kami sa subject namin na iyon. Si Ma'am Teresa ang nasa loob. Isa sa mga admin staff. Sabi ni Ma'am Tere, meron naman na raw kaming prof doon, si Sir Miko. Kaso 'di pa raw nata tag sa prof namin yung subject niya sa  amin kaya 'di pa alam ni Sir Miko na magiging prof namin siya. Kami raw yung last section na nadagdag sa load ni Sir Miko at hindi pa raw alam ni Sir iyon. Nag thank you ako at bumalik na ako sa room namin at inannounce yung sinabi sa akin ni Ma'am Tere. Naghiyawan sila pagkarinig pa lang ng 'walang prof'. Sinabi ko na rin na si Sir Miko ang magiging prof kaya yung hiwayan nila, napalitan ng inis. Strict kasi iyong si Sir Miko. Naging prof namin sa Advance Programming nung second year kami. Hinihintay lang namin ang pagsapit ng 10:30, dito rin naman kasi ang room namin for next subject.

9:30 am

"Mga beh! Baba muna tayo. Nagugutom ako." Sabi ng kaibigan kong si Rana.

"Same. Hindi na ako nakapag almusal sa bahay." Sabi naman ni Sola.

Tumango na lang ako sabay tumayo. Pagkarating naming sa ground floor ay may nakita kaming photo booth malapit sa Registrar's and Admissions Office. Kung saan ako nagse serve as Student Assistant.

"Tara! Pa picture tayo habang hindi pa sila dinudumog." Sabi ni Rana.

"Akala ko ba nagugutom ka, teh?" nakataas na kilay na tanong ko.

"Ito naman si Belle. Hehehe! Saglit lang naman yan. May freebies pa nga sila oh." Turo ni Rana ng makalapit kami sa booth.

"Nice set up, Donny! Nasaan na ang ibang officers? Kinarir mo naman ang pagiging student council president. Hehehe!" Natatawang sabi ni Sola.

Magkakambal si Sola at Donny. Student Council President si Donny at gaya namin ay Fourth year college na rin ito at Office Ad ang course.

"Ayos ba, Sol? Hahaha! Nasa klase pa ang ibang officers. Puro may klase ng umaga, buset! Yung iba naman ay parating pa lang." sabi ni Donny kay Sola "Oh? Hey, girls! Kumusta?" at bilang tumingin sa amin ni Rana.

"We're good!" si Rana na ang sumagot.

First activity ito ng council ayon kay Donny at bukas ay meron pa raw para naman sa mga estudyanteng walang pasok ngayong araw.

Kumuha kami ng ilang props at after four shots ay tapos na kami at binigyan kami ng tig isang sign pen at bookmark.

In fairness. Dagdag na naman sa collection ko ng mga bookmarks. Hehehe.

DONBELLE short stories compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon