For Mama
"Hi... Tapos na training mo?" Nakangiting bungad sa akin ni Homer when I got out of the taekwondo club.
Tumayo ito mula sa lumang bench na naka-hilera sa gilid ng club. He's wearing a white shirt and a black Jersey shorts habang suot pa rin ang running shoes niya.
"Oo.. Tapos na kayo?" Tumango siya sa tanong ko.
Umagapay ito sa paglalakad ko palayo roon. Nagsimula na rin ang training nila sa basketball kaya laging nagkakasabay ang oras ng uwian namin.
Mula noong ihatid ako ni Homer pauwi sa bahay noong masama ang pakiramdam ko ay inaaraw-araw na niya ang paghatid sa akin. During those days na masama ang pakiramdam ko'y hindi ko na siya nasaway because he kept on insisting to do so. I was sick for how many days too kaya minabuti kong magpatianod na lang. It was an advantage for me afterall--hindi magastos sa pamasahe at hindi napapagod sa pagbiyahe lalo na at tag- ulan.
He also took the responsibility of taking care of me while I was sick. Siya ang nagpapaalala sa pagkain ko at pag-inom ko ng gamot.
When I was already good, ganoon pa rin ang ginagawa nito. I told him na okay na kahit hindi na niya ako alagaan dahil wala naman na akong sakit. I also started declining his offer to bring me home pero matigas ang ulo nito. He only stopped for a day pero nangulit na naman the next day at dahil nakita ko naman na mabait siya ay hinayaan ko na lang.
Mula noon ay lagi na itong sumusulpot kung nasaan ako. Minsan kasama niya sina Nicolo at Gregory but most of the time ay siya lang.
There were also times na nagugulat na lang ako sa tuwing naaalimpungatan ako sa library na naroon na siya sa tabi ko. He's silently sitting beside me hanggang sa magising ako. Hindi na rin naman niya inulit ang pangti-trip na ginawa niya sa akin noon.
Sa tuwing uwian naman at natataong pareho ang schedule namin ay hinihintay niya ako. Kumakain pa kami sa labas bago niya ako hinahatid sa bahay--minsan nakakasama rin namin si Moira na kilig na kilig dito.
Unlike Moira, hindi ako kinikilig sa mga ginagawa ni Homer para sa akin. But I am deeply touched with his efforts to take care of me. Hindi ko lang sinasabi o pinapakita sa kanya--dahil nahihiya ako-- but I know in my simple ways ay naipaparamdam ko kung gaano ako ka-thankful sa mga iyon.
"Yeah... Let's go? May alam akong bagong kainan. I know you'll like it." Nakangising aya nito agad sa akin.
I can't help but to roll my eyes at him! Kung hindi lang siguro banat sa training ang katawan ko ay matagal na akong lumobo dahil sa mga food escapade nito. Homer has a huge food appetite. Parang lahat na lang ng pinuntahan namin mula ng magsimula akong sumama-sama sa kanya ay puro na lang mga kainan.
"Nananaba na ako sa kakakain." Reklamo ko na ikina-halakhak niya.
I smiled when I felt something warm inside because of his laughter.
"Saan banda? Hindi naman ah? Ang payat-payat mo nga e."
Napangiwi ako roon. Bakit ba payat na payat? Hindi naman talaga ah.
"Ewan ko sa'yo. Ang takaw mo talaga!"
"Cap, 'san lakad niyo?" I was about to get inside the car when Nicolo approached us. Mukhang kakaligo lang nito. He's also wearing a shirt and shorts with a small towel on his head at mukhang pauwi na rin.
"Hatid ko na si Sevilla." Homer answered, pareho naming pinanood ang paglapit ni Nicolo sa amin. He's walking fast--almost running and wearing a wide grin on his lips.
"May date kayo ng bata na 'to 'no?!" Natatawang anito kay Homer ng tuluyan na siyang makalapit but to only walk back when Homer raised his fist to playfully punch him.

YOU ARE READING
Sevilla's Home
RomanceHomer Villaciete used to be Sevilla's home. She may not have everything, yet she's still thankful and happy that Homer came into her life-- treating her like a princess. But then, life as they say isn't always a bed of roses. She just woke up one d...