Keon's POV
Pagkatapos naming magtalo noong araw na nanuod kami ng sine, ang dami-dami kong realization sa buhay.
Una, na-realize kong walang kasing-tigas ang ulo ni Kaili. Kahit magka-away kami, nararamdaman ko pa ring mahal na mahal niya ako at mukhang wala sa plano niya ang sumunod sa mga sinabi ko sa kanya. Dahil akin ngayon ang katawan, ang puso at ang isip niya, dahan-dahan ko na siyang tinuturuang alisin sa sistema niya ang nakaka-bwisit niyang obsession sa akin. Pero 'te! Wa epek! Daig pa niya ang lulong sa droga dahil sa pagka-addict niya sa akin. Gusto ko na maglaslas sa kunsumisyon. Araw-araw, minu-minuto yata niya ako kung isipin. Mayroon din siyang automatic schedule sa isip niya para sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Madalas, tulala ako dahil naaalala ko ang mga bagay na ginawa kong nakakakilig pala para sa kanya. Mapamalaking bagay o maliit na nagawa ko noon para sa kanya, naaalala ng utak niya. Kaya nga gusto kong malaman kung ilang gigabyte ba ang utak nitong si Kaili. Ang dami niyang alaala kasama ako at lahat iyon, masasaya.
Sa totoo lang, makakasulat na siya ng romance novel sa lahat ng memories na iyon na kasama ako. At iyon ang pangalawa kong na-realize. Kasalanan ko naman pala kung bakit siya super in love sa akin. Normal lang namang alagaan at protektahan ko siya dahil magkaibigan kami, pero may malisya sa kanya ang lahat ng ginawa ko kahit noong ginantihan ko yung b-um-ully sa kanya. Natatandaan niya rin noong binuhat ko siya papunta sa clinic dahil hinimatay siya noong matamaan ko ang mukha niya sa volleyball practice.
Dahil sa mga naaalala niya at sa perspective niya, natuklasan ko ring talagang lalaking straight ang tingin sa akin ng marami. Kasalanan ko bang nagmana ako sa Daddy ko na complete gentleman pero nakuha ko ang taste ni Mommy sa lalaki? Hindi ko rin talaga ma-gets. Kahit ako, kapag na-meet ko yung high school version ko, baka alukin ko agad ng college fund. Pero siyempre, hindi naman ako ganoong klase ng badet. I want to find true love.
At iyon ang panghuli kong na-realize. I've been looking for love at a wrong place, with the wrong people. I love men but I love Kaili more. Hindi ko sigurado kung kailan nagsimula, pero natatandaan kong sobrang saya ko na hindi siya katulad ng ibang taong pinagtawanan ako at nilayuan nung nalaman nilang bakla ako. Kasama siya duon sa mga taong inintindi ako at minahal kahit ano pa ako.
Siguro nga matagal na itong nararamdaman ko pero pinipigilan ko agad dahil nga sa pagkakaibigan namin at siyempre, dahil na rin sa katotohanang bakla ako.
But her lips and this freaking situation help me accept the fact that I am in love with my girl best friend.
This is insane.
Nakakaloka. Imposible. Nakakasuka. Hahaha... aaminin ko na bilang bakla na nakakashokot talaga 'tong feelings na ito para sa amin.
Masasabunutan ako nila Francine dahil madami silang pangarap para aming magkakaibigan. Gusto nilang sabay-sabay kaming magpapakasal sa New York kasama siyempre ang mga jowa namin. Ikakasal kami sa lugar na tanggap ang same sex marriage mabubuhay nang malaya at masaya.
Pero paano ako tutupad duon, ngayong nakakulong pala ako sa feelings ko para sa impakta?
"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan? Bumalik ka na sa kwarto mo!" singhal ni Kaili.
I've been smiling like a fool lately.
Nung hindi niya ako kausapin ng ilang oras, parang mamamatay na ako. Ang OA, pero iyon talaga ang nararamdaman ko. Kaya sobrang saya ko noong kumain kami pagkadating namin sa resort dahil hindi siya umiwas. Magkaharap kami sa upuan habang nagdi-dinner.
It was really weird. Kaya nga sinubukan kong i-kumpirma itong nararamdaman ko. I kissed her. Then we switched. Akala ko, duon na iyon matatapos, sa isang mainit na halik. Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. I took another bite of the forbidden fruit. I even tasted papayas and berries that night. At kinaya ng sikmura ko.
Oh well, yes. I enjoyed it, as a matter of fact. And I was fully aware that I took everything from her that night.
Ako ang nakauna sa bruha.
Kilala ko ang hilatsa ng mukha ni Kaili simula pa noong mga bata kami. Madami siyang manliligaw. Kung tutuusin, dapat in-enjoy niya iyon at nangolekta ng lalaki pero hindi iyon ang ginawa niya.
Birhen pa rin ang lukaret sa edad na bente-siete. At kasalanan ko yata dahil bakla ako at ayaw ko sa kanya noon.
Siya rin naman kasi ang madalas na nagsasabi noon kapag nalalasing siya. Gusto niyang dalhin sa sinapupunan niya ang mga magiging anak ko.
Ang iniisip ko naman noon, bakit ako?
Sa hitsura at personalidad ni Kaili, walang dudang malawak ang range ng mga lalaking posibleng magkagusto sa kanya. Kahit nga ang ex kong si Alex, napa-straight niya
Ngayong naiintindihan ko na ang feelings niya, ako naman ang tinablan ng kamandag ng kanyang bobelya.
Pero kung magpapakatotoo ako, alam kong higit sa tawag ng laman ang naramdaman ko. I love her more than just her body.
Kaya nga ilang gabi na akong hindi makatulog mula nang may mangyari sa amin, pero ang luka-loka, kayang-kaya akong harapin na parang wala akong kinuhang mahalaga sa kanya.
At ito na nga siguro ang tamang panahon para totohanin ang lahat. "Pagkatapos mong magbihis, magkita tayong lunch sa tabing-dagat. May sasabihin ako sa'yo."
Tumango lang siya.
Masaya akong bumalik sa kwarto ko. Madami kaming dapat na pag-usapan ni Kaili. Mga bagay na iniiwasan lang namin noon. At sa laki ng atraso ko sa kanya, kailangan kong paghandaan ito.
I called room service and asked for their help. Siyempre, hindi naman magandang basta ko na lang sabihin sa kanyang gusto ko siya. Mas bobonggahan ko ngayon kaysa noong nagtapat ako kay Alex dahil deserve ni Kaili ang ganoon.
If she really wants me, then I have to be the gay who truly deserve her.
BINABASA MO ANG
GayXGirl Series 4: It's Mine [COMPLETED] Published by PaperInk Publishing House
RomanceBe careful what you wish for, lest it come true! -Aesop Start: 27 May 2020 Finish: 22 June 2020 All rights reserved © 2020 It's Mine written by Suzie Kim