Prolugue

6 0 0
                                    


"Kim, anak andito sila kloe hinahanap ka!! " pagtawag sakin ni mama. "Pasok kayo. Maupo muna kayo diyan. " rinig kong sambit ni mama kila Kloe at Portia.


"Sige lang po tita hintayin lang namin sa Kim. " narinig kong sabi naman ni Kloe kay mama.

Habang ako naman abala dito sa paghuhugas ng mga pinaglutuan at pinagkainan ng mga customers namin kanina sa karinderya.

"O nak ako nang tatapos diyan puntahan mo na muna yung mga kaibigan mo dun ha? " pag-uudyok sakin ni mama.


"Hindi ma ayos lang, unti nalang din naman toh matatapos na ako. " lingon kong sabi kay mama at nginitian siya.


"O siya sige, kuhanan ko lang muna sila ng maiinom." sabi niya at bumalik na ulit sa labas.

Binanlawan ko nalang ang mga natitirang hugasan na nandito at sumunod na din sa kanya sa paglabas. Ako nga pala si Kimberly Romana, Kim nalang in short. Anak lang naman nila Leia At Damian Romana, at may pinakakyut na kapatid na si Rozalia Romana. Ay di na pala siya kyut kase kaka-14 niya lang nung isang buwan. Kailangan ko talagang isaisip na dalaga na pala ang kapatid ko at baka kung ano nanamang pagpapaalala ang sabihin nun sakin.

Paglabas ko nakita ko sila Kloe at Portia na nakaupo at nagiintay sakin.

"Tita, hiramin po muna namin si Kim ha. Ibabalik naman po namin siya dito agad. " pagpapaalam ni Portia kay mama.


"Oo naman, basta wala kayong mga kalokohang gagawin ha at umuwi agad kayo ng maaga." bilin naman ni mama samin. Haysst salamat at napapayag nila si mama.


"Sige po tita alis na po kami." pagpapaalam naman ni Kloe.


"Thank you po tita. " sabi naman ni Portia.

Lumapit ako kay mama at hinalikan siya sa pisngi. "Thank you ma, babalik po ako agad. " pagpapaalam ko naman sa kanya.


"Mag-iingat ka ha, uwi agad. " paalala ni mama. Tumango nalang ako sa kanya bilang pagtugon.


Tuluyan na kaming umalis tatlo bago pa sumapit ang dilim at baka malate pa kami sa trabaho. At oo, hindi yun alam ng mga magulang ko dahil panigurado hindi sila papayag pero kailangan ko kaseng gawin toh. Ayoko na maging pabigat kila mama at papa, marami na silang ginawa at sinakripisyo para sakin. Malaki na rin naman ako at kaya ko na ang sarili ko saka disenteng trabaho parin naman tong pinasukan ko kaya wala dapat silang ipagalala. Saka sasabihin ko rin naman sa kanila eh.....pag kaya ko na.

"Andito na tayo." rinig kong sabi ni Kloe at saktong nasa call time lang kami.

Ang Ritter Club, dito ako nagtatrabaho pero hindi tulad ng iniisip niyo ang trabaho ko dito. Waiter lang naman kami dito or ano hindi ko alam tawag dun eh basta yun. Safe naman ako dito sa trabaho kong ito, dahil bawal may mang bastos samin. Pag may sumubok na humaras samin pwede naming tawagin ang bouncer para palabasin siya o kick out sa club.


"Oooh tingnan mo oh dami talagang mga hot and rich guys ditooooo. " bulalas ni Kloe, habang nasilip sa pinto sa labas ng locker room kung saan kami nagbibihis at nagpapalit sa mga uniform namin.


Hindi naman revealing yung unifrom namin tulad sa ibang club, sa katunayan kapareho lang namin ng uniform yung mga lalaki dito na nagtatrabaho din as a waiter pero magkahiwalay ang locker ng sa babae at lalaki ha.

"Sana naman mahanap ko na sa kanila yung love of my life." dagdag ni Kloe at napailing nalang ako sa sinabi niya.

"Jusko ghorl wala kang mahahanap niyan dito noh. Hindi nga kita maintindihan hindi ka naman kasing hirap sa buhay namin nito ni Kim pero nandito ka pa din nagtatrabaho bilang ano waiter ng isang club. " sagot naman ni Portia sa kanya. Nagpatuloy naman ako sa pagpapalit at pag-aayos ng gamit ko sa locker habang nag-uusap sila.

SlowWhere stories live. Discover now