Chapter 3

18 0 0
                                        

Friends?

Days passed peacefully, but sad.

Peaceful because I was able to avoid Homer's group. Though hindi pa rin naman tumitigil talaga sa pang-aasar ang mga estudyanteng hindi makalimot sa kalokohan ng lalaking iyon.

Malungkot dahil ilang araw at gabi na ring hindi talaga kami nagpapang-abot ni Mama sa bahay.

Umalis ako sa bahay kanina na wala na siya sa kanyang kwarto. Nakita ko na lang sa mesa ang baon ko noong mag-aalmusal na ako. Nitong mga nakaraang gabi naman ay nakakatulugan ko ang uwi niya kaya wala akong ideya kung umuuwi ba siya sa gabi o madaling araw na lang.

"Are you sick?" Moira asked.

She looked at me with full of concern. I moved away from her, slowly, when she tried to touch my forehead.

"Hindi."

"Pero mainit ang noo mo." Bakas ang pag-aalala sa maganda nitong mukha.

"Sinat lang 'to. Kaya ko naman." I smiled. Hindi maiwasang makaramdam ng init dahil sa pag-aalala nito sa akin.

Mabigat talaga ang pakiramdam ko kaninang paggising ko pa lang. Marahil ay sa pagkakabasa ko sa ulan noong mga nakaraang araw dahil palagi kong nakakalimutang magdala ng payong.

"May practice ka na mamayang hapon 'di ba?"

Tango lang ang isinagot ko kay Moira. Kahit Lunes ang araw ngayon ay walang flag ceremony dahil umaambon na naman. Nag- umpisa ang araw na panaka-naka ang buhos ng ulan kaya madilim ang paligid at malamig-lamig ang simoy ng hangin.

"Sayang, aayain pa naman sana kita sa bahay. Birthday ni Mama."

"Pakisabi na lang kay Tita, happy birthday."

"Salamat. Pero subukan mong humabol ha,text mo lang ako." Nakangiting sagot nito.

Mula noong mamatay si Lola Cedes ay lagi akong nakikitambay sa bahay nila Moira kapag uwian kung tinatamad akong tumambay sa library. Natitigil lamang iyon sa tuwing nagsisimula ang training ko sa taekwondo.

May kaya ang pamilya ni Moira. Her mother is a business woman and her father is a doctor. Ganoon pa man ay hindi sila mapili sa kung sino ang dapat at hindi dapat kaibiganin ng anak nila. They love me like how they love Moira kaya gustong-gusto ko roon sa kanila.

Dahil maulan ang panahon ay tila mabagal ang naging pag-usad ng oras. Our teachers did not give us loads of works dahil parang pati sila ay tinamad din sa malamig na panahon.

I was thankful when I didn't bump with Homer during lunch time, lately kasi ay palagi silang dumadayo sa canteen ng high school department para kumain. Ganoon din noong break time namin sa hapon. We were instructed to stay in our classroom instead of going to the library during our library hour dahil na rin sa ulan.

Ang mga kaklase namin ay mabilis na nag-umpukan upang magkwentuhan samantalang ako naman ay piniling matulog para may lakas ako mamaya.

Medyo masama ang pakiramdam ko but I can't be lousy in front of Master Ansel lalo na at unang araw ng training namin ngayon. And I know he expects so much from me since I am now the senior player among us.

"Text me after your training para masundo ka namin ni Mang Caloy." Moira said before leaving.

"Huwag na. Wala na rin naman sigurong ulan mamaya." I said, kumpara kasi sa panahon kanina ay umaliwalas na ang kalangitan.

Isa pa ay hindi ako sigurado kung makakapunta ba ako sa bahay nila dahil sa sama ng pakiramdam ko. Kung hindi nga lang importante sa akin ang taekwondo ay hindi na ako sisipot ngayon.

Sevilla's HomeWhere stories live. Discover now