4. Played by fate.
'piiiippp'
'wooooyyy!!!'
'aregluhin niyo na 'yan!'
'lintek!!!'Sigawan at angil nung mga tao sa likod namin. May nagkabanggaan kasi na sasakyan. Dalawang Jeep at isang kotse.
Shet talaga!!! Male late na ako! May interview pa naman ako ngayong araw sa CEO ng kompanyang inapplyan ko. Actually, last interview ko na ito. Kaya CEO ang magi interview sa akin dahil nag apply ako bilang secretary niya at sabi ng HR ay iyon daw ang last interview ko. Doon nga raw ako hahatulan ng verdict ko, biro pa ng HR sa akin.
Donato Antonio Pangilinan ang pangalan niya. Sounds very CEO ang name! Newly elected daw siya dahil pinasa na sa kanya ng kanyang Ama ang puwesto kaya wala akong idea sa hitsura ni Mr. New CEO. Ang wish ko lang naman ay sana mabait--- no! scratch that! mabuti sana siya. I know being a secretary of CEO is exhausting. Siyempre, parang ikaw ang kanang kamay niyan. Ino note mo lahat ng meetings niya, schedule niya sa araw na 'to at kung ano pa na gawain niya bilang isang CEO lalo na't bago siya. Malamang, mangangapa rin 'yon. Iyong secretary naman ng Daddy niya ay magre retired na raw next month at itong buong buwan ay naka bakasyon ito. Ganito raw ang retirement sa kompanyang ito, may isang buwan kang bakasyon bago mag retired at bayad 'yon!
Sarap!
Fresh graduate ako sa isang State University. At sabi nga raw sa survey ay top choice raw kaming mga estudyante ng mga employers. Kaya naman plus points iyon sa pinag applyan ko bukod pa raw sa skills na mayroon ako.
Sabi nong HR na nag interview sa akin. Hahaha!
Bale, nasa harap namin ang nagka banggaang mga sasakyan. Kaya rinig namin ang sagutan ng magkabilaang panig at ang ingay ng mga drayber at pasahero sa likod namin. Salamat sa Diyos at hindi kami nahagip o nadamay sa insidente.
Nagtatalo sila sa kung sino nga ba ang may kasalanan. Bilang ako na naka upo sa harap, tabi ng driver, ay nasaksihan ko ang nangyari.
Si Jeep1, Jeep2, at si kotse.
Nasa unahan namin ang jeep1 na ito nang biglang mag overtake. Kanina pa nga 'yan eh, nasa likod pa namin 'yan at nag overtake rin sa amin.
Kaskasero! Tss...
Pagka overtake ng jeep1 at malalampasan na niya 'yong kotseng nasa harapan niya, nasanggi siya bigla ni jeep2 na nasa tabi na niya. Na sandwich si jeep1 nila Jeep2 at kotse kaya nasanggi rin niya nga iyong kotseng inunahan niya.
Mabilis yata ang reflexes ni kuyang driver ng jeep1 kaya nalihis niya agad ang jeep niya at naka preno. Huli na nga lang ang paglihis niya dahil may damage na ang kotseng nabangga niya. At nabangga niya rin si jeep2 nung lumihis ito.
Aksidente lang naman ang pagkaka bangga sa kanya ni jeep2. Kung hindi lang talaga nag overtake si jeep1 ay hindi siya mababangga.
TAPOS ITO PA ANG GALIT AT SUMISIGAW!
Kapal ng mukha ng gagong 'to!
Rumisponde naman agad ang traffic enforcer na naka duty at ikinuwento naman ni Jeep1 ang nangyari na puro kasinungalingan.
echosera!
"Ser, Tama lang po 'yong bilis ko! Itong kotseng ito ang mabilis magpatakbo!" sigaw ni Jeep 1.
GAGO?!
"Oo nga, Ser! Kaskasero 'yan!" pag gatong ni jeep 2
HALAAA??? ISA PANG GAGO?!
BINABASA MO ANG
DONBELLE short stories compilation
FanficShort stories for Donato Antonio Pangilinan and Belinda Angelito Mariano date started: Feb 20, 2020 #DONBELLE