Palihim kong inobserbahan si Gabriel habang papasok ito sa classroom. As usual, open polo, chin up, gaze narrowed. Grabe, signature expression niya na talaga 'yong blankong muka na parang kahit anong sandali eh pwedeng manuntok. Bigla ko tuloy ulit naalala ang nangyari nong mga nakaraang araw. Hays, bakas parin ang pasa niya sa pisngi.
Mahinahon siyang umupo sa upuan at sumandal dito.
"Anong meron?" Sambit ko, "Maaga ka yata ngayon ah,"
"Bakit," Inilipat niya ang tingin sa'kin, "Bawal ba?"
Napa-ismid nalang ako at hindi na sumagot, pero hindi rin nagtagal nang matalo ako ng pag-uusisa. "Uhm" Inangat ko ang tingin sakaniya, "K-kamusta na 'yang mga sugat mo?"
He lowered his head, "Ayos na,"
Napabuntong-hininga nalang ako. Paano ba? Paano ko ba 'to makaka-usap ng maayos kung tig-dadalawang salita lang ang kaya niyang sabihin? Hay pambihira.
"May maximum limit ba?" Sarkastiko kong sambit.
"Ang alin?" Kunot-noo niyang tanong.
"Yang mga salita mo! Feeling ko may maximum limit eh sa sobrang tipid mong sumagot,"
Nanuya siya't umiling, "Ano bang klaseng sagot ang gusto mo?"
"Eh," I released a breath, "'Yong medyo specific naman! Alam ko namang magiging ayos ka rin pero gusto ko rin namang malaman ku-"
"Ah ganon ba," Tumango siya at hinarap ako, leaning against my desk as our gazes locked, "'Yon, kumirot at sumakit lang naman ang buong katawan ko ng halos isang lingo, sa bawat galaw ng braso parang may tumutusok na sakit lalo na 'tong nadaplisan ng kutsilyo nila, tapos hanggang ngayon medyo nagdudugo parin dahil tinatamad akong magpatingin," He pierced me with his glance, "Tama na bang sagot 'yon?"
Napalunok ako. So near. So darn near. Ilang segundo ang lumipas na wala akong maisagot. Ano ba 'yan. Bumuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin. Nakaka-guilty naman ito.
Akmang bubuksan ko na ang bibig nang marinig ang boses ni Shane mula sa harap ng classroom.
"Guys, wala si Ma'am Johanna ngayon dahil may seminar sila." Pag-papa alam niya, "Pero may iniwan siyang activity ngayong umaga kaya ito ang gagawin natin. Isusulat ko nalang sa board," Pagkatapos nitong magsalita ay nagsimula na siyang magsulat. Ibinalik ko naman ang titig kay Gabriel.
"Bakit," Sandali akong tumigil at nag-ayos ng sasabihin, "Paano mo nalaman na may ganong mangyayari sa hapon na 'yon?"
"Hindi ko alam na may mangyayaring ganon,"
Tinaasan ko siya ng kilay. Napabuntong-hininga nalang siya at muling nagsalita.
"No'ng pauwi na ako nasalubong ko 'yong mga kaibigan ni Valdez." Panimula niya, "Hindi ko naman sana papansinin kung hindi lang napakalakas ng mga bulong nila. Nakutuban ako at nung nakita ko na sinundan ka nila..."
BINABASA MO ANG
𝑁𝑜 𝑇𝑢𝑟𝑛𝑖𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑐𝑘
Spiritual||Written in Filipino - English|| COMPLETED || She loves God. He hates the very mention of His Name. She is anointed by God's Spirit. He plays with demons. She is God's. He is lost. A woman of light comes to cross the life of a man whose life can...