7. Bittersweet night
It's our Graduation ball tonight and next week is our graduation day. Actually, hindi ako fan ng mga formal events kagaya nitong graduation ball namin. Hindi nga ako umattend ng JS Prom namin noong high school.
But not this event. Dahil sa kapipilit ng mga kaibigan ko ay sasama na ako.
"Ano ba, Belle! Ga graduate na tayo sa college! Sumama ka na!"
"Oo nga, bakla! Huwag ka ngang KJ!"
Tama nga naman ang mga kaibigan ko. Ga graduate na kami sa college at sasabak na sa real world.
'O may dahilan talaga, Belle kaya ka pupunta? Tss... Asa ka pa na isayaw nun.' nasabi ko na lang sa isip ko.
---
Sa Lakeshore gaganapin ang graduation ball namin. Pumunta muna ako sa bahay ng kaibigan also, classmate ko na si Lindsei, doon na namin pinapunta ang beki na high school friend, also, rumaraket sa pagme make up na si Kieth.Si Lindsei muna ang inayusan ni Kieth. At nung ako na ang aayusan ay biglang dumating ang isa pa naming kaklase na si Jam.
"Hanep, Belle! Babaeng babae HAHAHA!" bungad na biro ni Jam sa akin.
Sira ulo 'to!
"Manahimik ka, Jam. Masasapak kita!" natatawang sagot ko kay Jam habang inaayusan ako.
"Hi, Keith! Musta naaaa! ako naman sunod ha?" pagbibiro ni Jam.
"Keri lang naman, Papi Jam. Ikaw ba, musta na? Gwapo mo ah! Hindi mo na kailangan pang ayusan. Hahaha!" natatawang sabi Keith.
"Ayaw mo lang talaga ako ayusan, Keith. Bobolahin mo pa ako. Hahaha!"
Nag uusap lang silang tatlo habang ako ay inaantok na habang inaayusan. Silang tatlo kasi ang original na magkakaibigan noong highschool. Magka kaklase sila. Si Keith kasi ay kaklase ko lang ng elementary but we remained as friends naman nung high school hanggang ngayon.
Maya-maya...
"Ayan, teh! tapos na! Ang ganda mo!!!"
"Taray ni Belle! Babaeng babae na! So proud of you, beshie!"
"Pero mananapak 'yan mamaya! Hahaha!"
Papuri at pangangasar nilang tatlo.
"Loko kayo! Sei, akyat muna ako ha. makikibihis lang. hahaha!" pagpapaalam ko at umakyat na sa kuwarto ni Lindsei.
"Sige, teh." pagpayag ni Lindsei.
Nakapambahay pa lang kasi ako nung inayusan ni Keith.
'Dapat pala sinuot ko na 'tong dress bago ayusan, para hindi masira make up ko. tsk.' sabi ko sa sarili ko pagka akyat at pagkapasok ko sa kuwarto ni Lindsei.
Simpleng rose pink sleeve dress ang isusuot ko na may "V" shape cut sa bandang collar at lampas lang ng kaunti sa tuhod ko ang haba at pinarisan ko ng light pink na 2 inches heels. Hindi naman ito kataasan at marunong naman ako sa pagsu suot ng heels. Ang mataas na nasuot ko ay 5 1/2 inches na wedge naman ang style. Mabuti na nga lang at semi formal ang theme ng grad ball, hindi namin kailangan magsuot ng magarbong gown. Isa pa ito sa dahilan ng pag payag kong sumama, okay lang na simpleng dress ang suotin namin. Tolerable pa kasi sa akin ang ganoong kasuotan. Imagine, nagbo bonggahang gowns ang suot namin tapos maglalakad lang naman kami pauwi. Hindi naman kami mayayaman na may sariling kotse.
BINABASA MO ANG
DONBELLE short stories compilation
FanfictionShort stories for Donato Antonio Pangilinan and Belinda Angelito Mariano date started: Feb 20, 2020 #DONBELLE