Part 7: Devil

0 0 0
                                    


Kiana's Pov

Nagising ako na may parang may dumadapo sa pisngi ko. It's warm and it smells like lavender. Dumilat ako at nakitang nakatingin sakin si Shawn. Nakayakap siya sakin at nakahiga ang ulo ko sa bisig niya.

"Good morning. " he said and smiled at me. Naramdaman ko namang biglang uminit ang magkabilang pisngi ko, kaya napabangon ako at tiningnan ang sarili.

Suot ko parin ang pj's ko. Tumingin ako sa paligid at nakitang wala nga ako sa kwarto ko. Napahawak nalang ako sa ulo ko at inisip kung anong nangyari sakin kagabi. Ano nga bang nangyari?

Hinalikan niya ako, ah mali naghalikan kami. Pero baka nanaginip lang ako. Ngunit bakit andito ako sa kwarto niya?

Naramdaman kong napabangon din siya sa tabi ko.

"Hey, what are you thingking?" he asked. Hindi ako tumingin sa kanya at inalis nalang sa isipin ko yun. Imposible naman ata na mangyari yun. Napailing ako at ibinaba ang paanan ko sa kama.

"Nothing." I said at tuluyan nang tumayo.

"Wait. " he grabbed my arm, so I stopped and looked at him.

"Why?" I asked at humarap sa kanya. Tumayo naman siya sa harap ko and wrapped his arms on my neck. Bigla akong may naramdaman na malamig na bagay na dumapo sa leeg ko.

"There, it looks good on you." sabi niya at tiningnan ako na gulat na gulat sa ginawa niya. Tiningnan ko naman ang bagay na yun na nasa leeg ko. Isa siyang kwintas, no it's not just a necklace its my locket.

"Saan mo nakuha toh? Matagal na tong nawala sakin ha. " tanong ko sa kanya.

"I got that from Mr. Montague." he answered. Ito ba yung sinasabi niyang bagay sakin na kailangan niyang kunin mula sa kanya?

"Is this why you killed him? " I asked and he just answered me with a nod.

"It's yours after all, binawi ko lang." he said. Tama naman siya akin nga toh pero paano niya nalaman na na kay Mr. Montague nga toh.

"But, how did-" he cuts me off.

"Diba may klase pa tayo? Kailangan na nating mag handa. See you later. " he said while pushing me towards the door. When he got me outside he slammed the door on my face.

"Thank you. " I said with a sigh. Pumunta nalang ako agad sa kwarto ko at naghanda na para sa school. It's the first day of class, we couldn't afford to be late today. Lalo na at ang papa niya ang principal nang school na pinapasukan namin. We have a reputation to uphold.

After I got ready, I went outside to meet the other. When I got to the living room they are already in their uniforms. But only one person is not there yet.

"Kiana. Bagay sayo yung bagong uniform ah. " puri sakin ni Alexander. I just glared at him and seated beside Angela. Napakamot naman siya sa ulo niya.

"Pfft...ayos lang yan Alexander. " sabi naman sa kanya ni Ilai habang pinapat siya sa likod. Tinabig naman niya ang kamay ni Ilai sa kanya.

"But seriously though Kia, bagay sayo ang uniform." sabi naman sakin ni Angela na nasa tabi ko.

Bago ang mga suot naming uniform ngayon, mukhang sinigurado ni Mr. Cassius na magiging komportable kaming gumalaw sa mga uniform na ito. Pareho lang halos ang lalaki sa babae ang pinagkaiba lang ay ang design nang mga vest namin. Mahaba ang mga vest nang mga lalaki, kaysa saming mga babae na lagpas dibdib lang namin. Pero pareho itong fit na fit samin. Hindi naman kami nakapalda pareho lang sa mga lalaki na nakawhite pants at white polo sa loob. Kaya komportable gumalaw. Meron ding mga wraps na nasa katawan namin, parte ito nang uniform namin. Kung bakit? Dahil hindi tulad nang ibang school ang school na pinapasukan namin.

SlowWhere stories live. Discover now