2. Childhood

902 27 20
                                    

Childhood

"Hoy! ITIGIL NIYO 'YAN! BAD KAYO!"

"Liit! Huwag kang mangialam dito! Siya ang kailangan namin!"

"Duwag ka! Kinakaya kaya mo lang yung mas maliit sa 'yo!"

"Talaga! At kaya kitang tirisin ngayon! Puwede ba?! Huwag kang pa epal! Hindi ikaw ang kailangan namin! Hoy, Donny payatot, amin na 'yang baon mo!"
Maangas na sabi ng lider ng tatlong batang ito na si Sam.

Hindi naman maka imik si Donny. Nakatungo lang ito at natatakot. Sanay naman na si Donny na laging binu bully at inaagawan ng baon ng tatlong lalaking kaklase niya.

Iaabot na sana niya ang baon niyang pagkain ng biglang dumating itong isa pa nilang kaklaseng babae.

"Kung si Donny, payatot! Ikaw, tabatchoy! BURAOT KA!"

"Belle, tama na!" pabulong na awat ni Donny.

"PAPANSIN KA TALAGA EH ---"
Natigilan si Sam sa pag sigaw ng mapadaan sa puwesto nila ang teacher nila.

"Anong nangyayari dito? Sam, kinukuhanan mo na naman ba ng baon itong si Donny?"

"Hindi po, Ma'am!" Tanggi ni Sam.

"Opo ---"
"Hindi po ---"

Sabay na bigkas ni Belle at Donny.

"Ano, Donny? Kinukuha na naman ba ang pagkain mo?" Tanong uli ng teacher nila.

"Hindi po, Ma'am" naka tungong sagot ni Donny.

Hindi naman ma ipinta ang mukha ni Belle.

'Bakit niya itinatanggi? Pinagtatakpan niya ba ang tatlong ito? Kung ako 'yan, pinagsasasapak ko na ang mga 'yan!'

Ganyan na talaga si Belle. Maliit na bata pero siga.

Hindi man masasabing magkaibigan sila, pero laging pinagtatanggol ni Belle si Donny tuwing binu bully na ito ng mga kaklase nila. Yung susulpot si Belle at pagkatapos ipagtanggol si Donny ay aalis na ito. Nahihiya naman si Donny na habulin ito kada aalis. Hindi niya magawang magpasalamat. Natatakot siya sa presensya ng batang babae na kung tutuusin ay mas matangkad naman siya kumpara kay Belle.

"Bumalik na tayo sa klase." Nasabi ng teacher nila. Naunang maglakad ang teacher nila na nasa harap nito ang tatlong bata at si Donny ang nasa hulihan.

"Bakit hindi mo na isinumbong? Iyon na 'yong pagkakataon mo." Nagtatakang tanong ni Belle.

Hindi naman maka imik si Donny. Nahihiya siya kay Belle.

"Tss.. Bahala ka." sabi ni Belle at nauna ng naglakad kay Donny.

'Tapangan mo naman, Donny! Lagi ka niyang pinagtatanggol! Kaso... nakakatakot naman kasi ang babaeng 'to! Ang liit pero ang siga!' nasabi ni Donny sa isip niya. Hindi siya mapakali.

'Ngayon ang tamang pagkakataon!'

"BELLE" tawag ni Donny kay Belle.

Natigilan si Belle sa paglalakad at lumingon kay Donny.

"Bakit?" Walang emosyong tanong ni Belle.

"Ahmm... ano..."

'Huwag kang mautal, Donny!'

"Ano?" walang ganang tanong uli ni Belle.

"Salamat! Salamat dahil pinagtanggol mo na naman ako sa grupo nila Sam." nahihiyang sabi ni Donny.

"Ah. Wala 'yon. Lahat kasi kinakaya kaya nila." ma angas na sagot ni Belle.

Namamangha talaga si Donny sa tuwing aangas ang dating ni Belle. Kakaibang babae kung ituring niya. Una, dahil lagi siya nitong ipinagtatanggol.

'Babae pa talaga. tsk!'

At pangalawa, dahil crush niya si Belle. Noong unang araw pa lang ng pasukan nila, nagandahan na siya kay Belle. At sa tingin niya crush niya ito. Mas nasigurado si Donny na crush niya nga si Belle simula noong ipinagtanggol siya nito sa mga bumu bully sa kanya.

'Hindi mo na kasi ako maipagtatanggol kapag tumigil na sila kaya hindi na uli ako nagsusumbong.' Nasabi ni Donny sa isip. Grade 2 pa lang kasi sila binu bully na siya ng grupo ni Sam. Nagsumbong siya noon at tumigil din ang tatlo. Pero, tumuloy na naman sila noong unang araw ng pasukan nila ngayong school year.

Alam ng Mommy niya na may crush siya dahil lagi niyang kinukuwento sa Mommy niya. Pinapaalalahanan naman siya ng Mommy niya na okay lang naman magka crush, na normal iyon sa mga bata. Pero, crush lang muna dapat at wala munang ligaw- ligaw.

'Donny! Grade 3 ka lang, ha! Ipapaalala ko lang, anak! Hahaha! I want to meet her. She must be very different.' Naalala ni Donny ang sinabi ng Mommy niya at napangiti siya.

Yes, Mom. She's really different.

"Anong ngini ngiti-ngiti mo diyan?" Nagtatakang tanong ni Belle.

Napabalik sa realidad si Donny at mas lalong lumawak ang ngiti niya.

"Paglaki ko Belle, hahanapin kita at pakakasalan kita." Lakas loob na sinabi ni Donny at biglang tumakbo. Iniwang tulala si Belle.

"Baliw ba 'yon?!" Nagulat at kinakabahang nasabi ni Belle sa sarili.
----

X:

DB FAM!!! THANK YOU SA POSITIVE FEEDBACKS. Kinikilig naman ako sa comments niyo! Yieeehh! Dahil diyan, here's an update.

Enjoy reading, fam! ✨

DONBELLE short stories compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon