Part 3: Lost

2 0 0
                                    


Asan na ba siya? Kanina pa ako nagpalibot libot dito sa palengke para naman hanapin yung hindot na yun. Paalis alis kase akala mo naman taga dito. Nabili ko na yung ibang mga sangkap na kailangan, pero yung iba hindi pa dahil kailangan ko pang tumawid sa kabilang street para sa mga karne at iba pang nandito sa listahan. Hindi ko naman magagawa yun hanggat hindi ko nakikita si Tristan kuno.

"Kase naman, sumama sama pa. Mas lalo kaming tatagal nito eh. " sambit ko. Napagpasyahan ko munang bumalik sa truck, baka kase nandoon lang siya at napagod na o nagsawa sa amoy nitong
palengke.

Nakabalik naman ako agad sa truck at nakitang walang tao dun. Wala akong magagawa kailangan ko siyang hanapin dito, kungdi hindi rin ako makakauwi kahit mabili ko pa lahat ng kailangan namin sa karinderya.

Pero mamaya ko nalang ulit siya hanapin dito, nakakapagod din kase kanina pa ako palakad lakad at pabalik balik sa mga tindahan dito hindi ko padin siya mahanap.

Sumandal muna ako sa pintuan ng truck at kinuha ang bottled water na binili ko kanina. Medyo nangalahati na din ito kase kanina ko pa toh iniinom.

Nagulat nalang ako nang may marinig akong magsalita sa gilid ko.

"Kim? Ikaw nga. Anong ginagawa mo dito? " tanong niya. Napatigil naman ako sa pag inom at lumingon sa taong yun.

"Kirby..Ah oo namalengke kase ako ngayon. " sagot ko sa kanya at tinuro sa kanya ang dala kong bayong.

"Pareho pala tayo. " sabi niya sakin at ngumiti. Nakita ko din na may dala siyang bayong, maraming bayong. Nakasando lang siya at shorts. Dahil sa mga dala niyang bayong na punong puno ng mga pinamili niya, naglalabasan yung mga muscles niya sa braso.

Tumigil ka nga Kim, ito na nga bang sinasabi ko eh nahawa na ako kay Kloe. Pero napakagwapo naman talaga ni Kirby hindi malayo kay Tristan kuno, mas mabait nga lang tong si Kirby kaysa sa kanya.

"Pauwi ka na ba, sabay na kita. " pag-aalok niya sakin.

"Ah hindi na, may kasama din ako eh hinihintay ko pa siya. " pagtanggi ko sa kanya.

"Ah sige, mauna na ako. " paalam niya. Hindi ko alam pero mukhang nahiya siya sakin ng unti. Dahil ba sa tinanggihan ko siya?

Paalis na sana siya ng bigla siyang tumigil at humarap ulit sakin. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ah...Kim pwede bang sa next sat um... A-ayain kitang-"

"Akong? " tanong ko.

"Kitang lumabas? " nahihiyang tanong niya sakin. Ako? Aayain ni Kirby lumabas? Wala naman sigurong masama dun kaibigan ko naman siya eh.

"Sure. Anong oras ba?" pagpayag ko sabay ngiti sa kanya. Sobra naman siyang nagulat sa sagot ko sa kanya at ngumiti nang napakalawak sakin.

"Talaga? Ah susunduin nalang kita sa inyo. " sabi niya.

"Oo naman, pero alam mo ba bahay namin? " tanong ko sa kanya. Ang alam ko kase hindi ko pa siya naisasama sa bahay namin o kumain sa karinderya namin.

"Ah oo nga pala." sambit niya at napakamot sa ulo niya. "Edi ganto nalang ituro mo nalang sakin bahay niyo bukas paguwi natin galing school. Ayos ba yun? " suhestisyon niya.

Pwede rin naman tutal same school naman kami napasok eh, so why not. Pero ibig sabihin nun ihahatid niya ako pauwi sa bahay namin bukas. Wala naman ding sigurong masama dun kase tulad nga nang sabi ko kaibigan ko naman siya, kami nila Portia at Kloe.

SlowWhere stories live. Discover now