Part 1: Trouble

2 0 0
                                    

Kimberly's Pov.

Paglabas ko ng pinto nakita agad ako ng isa sa kanila, na bumubugbog kanina dun sa lalaki.

"Umalis na tayo, may tao!!" sigaw niya sa mga kasamahan niya. Tumingin silang lahat sakin na tulad ko ay gulat na gulat.

Akala ko susugurin pa nila ako, pero may narinig kami na tunog ng kotse ng pulis kaya agaran din silang nagsitakbo.

Hindi na ako nagatubili pang lapitan ang lalaki na nakahandusay padin sa sahig. Puno ng sugat at pasa ang kanyang katawan. Mabuti nalang bugbog lang talaga ang ginawa sa kanya at hindi siya tinuluyan ng mga yun. Mukhang wala din silang intensyong patayin siya o ano, pero ano naman kayang nagawa niya sa mga yun at ginawa nila ito sa kanya.

"Aughh!! " sambit niya at gumalaw ng bahagya. Humawak siya sa tagiliran niya at makikita sa mukha niya kung gano siya labis na nasaktan sa ginawang pangbubogbog ng mga lalaking yun kanina.

Hindi ko alam anong gagawin ko kaya kinuha ko nalang yung isang braso niya. Napansin kong napadaing siya sakit pero hinayaan padin niya ako.

"Kailangan kitang dalhin sa ospital." sabi ko habang sinasabit ang braso niya sa balikat ko at inalalayan siyang bumangon.

"Don't. D-don't bring me to the hospital." pagtanggi niya.

"Ha?! Pero hindi ayos ang kalagayan mo ngayon. May mga kaibigan ako na pwedeng tumulong satin may dala din sil-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"I told you already! Auh..Ayoko wag mo kong dalhin sa Ospital!" bulalas niya. Siya na nga tinutulungan ko siya pa galit? Talaga? "A-asa parking lot ang kotse ko. B-bring me there instead. Hngg.. "

Hindi nalang ako sumagot at napakunot nalang ang noo ko sa asal niya. Daig pa niya yung boss ko kung makautos sakin. Kahit naiinis, tinulungan ko parin siya tumayo at inakay papunta sa kotse niya.

Nakarating din kami agad sa kotse niya. "Ugh... T-the key it's in my pocket. " sabi niya.

"Kunin mo na." sagot ko.

"Are you dumb?! I can't!! " sigaw niya. Kung wala lang talaga akong utang na loob dito hindi ko ito tutulungan eh. Nagtimpi nalang ako at kinapa sa bulsa niya ang susi.

Nang makuha ko ang susi ng kotse niya, agad ko namang binuksan ang backseat pero pinigilan niya ako.

"N-no let me drive...hnng" sabi niya.

Tiningnan ko siya. "P-pero yung la-" hindi nanaman niya ako pinatos magsalita.

"Let me drive!! " pagpupumilit niya. Naiinis na ako, pero kailangan kong magpigil. Pagkatapos naman nito at naihatid ko na siya ng maayos kung san mang lupalop siya nakatira hindi ko na siya makikita pa ulit.

Kaya imbis na sumagot at makipagtalo pa sa kanya sinunod ko nalang siya. Sinarado ko ang backseat door at binuksan ang driver seat's. Pinasok ko siya sa loob ng kotse niya, hindi ko alam pero parang naitulak ko pa nga ata siya dahil sa sobrang inis at sumakay nalang din ako sa kotse niya.

"What are you doing? " tanong niya. Inabot ko sa kanya ang susi niya at umupo na ng maayos. "Get out. " dagdag niya.

Hindi ko siya tiningnan at naupo lang ng tahimik.

"I said get out! " ulit niya.

"Hindi ako baba, hangga't di ko po nasisigurado na maayos ang lagay niyo. " kalmado kong sabi at nanatili paring nakatingin sa harapan.

SlowWhere stories live. Discover now