Wounded But Smiling
It was only past two o' clock in the morning when I heard a car stopped in front of our house.
Hindi nga ako nagkamali nang makita kong bumaba mula roon si Mama. Magara ang itim na sasakyang naroon ngunit hindi ko na nakita kung sino man ang nagmamaneho, I just heard a man's voice telling something to Mama.
"Oo na. Mag- iingat ka ha. Mag- text ka agad pagdating mo sa bahay mo!" Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang lambing na bumabalot sa boses ni Mama.
She sounded so happy, it made me smile. I hope Mama finally found real happiness.
"O? bakit gising ka pa?"
Naging malamig ang boses ni Mama sa akin, malayo sa tono niya kanina habang kausap ang lalaking naghatid sa kanya. She was frowning at me while entering the house.
"Naalimpungatan lang po ako sa tunog ng sasakyan, Ma." I wanted her to talk about it but she didn't.
Tumungo ako sa pintuan at ako na ang nagsara nito. Napansin ko kasing hindi niya na-lock iyon ng maayos dahil may hawak na paper ba ang dalawang kamay niya.
She did not talk though I was waiting for her to talk. Gusto kong magkwento siya ng kung ano ang nangyari sa kanya sa buong araw. Ganoon din ang gusto kong gawin, but I was too afraid to be rejected.
Pinanood ko siya mula sa sala habang isinalansan niya sa loob ng ref ang mga laman ng paper bag. Nang matapos siya ay naghugas na siya ng kamay at tumungo sa kwarto niya.
"Hindi na po ba kayo kakain, Ma?" pahabol ko bago pa man siya tuluyang makapasok sa loob.
"Hindi na. Kumain na ako sa labas. Matulog ka na ulit." Iyon lang at wala na akong narinig kundi ang mga kaluskos ng kung ano mang ginagawa niya sa loob.
Ilang minuto pa akong nakatayo roon, hinihintay na lumabas siyang muli, ngunit hindi na nangyari kaya nagpasya na rin akong bumalik sa sariling kwarto upang matulog ulit.
Mag- aalas kwatro na ng makatulog ako kaya medyo nahuli rin ako ng gising. Nagmadali na tuloy akong pumasok sa eskwela dahil doon! Buti at hindi naman ako nahuli.
"Late ka?" Nagtatakang tanong ni Moira ng makapasok ako sa room at umupo sa tabi niya. I wasn't really late, halos naroon na nga lang lahat ng kaklase namin. Kulang na lang ang teacher.
"Late ako nakatulog." Maiksing paliwanag ko.
"Bakit?" Umiling lang ako sa kanya dahil tinatamad akong magpaliwanag. Minabuti ko na lang ayusin ang mga gamit ko kaysa kausapin siya, wala ako sa mood.
"Iniisip mo si Kuya Homer 'no?"
"Bunganga mo!" Mabilis kong sita sa kanya dahil medyo may kalakasan ang pagkakasabi niya. Mapang-asar ang mga kaklase namin kaya ayaw kong nakaka-alala ang mga ito!
Malakas ang naging tawa ni Moira sa naging reaksiyon ko.
"Tanggi pa!" Maarteng sabi pa nito, napailing na lang ako sa kanya.
I was about to tell her about Mama when our English teacher came. Wala na kaming chance mag-usap dahil pagkatapos nitong mag-lecture ay nagbigay pa ito ng quiz. Buti at medyo alam ko ang topic kaya siguradong hindi sasablay ang resulta niyon!
Ganoon din ang nangyari sa ibang mga subject namin. After the lecture would be quiz. We felt really tired when our lunch break came.
Tinamad na si Moira na pumila para bumili ng pagkain kaya kung ano na lang ang binili ko ay ganoon na rin ang kanya para maisabay na niya sa akin.
Gusto ko sana siyang pagtripan at bilhan ng gulay na ulam ngunit nakonsensiya naman ako. This girl doesn't like eating veggies. Kahit nga prutas ay hindi ito mahilig.

YOU ARE READING
Sevilla's Home
RomanceHomer Villaciete used to be Sevilla's home. She may not have everything, yet she's still thankful and happy that Homer came into her life-- treating her like a princess. But then, life as they say isn't always a bed of roses. She just woke up one d...