🦄🌈Chapter Six🌈🦄

1.2K 53 2
                                    

Halata namang badtrip si Keon habang minamaneho ang kotse ko kaya hindi na ako nagtanong.

Pagdating sa bahay nagluto na naman siya. Tinabihan ko lang siya sa kinatatayuan niya at inobserbahan. Mukhang wala talaga sa mood ang best friend kong pag-usapan ang eksena kanina.

Naisipan ko tuloy i-check ang message na sinasabi ni Alex.

"We have been good friends for quite some time and Kaili, I don't know how I can explain this but I think I like you." napanganga ako nang mabasa ang message ni Alex sa akin noong araw bago ang birth day ni Keon.

Iyon din 'yung eksaktong araw na nag-break sila. Mukhang nakita na ni Alex na nabasa ko na ang message niya kaya nagsend na naman siya ng panibagong message. "Are you with Keon now? I'm sorry to startle you. I am just being honest with myself. Matagal na 'tong alam ni Keon. Sana 'wag kang magalit sa akin."

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano magre-react sa nalaman ko. As in wala akong ideya na ako pala ang dahilan kung bakit nakipag-break si Alex kay Keon. Ang nakakapagtaka lang, bakit hindi man lang nagalit sa akin ang best friend ko.

Well, ayaw ko namang magalit siya sa akin pero normal lang naman sa ganoong sitwasyon na mairita siya sa akin, pero bakit noong birthday namin, hindi niya ako iniwasan. He even kissed me.

Inilapag na niya ang pagkaing nailuto sa lamesa saka ako tinawag.

We started to eat silently. Hanggang sa bitawan niya ang kutsara niya pagkatapos ng apat na subo. "Binasa mo na?"

"Ah..." napasandal ako sa upuan. "H-Hindi ko alam ang sasabihin ko. I had no idea."

"Talaga ba, Kaili? Wala kang kahit kaunting ideya kung kailan siya nagsimulang magkagusto sa'yo?"

"Wala. I'm busy with my own feelings too, you know? Paano ko malalaman? Are you mad at me?"

Hindi siya nakasagot.

Tahimik ko na lang na ipinagpatuloy ang pagkain ko hanggang sa hindi ko na din malasahan iyon. Iniwan ko siya sa hapag-kainan at nagbabad na lang ako sa bathtub.

I didn't touch his body. Pero super curious ako sa hitsura ng buong katawan niya kapag walang suot.

Nope Kaili. Isa kang disenteng babae. Kahit may pagkamalikot yang utak mo, hindi ka tinuruan ng parents mong maging bastos. I reminded myself. This body is private and precious because it belongs to the gay I love. Hindi ko dapat yurakan ang pagkabakla niya kahit gaano ko pa siya kagusto.

But on a second thought, nagkapalit naman na kami ng katawan. Temporary or not, his body is mine now! It's mine!

Kaya dala ng kuryosidad, tumayo ako sa bathtub.

"Ano'ng ginagawa mo?"

Sheeet!!! Nakalimutan ko pa lang mag-lock ng pinto! Leetttssseee!!! Sa pagkataranta ko, hindi na ako nakapag-isip, umahon pa rin ako sa bathtub at mabilis na humugot ng tuwalya para lang madapa at lumanding sa katawan na pag-aari ngayon ni Keon, ang katawan ko.

Nagulat siya at wala na kaming ibang magawa kundi ang magtitigan na lang habang nakapatong pa rin ako sa kanya.

"Balak mo bang molestyahin ang katawan ko?" he asked.

"Huh? Kapal mo!" dahil guilty ang lola niyo, nataranta na naman akong tumayo.

Pero siya na ang nag-asikaso sa akin since katawan naman niya ito.

Nakabihis na ako nang magkatabi kaming uminom ng beer sa sofa.

Nakataas ang dalawang paa ko like my usual self. Ang hirap nga lang ngayon dahil may something sa pagitan ng legs ko ngayon na unfortunately, hindi ko nakita.

Habang si Keon ay nakabikangkang na nakasalampak sa sahig.

"Do you still like me?" napalingon ako sa biglang tanong niya dahilan para mapalaklak ako sa hawak kong bote.

"Tinatanong pa ba 'yan?"

"I already told you that I can't like you back."

Heto na naman siya sa mga drama niya. "Sino bang may sabi sa'yong gustuhin mo ako?"

Natigilan ako sa mga gusto ko pang sabihin nang bigla siyang tumitig sa mga mata ko ng seryoso. "I seriously can't like you back. You have to stop now."

"Sino ka para diktahan ako tungkol sa nararamdaman ko?"

"Best friend mo ako. Natural lang na pigilan kita sa kagagahan mo. At 'yang one-sided love mo para sa akin ang isa sa mga mali mo sa buhay mo na dapat mong itama. You deserve better than that."

Ang sakit niyang magsalita. Ganyan ba siya ka-desperadong alisin ko ang feelings ko para sa kanya? And why does it bother him so much? Hindi ko na napigilan ang sarili kong maluha. Napasinghot na lang ako saka mabilis na pinunasan ang mga nakatakas na luha.

"Kaili, kapatid at best friend lang ang tingin ko sa'yo."

Ilang beses na ba niya akong binabasted? Wala 'to. Kayang-kaya ko 'to. Hilam sa luha ang mga mata ko nang tumingin sa kanya. "Then continue doing that. Kahit kailan, hindi kita p-in-ressure na mahalin ako at tingnan mo ako bilang babae. Kung nabibigatan ka na sa feeling na may hopelessly in love sa'yo, pwes magtiis ka. Let me handle this emotion."

"Ang gusto ko lang sabihin, bigyan mo ng chance si Alex." is he serious? Gusto kong matawa. Again, he's so fickle-minded. "He's madly in love with you. I've never seen him so in love before. At gusto ko kayong makitang parehas na masaya. Don't waste your time on me."

Sa inis ko, napa-oo ako sa gusto niya. "Okay fine. You can date him for now. Tutal naman nand'yan ka pa sa katawan ko. Kapag nakabalik tayo sa dati, pakakasalan ko na agad siya. Ano okay na?"

Ngumiti siya saka ginulo ang buhok ko. "'Wag ka na magalit sa akin. Kahit ano namang mangyari, mahal kita. At hinding-hindi ako mawawala sa'yo. We are better off as friends."

Tinapik ko na lang ang kamay niya at mabilis akong tumakbo sa kwarto ko.

Magdamag akong umiyak. Wala siyang alam sa feelings ko. Bakit ba kailangan niya akong itulak palayo? Bakit kailangan niya akong ibigay sa ex niya?

How dare him tell me to get rid of my feelings for him? E siya naman itong dahilan kung bakit ako baliw na baliw sa kanya.

GayXGirl Series 4: It's Mine [COMPLETED] Published by PaperInk Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon