Chapter 7

3 0 0
                                    

Sevi's Type

"Grabe ka Sev! Iiwas-iwas ka sa lalaking 'yan tapos malaman-laman kong kasama mo pala ngayon. Ano 'yon, nagpapa-miss ka lang?"

"H-Hindi 'no!" Tinaasan lang ako ng kilay ni Moira, she doesn't believe me, I'm sure of it. "Hindi naman talaga ako umiiwas--"

"Lokohin mo pa ako, bilis. Alam mong hindi ako uto-uto."

Nakukulitang umupo ako sa kama niya, I am inside her room as she fixes herself. Kanina pa niya binabanatan ng plantsa ang mahaba niyang buhok at naaawa na ako dahil halos umusok na ito. She has a soft brown hair na umaabot na halos sa baywang niya. It looks so good kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya sa mga kulot-kulot niyon sa dulo.

Lagi pa niyang inirereklamo sa akin ang mga kulot niyang baby bangs. It looks really good on her beautiful face though. Nagmumukha siyang anghel, sa pananalita na lang talaga sumesemplang.

"Nakita siya ni Mama noong nakaraan. Sinita niya lang naman ako dahil panay daw ang pagsama-sama ko kay Homer. Sinabihan niya akong huwag daw sayangin ang perang binibigay niya sa akin--"

"Sinasayang mo ba?"

"Hindi 'no! I focus on my studies at sa sport ko. "

"Naman pala e! Bakit ka ba guilty e wala naman kayong ginagawang masama. Halos lagi niyo nga akong kasama."

"Ewan ko ba. I just felt a little guilty at saka nahihiya ako kay Mama. Baka isipin niyang ang pagpapaligaw ang inaatupag ko."

"Bakit, gusto mo ba kay Homer?" Nakangising tanong nito.

"Hindi 'no! I mean--hindi ko siya gusto bilang lalaki o manliligaw pero mabait naman siya kaya--"

"Kaya gusto mo siya?!" Binato ko siya ng unan ng bigla na lamang siyang tumili. Para siyang bulate na pinaliguan ng zonrox! Ang bibig talaga, walang preno!

"Tara na nga!"

"Kinikilig ako!" Tili niya.

"Hindi ko nga gusto--"

"Asus! Style mo bulok!" Hindi ko nagawang buksan ang pintuan ng bigla siyang humarang upang pigilan ang paglabas ko.

"Alam mo, matagal na kitang kaibigan. Kilalang-kilala na kita. Kahit itanggi mo, alam kong gusto mo si Homer--"

"Ang bata pa natin para diyan, ang dami mong alam!"

"Iyon na nga! Iniisip mong bata ka pa kaya pinipigilan mo ang sarili mo--"

"Wala nga akong gusto sa kanya."

"Utot mo! Huwag mo nang itanggi, okay? Kung ayaw mong paligaw, e 'di huwag muna! Just don't deny that you like him too. Halata kaya!"

"Hmm.. Tara na." Walang ganang sagot ko, tatanggi pa ba ako e mukhang mas alam niyang may gusto ako kay Homer kaysa sa sarili ko?!

"Alam mo bestfriend, hindi naman sa kinukonsinte kita... Gets ko 'yung point ng Mama mo pero hindi naman masamang lumapit kay Homer. He's a good man naman 'di ba? If not, he should've taken advantage of you. Ilang beses na kayong kumain sa labas na kayo lang?"

"M-Maraming beses na."

"May ginawa ba siyang mali?" Iling ang naging sagot ko sa kanya.

Totoo naman, Homer has been vocal about his feelings towards me but he never took advantage of me. Iyong pag-aaya niyang kumain sa labas at paghahatid sa akin sa bahay after our practice, hanggang doon lang talaga iyon.

Yes, he lets me feel warm, comfortable and sheltered pero ramdam kong hindi niya ginagawa iyon para lang magpa-impress o ano man. He's just being a gentleman all the time he's around me.

Sevilla's HomeWhere stories live. Discover now