Bago ko pa sila maawat, nakailang palitan na sila ng suntok. At dehado si Keon dahil mas malakas si Pete. Duguan na ang mukha ni Keon nang mahila ko ang nobyo ko. "Please, Pete. Stop!"
"Ikaw. Layuan mo si Kaili ha. You already missed your chance. If you want her back, you have to kill me first."
Iyon lang at hinila na ako ni Pete palabas sa mansion. Hindi ko maiwasang tingnan si Keon habang paalis kami. Mukhang balewala sa kanya ang mga tama niya sa mukha dahil mabilis niya akong hinila sa isang kamay. "Kaili, don't leave me please." ngayon, dalawa na silang nakahawak sa magkabila kong kamay.
Susugurin na naman sana siya ni Pete nang pigilan ko na ang boyfriend ko. "Tama na, Pete." Ikinalas ko ang kamay ni Keon mula sa pagkakahawak niya sa akin saka ko siya pinakiusapan. "Tigilan mo na ako Keon. Tapos na tayo."
Imbes na bumitaw, lumuhod pa siya sa harap ko. "Mahal mo ba siya?"
Hindi ako sumugot at pinilit ko na lang na makawala sa kanya.
Umalis kami ni Pete duon pero wala akong ibang ginawa sa kotse niya kung hindi ang umiyak. Alam kong unfair para kay Pete ang nangyari at itong pag-iyak ko ngayon, pero wala akong narinig na masama sa kanya. Hinaplos niya lang ang buhok ko. "See? I told you, he still loves you."
Puro hikbi lang ang naisagot ko kaya inihinto niya ang kotse para yakapin ako.
"Gusto mo bang ibalik kita duon?"
Sunud-sunod ang naging pag-iling ko.
"Alam kong natatakot kang mahalin ulit siya dahil minsan ka ng nasaktan. Believe me. Ganyan din ang nararamdaman ko ngayon. Liza talked to me yesterday." Napatitig ako sa kanya. "She wants me back. Hindi ganoon kadali kahit mahal ko pa siya."
"Keon is everything to me, but I can't trust him anymore."
Tumango si Pete. "And you have all the right to doubt his intentions but as your friend, I would like you to consider listening to him. Hindi ko sinasabi 'to dahil gusto kong kumawala sa relasyon natin. You're still a good catch. At sa totoo lang, wala akong planong ibalik ka kay Keon dahil masaya ako sa relasyon nating dalawa. Walang kumplikasyon at parehas nating naiintindihan ang isa't isa. However, I completely understand that there is this person who can truly make you happy."
"I don't know if I'm ready to listen to him." I said truthfully.
"Then take your time."
Pagkasabi niya noon, ipinagpatuloy na niya ang pagmamaneho at inuwi na niya ako sa bahay ng parents ko.
Hindi na sumama si Pete sa loob dahil gusto daw makipagkita ni Liza sa kanya. Bagay na hindi ko naman pinagselosan. Siguro nga hindi ko lang siya ganoon kamahal para maging okay lang para sa akin ang pakikipagkita niya sa ex niya.
Inabutan ko sa bahay ang dalawa kong Kuya kasama ang mga pamilya nila. Kasama ni Kuya Tom ang asawang si Ate Mariannette at ang kambal na anak na sina Eula at Eulesis habang si Kuya Dave ay kasama ang second wife na si Gina na ka-edad ko lang halos at ang anak na si Kizel. Mga teenagers na ang mga pamangkin ko at habang naririnig ko silang nagkukwentuhan, hindi ko maiwasang makaramdam ng kamiserablehan.
Maloko sa babae ang mga Kuya ko pero nakatagpo pa rin nila ang mga taong para sa kanila. Samantalang ako, hanggang ngayon hindi pa rin lumalagay sa tahimik. Duon ko napagtantong hindi lahat ng tao ay para sa pag-aasawa.
Naka-auto pilot ang mga ngiti ko sa kwento nila hanggang sa mapag-usapan nila ang tungkol sa mga pinagdaanan nila Kuya Dave at Gina.
Gina is Kuya's first love. Kaya lang, noong mabuntis ni Kuya ang unang asawang si Katie, nilayuan na siya ni Gina. Matagal na itinago ni Kuya ang feelings niya para kay Gina upang maging maayos ang buhay-may-pamilya nila ni Katie kaya lang, si Katie na mismo ang umayaw dahil nararamdaman niyang hindi pa rin nakaka-move on ang Kuya ko. Kaya naman iniwan na din ni Katie ang pamangkin kong si Kizel.
That's when Gina and Kuya Dave met for the second time. Hindi daw naging madali ang proseso ng habulan pero hindi sumuko si Kuya. Kahit araw-araw siyang mag-sorry noon, mukhang naging imposible nang patawarin siya ni Gina but his persistence has been paid off. Si Gina din pala kasi, hindi naka-move on sa feelings niya para sa kapatid ko. Kaya ang ending, nagkabalikan sila.
Katie filed an annulment and found her true love elsewhere at ngayon, masaya na silang magkasama dahil mahal rin ni Kizel na parang tunay niyang Mommy si Gina.
Pagkatapos ng dinner, tinulungan ko ang mga sister-in-law ko sa paglilinis ng kusina.
"Kanina ka pa matamlay, Kaili. Akala ko ba may boyfriend kang Italian? Nag-away ba kayo?" Usisa ni Ate Mariannette.
"Hindi naman. Pagod lang ako sa trabaho."
"Naku, yayain mo 'yung boyfriend mo sa probinsya namin. Nakapagpatayo na ang Kuya Dave mo ng resort sa Batangas. Mag-relax kayong dalawa hindi 'yang puro kayo work. Teka, nagkita na ba kayo ni Keon?"
Alam kong kumalat na sa pamilya namin ang tungkol sa naging relasyon namin ni Keon at kung paano ito nagtapos. Hindi ako nakasagot.
"I'm sorry." nakahalata yata si Gina na medyo sensitibo para sa akin ang anumang usapang may kinalaman kay Keon kaya inikom na lang niya ang bibig niya pero itong si Ate Mariannette ang talagang curious.
"Galing 'yung si Keon dito noong isang araw. Nagkataon na tinulungan ko si Mommy na mag-prepare para sa dinner na 'to tapos biglang dumating si Keon. Hinahanap ka. Kaya lang, naroon ka daw sa restaurant ng Mama ng boyfriend mo. Alam mo, na-sense ko agad sa mukha niya noon na parang nagagalit siya. Binabalikan ka ba ni Keon?"
Nakita kong siniko ni Gina si Ate Mariannette pero wala pa ring balak na tumigil si Ate sa pagtatanong.
"Hindi pa ba kayo nakakapag-usap ng matino ni Keon para sa closure? Wala akong alam sa lahat ng nangyari pero mabuti sana kung maayos ninyo ni Keon 'yan at para maging magkaibigan kayo ulit. Iniisip din kayong madalas nila Mommy at Tita Julie. Sayang naman ang friendship ninyo."
Ngumiti lang ako. Totoo naman ang sinabi ni Ate. Sayang ang friendship naming dalawa. Kailangan ko na lang ngayon ng katatagan para harapin si Keon.
BINABASA MO ANG
GayXGirl Series 4: It's Mine [COMPLETED] Published by PaperInk Publishing House
RomanceBe careful what you wish for, lest it come true! -Aesop Start: 27 May 2020 Finish: 22 June 2020 All rights reserved © 2020 It's Mine written by Suzie Kim