Chapter 4

8 0 0
                                        

Crush

"Just let me bring you home. Huwag ka nang tumanggi please."

Nahihiyang tumahimik na lang ako sa kinauupuan ko. Pasimple kong isiniksik ang sarili sa gilid at nagkunwaring tumingin sa labas para maiwasan siya. He kept on insisting to bring me home kaya wala na akong nagawa kundi sumakay sa sasakyan niya.

Nagsisimula na rin kasing bumuhos ulit ang ulan, mas malakas pa at pagod na rin talaga ako. Kasama pa ang nararamdaman kong pagkaginaw.

"Look, maloko lang ako. I admit, I am always naughty but please know that I am not planning anything bad against you. Isa pa, alam naman ni kuya Ansel na ako ang kasama mo ngayon. You can also text Moira if you want, tell her you're with me." Seryosong dugtong pa nito. Parang napahiya naman ako sa tinuran niya kaya tumango na lang ako.

"Sevilla, your seatbelt." Gulat man ay mabilis akong tumalima nang makita kong malapit na ang kamay niya sa akin. Nag-aalangan yatang mahawakan ako kaya naka-suspinde lang ang mga kamay nito sa ere.

"Salamat." I smiled a bit bago tumingin sa harapan.

"Okay lang ba sa'yo kung may dadaanan lang tayo saglit?"

Mabilis akong tumango, bakit naman kasing tumanggi samantalang ako na nga ang ginagawan ng pabor?

Pasimple akong nagbuga ng hangin nang simulan niyang paandarin ang sasakyan. Mabagal lang iyon, malamang ay dahil sa lakas ng bagsak ng ulan. Dahil kasi doon ay medyo hindi makita ang daan.

I still can't imagine that I am riding his car. Napapaisip ako kung tama ba ang ginawa ko o hindi? Sabagay, wala namang masama roon. Nagmamagandang loob lang naman siya at tumaong kailangan ko ng tulong niya.

"Someone's calling, Sevilla."

I looked at him, puzzled. I wasn't able to hear what he said. "Call." Nangingiting sagot nito, he also gestured it using his right hand kaya mabilis kong nakuha iyon.

"Sevi! Tapos na training? Sunduin ka namin diyan, hinahanap ka ni Mommy!" Bungad agad ni Moira, inilayo ko konti ang phone sa tenga ko dahil pakiramdam ko'y nabasag yata ang eardrum ko sa ingay ng babaeng ito.

"Tapos na. Malakas ang ulan at medyo masama ang pakiramdam ko e--"

"Saglit lang please! Hinahanap ka nina Mommy. Please... "

"Titingnan ko--"

"Sunduin na kita!"

"Huwag na!" I apologetically looked at Homer dahil sa pagtaas ng boses ko pero parang wala lang naman iyon sa kanya. Permanente pa rin ang ngiti sa mga labi nito habang nakatuon ang tingin sa kalsada, hindi ko alam kung anong iniisip.

"Ahm... M-May maghahatid sa akin. Tingnan ko kung makakadaan ako diyan." Mahinang sabi ko.

"Bakit ka bumubulong?"

"Basta. Sige na! Text kita mamaya." Mabilis kong pinatay ang tawag. Sakto namang napansin ko ang pagparada ng sasakyan ni Homer sa tapat ng isang drugstore na nadaanan namin.

"Saglit lang." Mabilis na paalam nito sa akin bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Wala na akong nagawa kundi panoorin siyang sumuong sa ulan at pumasok sa drugstore. Ni hindi man lang ito nag-abalang kumuha ng payong o anumang pantakip sa sarili. Napailing na lang ako ng makita ko ang denim jacket niyang nakasampay sa likod ng upuan niya.

Habang naghihintay ay napahalukipkip naman ako dahil nakaramdam ako ng pagkaginaw dahil sa lamig ng aircon. Mabilis ko iyong inilihis sa banda ko nang makita kong busy pa sa loob ng drugstore si Homer. Inisip kong kunin muna ang jacket upang may ipantakip sa katawan ko ngunit nakakahiya naman yata. Baka malinis pa iyon, marurumihan ko lang.

Sevilla's HomeWhere stories live. Discover now