Chapter 6

6 0 0
                                        

Date

"Bakit ba pakiramdam ko'y iniiwasan mo sina Kuya Homer?" Moira commented.

"Hindi 'no... Busy lang kaming pareho ngayon."

"Busy... " nakangusong kontra niya.

It's obvious that she doesn't believe what I said pero hindi ko na lang pinansin. I continued eating instead of looking into her observant eyes.

"Nakasalubong ko kaninang umaga pagpasok ko. He intended to come here earlier than his class schedule dahil ilang araw ka na raw hindi sumasagot sa mga text at tawag niya. Tinatakasan mo rin daw kapag natatapos ang training niyo. Tapos kanina, late ka namang dumating sa klase-- na hindi mo naman ugali talaga. Umiiwas ka ano? Bakit ba?"

"Hindi nga ako umiiwas."

"Sigurado ka? Alam mo, ang drama niyo. Parang kayo iyong mga gasgas na teleserye sa tv. Walang katapusang habulan!"

"Bakit naman kami maghahabulan?"

"Ewan ko sa'yo. Kasi masyado kang pabebe?"

"Nakakainis ka na."

"Mas nakakainis ka. Wala namang ginawang masama 'yong tao, iniiwasan mo pa."

"Sigurado kang wala?"

"O, e anong ginawa niya para iwasan mo?"

Natameme ako sa tanong niya. Wala naman talagang ginawang masama si Homer. I was just afraid that my mother would think bad of me kapag nalaman niyang sobrang malapit ako kay Homer. I don't want to give her reason to be disappointed at me more.

"Kumain ka na." She did not insist on talking about Homer when I showed that I'm starting to get piss. Tahimik lang kaming kumain hanggang matapos.

Like we always do before, bumibili kami ng pagkain sa canteen tapos sa likod kami ng high school building ulit kumakain, mag-iisang linggo na. I was thankful that Homer isn't that nosy to come to me kapag oras ng tanghalian ko. Maybe he gets that I'm avoiding him and he just chose to respect it. Ganoon naman talaga siya, makulit lang pero he knows when to behave.

Moira didn't talk to me until our afternoon class was done. Nagpaalam lamang siya sa akin at walang lingon-likod na umalis. Ako naman ay mabigat ang loob na dumiretso sa taekwondo club ko.

Everything went slow, kahit si Master Ansel ay tila wala rin sa training ang iniisip. I know I move lousy because of the heavy feeling I have inside my chest pero nakakagulat na hindi ako sinita nito. It's as if he has some other thing to think about too.

Hindi man kami masyadong banat sa training ay sobrang pagod pa rin ako pagkatapos. I don't know? Mas nakakapagod pala iyong hindi matigil ang isip mo sa kaka-isip kaysa sa matinding paggalaw ng katawan.

I feel like I am literally floating because I am starting to feel guilty now. Dahil sa pag-iwas ko kay Homer nitong mga nakaraang araw.

Moira's words are starting to shot me in the head.

I felt down more when I saw some basketball players walking away from the gymnasium. Nakita ko rin sina Gregory at Nicolo na patungo sa sasakyan nila. Homer wasn't there, his car wasn't at the parking anymore noong madaanan ko ang bandang iyon.

Why are you expecting him to be there? Iniiwasan mo 'di ba?

When I reached home, it was already dark. Lalo lamang akong nalungkot dahil wala akong nadatnan. Mama is still out. Hindi ko alam kung saan pumupunta si Mama paglabas nito sa trabaho. I don't ask because I know she won't answer. Baka magalit pa nga ito sa akin.

Kumain na akong mag-isa pagkatapos kong magluto ng ulam namin. I was lying in my bed when my phone vibrated kaya mabilis akong bumangon upang tingnan kung sino ang nag-text. My excitement died down when I saw that it was from Mama telling me that she'll be home late. Nakaramdam pa ako ng guilt dahil sa pagka-disappoint ko sa natanggap na text.

Sevilla's HomeWhere stories live. Discover now