Nagpaalam ako sa opisinang hindi na muna ako papasok. Gusto kong manatili sa tabi ni Keon hanggang sa magising siya.
Noong una niya akong makita pagmulat niya ng mata, hindi niya ako magawang tingnan. Mukhang masama pa rin ang loob niya dahil sa nangyari. At ibibigay ko sa kanya ang lahat ng karapatan para gawin iyon. Kasalanan ko naman talaga.
With just one mistake, I left him.
Sana tanggapin pa niya ako ulit.
"Why did you do it, Keon?" I asked in a serious tone. "You could have died. Hindi ka na ba nag-iisip?" Alam kong wala na ring saysay kung magagalit pa ako sa ginawa niyang pag-inom ng maraming capsule ng sleeping pills.
Wala din naman siyang balak na magsalita. Ni hindi niya ako tinitingnan.
"Kumain ka na." sabi ko saka kinuha ang isang mangkok ng lugaw na ipapakain ko sa kanya. Kaya lang umiwas siya ng tingin.
Halos kalahating araw na siyang gising pero hindi pa rin niya ako kinikibo.
"Keon, kain na. Para lumakas ka."
"Umalis ka na lang. Baka jombagin na naman ako ng jowa mo." sa wakas, may sinabi na rin siya.
Kaya naman, trinigger ko pa siya lalo para makipag-usap na siya sa akin. "Takot ka sa kanya?"
"Hindi 'no?"
"Keon, nandito ako para makipag-usap sa'yo."
"Alam mo, Kaili. Kung aalisin mo na ako ng tuluyan sa buhay mo at sasabihin mong kahit friendship, hindi na pwede 'wag mo na lang ituloy. Nakapag-desisyon na ako. Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa'yo. You deserve better, Kaili. Matagal ko ng alam 'yon. Kaya nga kahit noong high school, hindi kita pinapatulan kahit ilang beses mong sinabi sa akin na gusto mo ako. Mas bagay sa'yo 'yung lalaking kaya kang ipaglaban. Hindi 'yung isang baklang kagaya ko na wala naman talagang nagawa para mapasaya ka. I'm sorry kung naging selfish ako, na-in love ako sa'yo, jinowa kita pero sa huli nasaktan din kita. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit mas gusto mo duon sa Italyano. Kaya ka niyang ipaglaban. Na-dislocate pa nga ang panga ko sa suntok niya e."
Inilapag ko ang lugaw sa bedside table saka siya hinaplos sa panga. Hindi siya agad nakakilos dahil naka-swero pa ang kamay niya. Ngumiti lang ako saka siya hinalikan sa pisngi. "I'm sorry kung hindi kita pinakinggan. Naalala mo noong umalis ako? Hinintay kitang humabol. Ilang beses din kita hinintay na magpaliwanag, pero wala akong narinig. Ni hindi mo ako ni-reply-an nung makipaghiwalay ako sa text. Kaya inisip kong iyon din ang gusto mo dahil mahal mo pa si Alex. Iyon ang rason kung bakit ayaw ko ng marinig ang mga sasabihin mo."
Nanatiling nakatitig sa mukha ko ang mga mata niya.
"Ginawa ko na lang ang lahat para kalimutan ka, Keon. Kasi, pakiramdam ko noon, ubos na ubos na ako. At lahat ng efforts ko nasayang pagkatapos mo akong paasahin."
"Hindi kita pinaasa." I super missed his deep voice. Halos maiyak ako nang mahimigan ang kaseryosohan sa boses niya. "Sinabi ko na sa'yo. Mahal talaga kita. Oo, nagkamali ako noong hinayaan kitang umalis. Wala akong excuse. Pero gusto kong malaman mong araw-araw akong nagsisising hinayaan kitang isipin ang mga bagay na nagpalayo sa'yo sa akin. Umasa din kasi akong babalik ka agad kaya naghintay ako. I gave you space. I trusted that after some time, you will understand me. Pero hindi 'yon nangyari. Alam mo ba kung gaano kasakit noong makita kita kasama 'yung Pete na 'yon? Lumabas ang lahat ng demonyo sa utak ko kaya nakipagsuntukan ako sa kanya mabawi ka lang."
Niyakap ko siya. "Sorry if I did that to you. Wala na kasi akong ibang makitang paraan para maka-move on sa'yo."
"So, hindi talaga kayo ni Pete?"
"Kami talaga." I answered honestly.
Sumimangot siya. "Ano?"
Ngumiti ako. "It's difficult to explain."
"Pero pinapatawad mo na ako?" paglilinaw niya.
Ngumuso ako. "Ako ba, pinapatawad mo na?"
Umirap siya. "Kailan ba kita natiis? Parehas tayong nagkamali, ang importante ngayon ay naiintindihan na natin ang isa't isa. Kaili," hinawakan niya ang kamay ko. "I promise you that this time, I will never let this go again. Can we start all over again?"
I just answered him with a kiss.
One Year Later
Everyone is busy with the wedding preparations at the beach. This is a beach wedding sa resort ni Kuya Dave at lahat ng pinangarap namin ni Keon, natupad sa araw na iyon.
Ako, kasama ang mga seswa kong half-men, half-goddesses, ay abala sa pag-me-make-up at pag-aayos. Game silang mag-suot ng gown kahit naglalakihan ang muscles nila. Siyempre, ang gown ko pa rin ang pinaka-maganda.
Si Keon mismo ang pumili nitong gown ko. At ang aking groom? Nasa kabilang kwarto lang ng hotel na iyon. Naghahanda na rin.
Today is the day we will finally fulfill our mothers' wishes.
Ang tambalang Julienda talaga ang pinakamasaya sa araw na ito bukod sa aming dalawa.
Sa katunayan, sila itong punong-abala sa preparations. Minamanduhan lang nila ang tatlo naming wedding planners.
Naka-check-in na din sa hotel na iyon ang buong pamilya namin at ang mga kaibigan.
Siyempre, hindi mawawala duon ang aking bagong best friend na si Pete at ang fiancee niyang si Liza na isa pa lang actress. Last year ko pa nalaman na siya pala ang babaeng tinutukoy ni Pete at talagang sikat siya. Inamin na din kasi ni Liza sa buong mundo ang relasyon nila ni Pete.
Wala akong kasing-saya para sa kanya lalo pa nang abutan niya din ako ng wedding invitation para sa kasal nila ni Liza sa susunod na taon.
Kung hindi lang alam ni Keon ang tungkol kay Liza, baka hindi rin siya pumayag na imbitahan ko si Pete. Hanggang ngayon kasi, may sama pa rin siya ng loob sa ex kong si Pete kahit ilang beses ko ng ipinaliwanag sa kanyang hindi nag-level-up ang relasyon namin ni Pete sa romantic level.
Alex is also there to support us.
Halos maiyak ako habang naglalakad sa gitna papunta sa altar kasama ang Mommy at Daddy ko pagkatapos ng entourage.
Malayo pa lang, tanaw ko na ang baklang pinangarap kong makasama habambuhay simula pa lang noong teenager ako.
Parang biglang nag-flash back ang lahat sa isip ko habang naglalakad ako palapit sa kanya.
Lahat ng masasayang alaala namin bilang magkaibigan, 'yung mga kulitan at mga walang kwentang away. Hanggang sa mga oras na pinagdaanan namin noong maging kami na. Lahat ng iyon, mabilis kong binalikan.
Those memories gave me mixed-emotions.
Hindi ko tuloy mawari kung maiiyak ako o matatawa. Mabuti na lang at kaya ko pang pigilan ang mga luha ko. Si Keon lang ang hindi makagawa no'n dahil nasa kalagitnaan pa lang kami ng paglalakad, humahagulgol na siya pero halatang lahat naman ginawa niya para pigilang umiyak.
Pinunasan pa ni Mommy ang mga mata niya nang makarating kami sa kinatatayuan niya bago nila ako ibinigay sa aking groom.
Magkahawak ang kamay naming naglakad sa buhanginan patungo sa pari na magkakasal sa amin at habang naglalakad, binulungan niya ako... "I'll love you for the rest of our lives."
Hindi ko mapigilang mapadasal ng pasasalamat. Finally, he's completely mine.
BINABASA MO ANG
GayXGirl Series 4: It's Mine [COMPLETED] Published by PaperInk Publishing House
RomanceBe careful what you wish for, lest it come true! -Aesop Start: 27 May 2020 Finish: 22 June 2020 All rights reserved © 2020 It's Mine written by Suzie Kim