Part 9: Understand

0 0 0
                                    


Kimberly's Pov

"You will understand it sooner." sabi niya. Understand?! Eh hindi ko na nga alam kung anong nangyayari, hindi ko maintindihan bakit nangyayari sakin toh ngayon at sa pamilya ko. Hindi ko alam bakit andito ako sa loob nang silid na ito. Kung bakit kasama ko siya ngayon, kung bakit may humahabol sa akin. At kung bakit namatay si Lia?

Pinigilan ko ang sarili kong maluha sa mga nangyari. Kailangan kong maging matatag. Dahil kung siya nga talaga ang may pakana ng lahat ng toh, delikado ang sitwasyon ko ngayon.

"Bakit naman kita pagkakatiwalaan? Eh hindi nga kita kilala?!" bulalas ko sa kanya. Napansin kong lumungkot ang eskpresyon niya.

"Because... " huminto siya saglit bago tinuloy ang sasabihin. "I need you. " sabi niya nang nakatitig sakin. Mababakas sa mga mata niya ang sinseridad nang mga salitang binitawan niya.

Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, pero parang ang tagal tagal ko nang gusto marinig sa kanya ang mga salitang iyon. O baka dahil gusto ko lang talagang maramdaman na kailanganin ng isang tao.

"I can be able to protect you from those people. Just trust me. " pag-uulit niya, hindi ko napansin na papalapit na pala siya nang papalapit sakin.

Nang tuluyan na siyang makalapit sakin. Bigla nalang kumilos nang kusa ang katawan ko at pinilipit ang braso niya patalikod saka siya pinadapa sa kama. Hawak hawak ko parin ang braso niyang pinilipit ko at ganun din ang isa niya pang braso.

"Hnngg...W-what are you doing? " daing niya.

"Pinoprotektahan ang sarili ko." dali dali kong kinapa ang bulsa niya upang makahanap nang armas na pwede kong gamiting pangdepensa sa sarili ko. Ayun, may nakuha akong pocket knife sa bulsa niya. Bigla naman siyang tumawa nang bahagya.

"Your strong but still you lack on focus. You forgot that I am a man and this is my room. I can do anything to you." wika niya. Bigla niyang hinablot ang braso kong nakapilipit sa kanya at hinila ako pahiga sa kama. Ang bilis niyang gumalaw.

Hindi ko alam kung pano niya nagawang makatakas sakin. Siguro dahil nga lalaki parin siya at mas malakas parin siya sakin. Ngayon baligtad na ang sitwasyon namin. Ako na ngayon ang nasa ilalim niya habang siya ay nasa ibabaw ko. Hawak hawak niya ang magkabilang braso ko.

"Bitawan mo ko!!!" pagpupumiglas ko sa kanya.

Tinaas niya ang magkabilang braso ko sa ulonan ko at hinawakan pareho ito nang isang kamay niya. Kinuha niya ang pocket knife na hawak ko gamit ang isang kamay at tinapon ito sa kung saang lupalop nang silid.

"Bakit mo ba ginagawa sakin toh ha?! Ano bang nagawa ko sayo?" naiiyak kong sabi sa kanya. Unti unti nang tumutulo ang mga luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan.Bakit kase ang hina ko, bakit kase hindi ako makalaban. Dahil sakin nawala ang buong pamilya ko kase nga hindi ko sila naprotektahan.

Malungkot ang mukhang nakatingin lang siya sakin. Naawa ba siya sakin? Sa lagay ko ngayon? Mukha naman talaga akong kaawa awa kaya hindi ko siya masisisi. Pumikit nalang ako at ginilid ang ulo habang patuloy paring umiiyak

"Don't cry, I'm sorry." sabi niya at naramdaman kong pinahid niya ang luha sa pisngi ko. "You didn't do anything. In fact, you're always there for me whenever I needed you. " hinarap ko ulit ang ulo ko sa kanya at tiningnan siya.

Akala ko wala lang sa kanya yung mga nagawa ko at nagawa nang pamilya ko sa kanya nun. Kaya ba niya ako gusto tulungan ngayon, dahil may utang na loob siya sakin, samin nang pamilya ko. Pero dapat ko nga ba siyang pagkatiwalaan?

SlowWhere stories live. Discover now