Mama
"Bilisan mong kumain diyan, arte mo." Inis na sita ko kay Moira when I saw how slowly she eats her food na para bang wala kaming binabantayang oras ng susunod na klase.
"Kain ang ginagawa ko hindi lamon. Palibhasa sanay ka sa lamunan." Inis ring sabi nito sa akin pagkatapos niyang uminom ng pineapple juice.
"Bwisit ka! Sa susunod hindi na talaga kita sasamahan dito para kumain!"
"Relax ka lang, pwede ba?! Why are you so nervous? Hindi nila tayo maaabutan dito. Ang oa mo!" Sita ni Moira sa akin at ipinagpatuloy ang maarte nitong pagkain ng carbonara. Grabe, kakarampot lang ang serving non pero parang isang batya ang dami ng kinakain sa tagal niya!
"Alam mo, dapat sanayin mo na ang sarili mo sa lalaking iyon. Just let the other students tease you. Mawawala din 'yan eventually lalo na at huling taon na nila rito sa SGU." She adviced.
Yes, she was referring to Homer Villaciete. Mula kasi noong nag-post ito ng selfie niya kasama ako--na natutulog sa library, ay hindi na natigil ang panunukso sa amin ng mga ka-eskwela namin. It was too horrific dahil nagsanib pwersa pa yata ang high school at college department para inisin ako!
Kasama pa ang mga guro at propesor na nakakita ng post niyang iyon kaya minsan na ring dumaan sa isip kong isabotahe ang laro ko sa mga inter-school competition pero scholarship ko naman ang madadamay.
It has been a year pero hindi pa namamatay ang issue nila tungkol sa aming dalawa. They even labeled me as 'V's tigress' and 'bebe girl' at ang bwisit na lalaki, tinatawanan lang ang mga panunukso sa amin. Ni hindi man lang ito gumagawa ng paraan para matigil ang mga iyon.
Mrs. Columna, our high school head, once talked to me because of this. She told me na huwag ko na lamang daw iyon pansinin dahil mukhang natutuwa lang naman daw sa akin si Homer Villaciete. Na siguro ay nakakabatang kapatid ang turing sa akin since wala siyang kapatid. She even said na hindi naman daw ako hina- harass nito, na gusto ko sanang sagutin ng 'anong hindi? Napeperwisyo kaya ako dahil sa kanya!'
Isa pang rason ni Mrs. Columna ay may girlfriend naman daw talaga iyong tao kaya siguradong natutuwa lang daw ito sa akin. Masanay na lang daw ako at magtiis sa pagiging pilyo nito. Pero siyempre, alam ko ring hinahayaan lang nila ito dahil ang Lolo nitong Mayor ng San Gabriel ay isa sa pinaka-masipag mag-donate ng kung anu-ano sa SGU.
Kinaumagahan ng araw na iyon ay ang awarding ceremony at dahil isahan lang iyon ginaganap from primary to college level tuwing foundation day, halos maiyak ako sa pagkapahiya ng magsimula ang mga estudyante sa pang-aasar when my name was called. I almost didn't want to climb up the stage, to get my trophy, kung hindi lang ako sinermonan ni Master Ansel.
Kahit pa ang pagkakaroon nito ng iba-ibang girlfriend ay hindi natatakpan iyon. Hindi ko alam kung ngayon ko na lang din napansin na sa lahat ng mga laro ko ay naroon siya.
He was even there when I joined the inter-school competition noong nakaraang taon din kaya naman lalong nagwala ang mga mapang-asar na estudyante ng SGU na nanood. Mga walang magawa sa buhay!
They were all teasing me that he is my lucky charm and inspiration to win and Homer would just laugh at it! Tuwang-tuwa pa ang loko! Feel na feel ang mga walang kakwenta-kwentang konklusyon ng mga ito.
They just don't know na kapag ako ang nakasalang at may laban, I would imagine that Homer was the one I was kicking!
Well siguro nga, tama sila! He's my inspiration in winning.
"Look who's here, Captain!"
Mabilis na nanigas ang katawan ko sa pagkarinig sa malokong boses na iyon ni Nicolo! Shit, they're here!
YOU ARE READING
Sevilla's Home
RomanceHomer Villaciete used to be Sevilla's home. She may not have everything, yet she's still thankful and happy that Homer came into her life-- treating her like a princess. But then, life as they say isn't always a bed of roses. She just woke up one d...