Part 2: Payback

0 0 0
                                    

Nagsimula na siyang magsabon ng mga hugasan habang ako tinitingnan lang siya. Mukhang sanay na siya sa ginagawa niya, hindi naman pala tamad tong ulupong na ito eh. Napagdesisyunan ko nalang na maghanda na sa lulutuin ko dahil maya maya magbubukas na ang karinderya.

Nagsuot muna ako ng apron at saka kinuha lahat ng mga sangkap na kakailanganin ko. Simula kase nang tinuruan ako ni mama dito sa kusina, ako na ang tumutulong sa kanya na magluto at umalalay sa kanya dito sa karinderya namin. Saka simula nun na kahiligan ko na talaga magluto sabi nga nila pwedeng pwede na nga daw ako mag-asawa eh, pero wala pa yun sa isip ko ngayon. Gusto ko muna maiahon ang pamilya ko, pagkatapos siguro nun saka ko na iisipin ang sariling buhay ko.

Lumapit ako sa kanya na naghuhugas padin para kunin ang kutsilyo na nakalagay malapit sa lababo. Humarap naman ako sa kanya at napatingin naman siya sakin. Napaatras siya at gulat na gulat na tiningnan ako.

"What are you doing?! " tanong niya sakin.

"Magluluto." sagot ko sa kanya.

"Why are you holding a knife?! Are you planning to kill me? " tanong niya ulit sakin. Anong akala niya sakin killer?

"Bakit hindi ba kita pwedeng isahog sa lulutuin ko? " tanong na sagot ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng masama. "Maghihiwa ako ng gulay at nasa kabilang side mo yung chopping board kukunin ko lang, saka anong akala mo sa sarili mo masarap? " sabi ko sa kanya sabay kuha dun sa chopping board.

Kumalma naman na siya at bumalik na ulit sa pagbabanlaw sa mga plato.

"Yes. " sambit niya. "Well everyone wants to have a taste of this, kaya oo masarap nga ako. " lumingon siya sakin,  nilapit ang mukha niya sa mukha ko at ngumisi.

Napasimangot naman ako sa kanya at pumunta na sa kabilang counter kung saan ko nilagay lahat ng mga sangkap ng lulutuin ko. Napakahambog naman niya, kung lahat gusto siyang matikman pwes ako hindi!!. Sila lang yun at pake ko naman diba, kahit pagsabay sabayin mo pa silang lahat.

Nagsimula na akong maghiwa ng sibuyas at kamatis, habang iniintay na lumabot ang baboy na nilabas ko galing sa freezer. Syempre binabad ko muna sa tubig para mas mapadali ang paglambot niya.

Nagulat ako ng biglang may naramdamang may tao sa likod ko. Kaya napalingon ako at nakita si Tristan kuno na nakatayo sa may likuran ko. Tapos na pala siyang maghugas.

"Ginagawa mo diyan? " tanong ko sa kanya, habang tinutuloy ulit ang paghihiwa sa mga gulay na gagamitin ko sa sinigang.

"Ayos ka lang ba? " tanong niya din sakin. Oo ayos ako, lalo na pag lumabas ka na dito sa kusina kase tutal tapos ka naman na diba.

"Oo, kaya dun ka na. Hindi ko na kailangan ng tulong mo." sagot ko sa kanya pero mukhang ayaw parin niyang umalis.

"Are you sure?" tanong ulit niya. Inilipag ko muna ang kutsilyo sa may tabi at humarap sa kanya.

"Oo ngaaaa, sige na dun ka na sa labas istorbo ka lang dito nagluluto ako." pagtataboy ko sa kanya pero di padin siya umalis.

"Turn around." ika niya. Nagtataka ko naman siyang tiningnan. Trip nanaman nito?.

"Ano?" pagtutol ko. Napabuntong hininga naman siya at parang nainis sa sagot ko.

"Bingi ka ba? Turn around." paguulit niya. Hindi na niya ako hinintay pang tumalikod at siya na mismo at nagtalikod sakin.

Tinanggal niya ang tali ng apron sa leeg ko at hindi ko alam pero nakikiliti ako lalo na pag nararamdaman kong dumadapo yung mga daliri niya sa batok ko. Hindi ko naman magawang pigilan siya at tila tumiklop ang dila ko dahil sa ginagawa niya. Sunod naman niyang tinanggal yung tali sa may bewang ko pagkatapos kinuha niya ang apron sakin at tinupi niya sa kalahati. Tinakip niya ang apron sa may bandang- bandang pwetan ko?! At tinali ulit ito sa bewang ko. Para siyang nakabackhug sakin at ramdam ko pa ang dibdib niyang halo nakadikit na sa likod ko. At ang hininga niya, napakalapit na sa pisngi ko.

SlowWhere stories live. Discover now