🦄🌈Chapter Ten🌈🦄

1.2K 51 0
                                    

Alam kong ayaw na ayaw ni Keon kapag may regla ako kaya sinisiguro kong naaalagaan ko siya tuwing meron ako.

Matigas nga lang ang ulo ni Keon. Gusto niya ako ang gumamit ng kwarto ko dahil kahit nagkapalit naman daw kami ng katawan, babae pa rin ako. Kaya tuwing may regla ako, nakasanayan ko ng buhatin siya at dalhin sa kama. Bahala ng mag-away na naman kami pagkagising niya. Limang beses sa isang buwan lang naman iyon.

May special treatment siya sa akin kapag may period ako pero sa normal na mga araw, hinahayaan ko siyang matulog sa sala. Ang tangkad kaya niya? Hindi ako kasya sa sofa.

Mabuti na lang at ganoon ang set-up namin ngayong Sabado ng umaga. Nag-surprise visit kasi ang mag-BFF, si Linda at Julie na napagkakatuwaan namin ni Keon tawagin minsan na Julienda.

Nagising ako sa malakas na palo ng Mommy ni Keon sa likod ko. "Dios mio! Ano'ng ginagawa mo dito anak?" Napatayo ako agad. Hindi ko na alam kung iba pa siyang sinabi. Basta sa ekspresyon ng mukha ni Tita Julie, mukhang 50-50 ang galit at kilig. Parehas sila ni Mommy. "Wala ka na bang bahay na bata ka?"

Mabuti na lang at naalerto agad ako. "Mom. Tita! Good morning po."

"Keon, hijo. Bakit dito ka natulog? Sanay naman kayong mag-share ng kama ni Kaili.  Bakit hindi ka na lang sa kwarto niya natulog? Ayos ka lang ba?" ang sweet talaga lagi ni Mommy kay Keon. Hindi siya ganyan sa mga Kuya ko. "Mukhang nahirapan ka tuloy mamaluktot sa sofa na ito."

Mabuti at mabilis kong nailigpit ang unan ni Keon at ang kumot niya. Sila Mommy naman, hinanda ang pagkain namin. "Umamin ka ngang bata ka, break na kayo ni Alex, 'no?"

"Ah, eh..." Paano ko ba sisimulang ipaliwanag? Napakamot na lang ako sa batok.

"Mom!" mabuti na lang at nagising na si Keon na nasa katawan ko pa rin. Niyakap niya muna si Tita Julie bago ang Mommy ko.

Nagulat tuloy ang dalawa.

"Hija, did you just called me Mom?" halata sa mukha ni Tita Julie na iyon ang pinakamagandang lumabas sa bibig ko sa nakalipas na twenty-seven years.

High school pa lang, gusto na niyang tinatawag ko siyang Mommy, si Keon lang naman ang may ayaw.

"Yes, Mom." hinalikan niya din ang Mommy ko katulad nang kung paano ako maglambing sa Nanay ko. "'Wag kayong magugulat pero, kami na ni Keon." sabi niya saka umabrisiete sa braso ko.

"Oh my God!" sabay na napatili ang mga Nanay namin at nagyakapan. Malinaw na ligaya ang nakita ko sa mukha nila. Ako lang yata ang nagulat.

Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin pero nakangiti lang siya sa akin na para bang gusto niyang sakyan ko ang ipinagtapat niyang kasinungalingan. Napilitan tuloy akong umakbay sa kanya saka ngumiti kay Mommy at Tita.

"Let's celebrate!" pagkasabi noon ni Tita Julie, siniko ako ni Keon. Hudyat na dapat kong awatin ang Nanay niya.

"Mom, 'wag na! Let's just eat breakfast. May lakad pa kami ni Kaili." nag-improve na ng malaki ang acting skills ko. Seven months ba naman kaming ganito?

Naniwala agad ang tambalang Julienda kaya usisa to-the-max silang dalawa habang nag-aalmusal kaming apat. Duon ko lang nalaman na pathological liar pala si Keon. Ayon sa kwento niya, seven months na kaming dalawa. At nagsimula siya (yung katawan niya) na ma-in love sa akin noong 27th birthday namin at hindi ako makapaniwalang niligawan niya pala ako.

Well, technically, ako ang nagsisinungaling sa harap ng mga Nanay namin dahil gamit ni Keon ang bibig ko sa pagsasalita. Pero paano kung bumalik na kami sa dati? Magpapanggap kaming basta na lang nag-break? Paano naman ang feelings nila Mommy at Tita Julie? At paano ko iyon ipapaliwanag sa kanila oras na makuha ko na ang katawan ko?

Hinayaan ko lang silang magkwentuhan. Nakikitawa ako sa mga nakakatawa nilang pinag-uusapan, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-alala.

Inihatid namin ang Julienda sa car park pagkatapos ng breakfast. At sa loob ng elevator, nang pabalik na kami sa unit ko, pinagalitan ko siya nang malala. "Masasaktan sila kapag nag-break tayo oras na bumalik na tayo sa dati. Hindi ka ba nag-iisip?"

"Eh kailangan natin silang bigyan ng dahilan kung bakit ako nakatira sa apartment mo. Isa pa, natawag ko ang Nanay ko ng Mommy. Kailangan kong magbigay ng rason kanina. Dapat ba sinabi na lang natin ang totoo?"

Hindi ako nakasagot. Hindi nga naman magandang ideya 'yon.

"Kunyari ka pang naiinis ka, e matagal mo na akong gustong maging jowa." pabulong na sabi niya. Yung bulong na naririnig naman dahil kami lang ang nasa elevator.

Eksaktong tumunog iyon nang marating na namin ang floor ng unit ko at sinundan ko na lang siya ng masamang tingin. Kung wala lang siya sa katawan ko, kanina ko pa siya nagulpi. But on a second thought, hindi naman mali ang sinabi niya. Gusto ko talaga siyang maging jowa kahit kunyari lang. Bakit ba kasi na-involve pa sila Mommy?

"Hoy, Keon. H-Hindi ko gustong jowain ka 'no?" I'm guilty. Pero imbes na magpatalo, iyon pa ang sinabi ko nang maabutan ko siya sa sala.

Umangat ang isang sulok ng labi niya. "Kwento mo sa pagong. Kilala ko pamilya mo."

"Hindi mo alam ang nararamdaman ko, okay? So don't act as if you know my pain."

"Wow. Luka-loka ka!"

"Mas lalo ka na!"

Pagkatapos ng walang-kwenta naming pagsisigawan, natawa siya. Ngayon ko lang nakita ang sarili kong ganyan kasaya. Sana always. Sana all.

Bigla kong nakapa ang emptiness. Mukhang feelings ni Keon ang nararamdaman ko. At siguradong kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon ay dahil kay Alex.

Wala naman kasing ibang minahal si Keon sa buhay niya kung hindi si Alex. Oo, madami siyang ka-flirt, pero yung puso niya nasa iisang tao lang. Sinaktan pa siya.

Napansin niya yata ang biglang pag-iiba ng mood ko kaya inakbayan niya ako. "Nood tayo sine. Sulitin mo ang pagkakataon." Kumindat pa siya bago pumunta sa banyo.

Hindi ko alam kung pinaglalaruan niya ba ako at sadyang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko o gusto niya talagang bigyan ng pagkakataon ang relasyon naming dalawa na na-stuck na sa friendship.

Kung anuman ang tumatakbo sa isip niya ngayon, walang nakakaalam.

GayXGirl Series 4: It's Mine [COMPLETED] Published by PaperInk Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon