Herman San Agustin
Naging mabilis naman ang paghahatid namin kay Nicolo dahil halos paliparin nito ang kanyang sasakyan pauwi. Gregory was very attentive to tail after him, parang nag-enjoy pa ito sa ginagawa ng kaibigan.
Homer was smoothly following them though, parang katulad lang ng pagpapatakbo nito kapag kami ang magkasama. Iniisip kong baka nahihiya lang siyang magpatakbo ng mabilis dahil kasama niya ako.
When we reached Nicolo's house, sobrang mangha ko ng makita ko kung gaano kalaki iyon. Isa itong modernong mansiyon na tila nakahiwalay sa mga kabahayan sa bayan. Hindi ko halos akalaing sa ganoong bahay nakatira si Nicolo, napaka-simple kasi ng itsura nito. Pati ang sasakyang ginagamit ay may kalumaan na at lumang modelo.
Hindi na ako bumaba ng sasakyan, I just let Homer and Gregory talk to him for a while dahil tingin ko'y wala naman akong maitutulong sa problema ni Nicolo. They're just standing in front of the extravagant gate like they're some kind of lost children. Nagtatawanan na ang mga ito na para bang walang nangyari. Napangiti ako sa itsura nila, they're cute to look at.
"Let's eat first bago kita ihatid sa inyo." Homer offered as soon as he got inside the car, ilang minuto pagkatapos pumasok ni Nicolo sa kanilang mansiyon.
"A-Ang sugat mo."
"Wala 'to." He shrugged.
Tumahimik na lang ako habang nakatingin sa likuran ng sasakyan ni Gregory. Hindi na ito mabilis magpatakbo kaya nabubuntutan namin siya. I looked at Homer when his phone on the dashboard rang.
"Kindly check who's calling." He said without looking at me. Atubili ko iyong kinuha upang tingnan.
Homer always offer his phone whenever I need to make some calls pero ibinabalik ko naman agad kapag natatapos. Holding his phone feels like I'm invading his privacy and I don't like it. Kaya kapag nasa akin iyon, hindi ko masyadong tinitingnan.
"Si Gregory. Sagutin ko na?" Homer looked at me for seconds with his brows raising, he only chuckled.
"No. Ako na lang." He said, reaching out his wounded hand for the phone. Ibinigay ko iyon kahit pa nag-aalala ako sa kamay niya.
"Anong kailangan mo, gago?"
"Gago agad?!" Dinig ko ang malakas na sagot ni Gregory even before Homer turned the loudspeaker on.
"Bakit nga?" Natatawang tanong ulit ni Homer kasabay ng pagtapon nito ng saglit na tingin sa akin.
I can see his tongue playing inside of his mouth. Napaiwas ako ng tingin dahil nakakailang siyang tingnan dahil sa naglalarong ngiti sa gilid ng labi nito habang ang mga mata'y may bakas ng kapilyuhan.
"Uwi na ako. I know, kakain pa kayo sa labas ni Sev--"
"Buti ramdam mong ayaw kitang isama?" He playfully said.
"Bakit ba ang init agad ng ulo mo sa 'kin?" Ramdam ko ang pagtataka sa boses ni Gregory.
"Wala lang. Uwi ka na. Ingat 'tol." May halong lambing ang pamimilosopo nito sa kaibigan na pinatulan naman ni Gregory.
"Aw,thank you 'tol. Kayo din, ingat. Lab you, Homer!"
"Gago." Homer chuckled after turning off the call.
Nagulat ako ng bigla niyang itapon pabalik sa dashboard ng sasakyan ang cellphone niya.
The phone's screen was facing us kaya kitang-kita ko ang pamilyar na larawang ginamit niya bilang screen lock. It was our photo together. Iyong pinost niya sa Facebook page ng SGU last year!

YOU ARE READING
Sevilla's Home
RomanceHomer Villaciete used to be Sevilla's home. She may not have everything, yet she's still thankful and happy that Homer came into her life-- treating her like a princess. But then, life as they say isn't always a bed of roses. She just woke up one d...