Part 10: Capture

0 0 0
                                    


Kimberly's Pov

Sa paglalakad ko nang ilang oras nakarating na ako nang lungsod. Pero iba ang itsura nang lungsod nila dito kumpara samin. Ibig sabihin malayo na kami sa lugar namin at hindi ko alam kung saan. Puno nang mga malalaking gusali ang buong paligid. Madilim na pero ang dami paring tao sa kalsada. Marami ring mga sasakyan dito. Hindi ko alam kung saan pupunta o kung paano makakabalik samin. Pero ayos na toh kaysa kanina na puro mga puno at walang katao tao sa pinaglalakaran ko.

Tuloy tuloy parin ako sa paglalakad, dami kong nadadaanan na mga shop sa paligid may mga manequin sa loob at may suot suot na mga damit, alahas at sapatos. Parang katulad lang sa mga napapanood namin sa tv nun ni Lia. Matutuwa yun panigurado kung nandito lang siya at makikita niya lahat ng ito.

"Hoy! Ano ba tumingin ka nga sa dinadaanan mo! " sigaw sakin nang isang lalaking nabangga ko.

"Ah...s-sorry po. " sabi ko pero hindi niya lang ako pinansin at naglakad na sa kabilang direksyon.

Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad nang hindi ko alam kung saan. Teka, yung cellphone ko alam ko andito lang yun sa bag kong dala. Ito yung gamit na naiwan ko sa kotse niya. Kinuha ko ang bag ko sa likuran at binuksan. Kinapa ko sa loob ang cellphone ko at nilabas.

"Aissh... Oo nga pala, kung minamalas ka nga naman. " sambit ko. Lowbat na siya, syempre sa tagal ba namang hindi ko nagamit toh. Pero teka kailan nga ba? Hindi na siguro mahalaga yun, basta kailangan ko nang makabalik samin.

Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad, siguro may mapagtatanungan naman ako dito diba.

"Ah... Sir, pwede po bang magtanong? " tawag ko sa isang lalaki na nakasalubong ko. May edad na siya at mukhang ordinaryo lang ang suot niyang damit. Huminto naman siya at hinarap ako.

"Ano yun? " tanong niya sakin.

"Pwede po bang magtanong kung paano makakarating sa Sabus po? Alam niyo po ba yun? " sagot ko. Napaisip naman siya sandali bago muling nagsalita.

"Sabus hill ba ang tinutukoy mo? " tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. "Ay naku iha, malayo yung dito. Sa kabilang ibayo pa yun, sasakay ka nang bangka o eroplano papunta dun. " sabi niya.

Teka, ganun ako kalayo ngayon samin. Paano? Paano nangyari yun?

"N-nasaan po ba ako?" pagtatanong ko.

"Asa Matquin ka iha, isa sa mga siyudad dito." sagot niya. Isa sa mga siyudad dito? Ibig sabihin madami pang siyudad dito at maaring magkakatabi tabi lang sila. Napakalayo nito samin at para makarating ako dito. "Ayos ka lang ba? " tanong niya sakin nang mapansin nababalisa ako.

"Opo ayos lang po ako, saan po ba dito yung sakayan nang eroplano?" tanong ko sa kanya.

"Airport ba ang ibig mong sabihin? " sabi niya

"Opo. " tugon ko.

Sinabi niya sakin kung paano makakapunta doon sa airport. Marami siyang binanggit na lugar kung paano makakapunta dun na hindi ko naman alam. Ayoko naman siyang putulin sa pagsasalita dahil mas matanda siya sakin at ako ang may kailangan samin.

"Ahm... Meron po ba akong pwedeng sabihin sa cab driver para makapunta doon? " nahihiya kong tanong pagkatapos niyang magsalita.

"Meron sabihin mo lang sa Hedgo Airport at kung anong terminal ka. " sagot niya. Meron naman pala, buti nalang. Napabuntong hininga naman ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SlowWhere stories live. Discover now