🦄🌈Chapter One🌈🦄

2.7K 78 16
                                    

Birthday party ko at ng nag-iisa kong kambal-from-another-parents slash best friend, si Keon Angeles. Siyempre, hindi mawawala ang mga lalaki. Kaliwa't kanan ang mga machong sumasayaw ng malaswa habang nagtitilian ang mga bakla. Hindi bale ng magmukhang bahay-aliwan ng mga beki ang apartment ko basta magkaroon lang ng ingay sa bahay namin ni Keon ngayon.

My name is Kaili Suarez. I'm a straight girl, pero sila ang tropa ko.

"Bruha! Panalo ang mga lafang na dala mo! Pwede kaming mag-take-out ni Jules?" tanong ng isa naming kaibigan, si Rod. Ang matong bakla. Rudolfo Wenceslao. Malalim ang boses niya pero lahat ng salitang bakla, memorize niya by heart.

Tumawa lang ako. "Itong oras lang nila sa party ang bayad ko. Etchusera ka!" sagot ko habang nilalagpasan siya dala ang dalawang bote ng alak.

May isa pa kaming kaibigan na game na game sa paggiling kahit mas mukha pa siyang macho dancer kaysa sa lalaking binayaran ko. Si Frank Herrera a.k.a. Francine. Borta pero barbie.

Pero mas mukhang nag-e-enjoy ang dalawa pa naming friends na fresh from Thailand. Palibhasa confident ang dalawa na makakapag-take-out ng fafa after ng party dahil parehas na silang mukhang tunay na merlat, salamat dok!

Kaming dalawa lang ni Keon ang hindi masaya ngayong gabi. Malungkot siya dahil wala na sila ni Alex at malungkot naman ako dahil nakikita kong nasasaktan siya.

Nakayuko lang siya sa isang sulok at nakatitig sa cellphone niya.

Inilapag ko ang bote ng mojito at vodka sa lamesang nasa tapat ni Keon saka ako sumandal sa balikat niya. Sa lahat ng beki na kilala ko, si Keon ang pinaka-papable. Hindi siya nagko-cross dress at nagme-make-up pero siya ang pinaka-gwapa sa sangkabaklaan.

Madami kaming gusto siyang hilain sa matuwid na daan pero, iisang lalaki lang ang gusto niyang mahalin at makasama sa pagtanda, si Alex.

Pinigilan ko ang sarili ko na mainis nang makitang tinitingnan pa rin niya ang pictures nila ng ex niya. Kahapon lang sila nag-break kaya may karapatan pa siyang magluksa. And besides, Alex is a good guy. Naging kaibigan ko na din siya sa loob ng dalawang taong pagiging mag-jowa nila ni Keon. Noong una, selos na selos ako sa kanya. Pero noong nakikita kong napapasaya niya ang best friend ko, hindi na ako nakialam. Ganoon ko yata kamahal ang baklang ito. Napatitig tuloy akong bigla sa mukha niya habang nakasandal pa rin ako sa balikat niya.

I poked his cheeks. "Uy, birthday natin! Uminom tayo!"

"Chosera. Bukas pa ang birthday mo." walang kalatuy-latoy na sagot niya.

"Letse, ilang minuto lang ang difference ng oras kung kailan tayo pinanganak. Ganoon na din yun!" nagsalin ako ng vodka sa kanina pa nakaprepare na dalawang basong may yelo at lemon sa harap namin at ibinigay ko sa kanya ang isa. "Love shot?"

"Pwede ba, Kaili?"

"Alam ko, nasasaktan ka pa rin. Hindi naman agad mawawala yan e. Pero kung 'yung sakit na lang ang palagi mong iisipin, paano naman kaming mga nagmamahal sa'yo?"

Hindi na siya naka-imik. Kinuha niya ang inaalok kong baso at inisang-tungga niya iyon.

Niyakap ko siya. "Hindi pa katapusan ng buhay mo. Everything happens for a reason, diba? Kaya mo 'yan. Nandito lang ako."

"Oy, babaeng mahilig sa malansa. Nasaan ang CR?" epal talaga si Hana na dating si Henry Lim, siya iyong isa sa mga kaibigan naming galing sa Thailand. Mukhang lasing na ang barbie.

"Anduon!" at nginuso ko ang banyo. Sinalinan ko ulit ang baso ni Keon. Ininom niya lang ulit iyon ng tahimik. "Malapit ng mag-midnight. Yung wish naten ah."

Tumango lang siya.

Tuwing birthday namin, nakaugalian na naming magbigay ng wish para sa isa't isa tuwing hating gabi. Iyon kasi ang pagitan ng oras kung kailan kami pinanganak.

He was born at exactly 11:59 on May 31, 1993. Ako naman ay ipinanganak ng June 1, 1993 sa ganap na ika-12:01.

Wala kaming pinalagpas na taon. Kahit magkalayo kami, magtatawagan kami para lang makapag-wish para sa isa't isa. At siguro dala lang ng swerte o kung anumang bituing gabay namin sa langit, nagkakatotoo naman ang mga hiling namin.

Kaya nga parehas na kaming successful ngayon. Siya sa fashion designing, ako sa interior designing.

Dahil kailangan namin ng tahimik na oras para sa aming annual mantra, 11:30 pa lang tapos na ang party.

Hinayaan ko siyang ipagpatuloy ang pag-inom, sa pagkakataong ito ang black label naman ang tinira niya. Pagkatapos kong magligpit ng mga kalat sinabayan ko na rin siya sa pag-ubos ng mojito habang naghihintay kami sa oras.

Nahalata kong lasing na si Keon nang bigla na lang siyang kumanta ng "I wanna know what love is." iyon lang yata ang imperfection niya. Tone-deaf ang best friend ko pero walang makakapigil sa kanya lalo na't langog na siya sa alak.

At hindi ko na din siya mapigilan dahil medyo lasing na din ako.

It's exactly 11:45 when I saw a fire on his eyes. Nakatitig siya sa mga mata ko na para bang nakatitig siya kay Alex. Nakaupo kaming magkatabi sa mahabang sofa pero tinawid niya ang pagitan naming dalawa. Umatras ako pero lalo lang siyang lumapit hanggang sa pamasandal na ako sa arm rest ng sofa.

Mapungay pa rin ang mga mata niya nang ilapit niya ng husto ang mukha niya sa akin. Until his eyes were fixed on my lips. Napalunok ako. I also unconsciously bit my lower lip. "Keon. Mag-tu-twelve na." I tried to remind him.

Pero hindi yata rumehistro sa utak niya ang sinabi ko. "I wonder how does it taste."  iyon lang ang sinabi niya saka nakapikit na hinalikan ako sa labi.

Biglang nawala ang kalasingan ko.

He's brushing his lips against mine and it was gentle enough to make my knees weak.

Mapapapikit na din sana ako nang biglang tumunog ang alarm sa cellphone ko. Natigil ang kiss at napayakap na lang siya sa akin.

Ako ang unang nagbigay ng wish. "Sana, makuha mo na ang kaligayahan na para sa'yo."

"Ditto." iyon lang ang narinig kong sinabi niya bago siya humilik.

Sinubukan kong kumawala sa yakap niya pero hilung-hilo na ako kaya sumandal na lang ako sa arm rest at sa ganoong pusisyon kami nakatulog.

GayXGirl Series 4: It's Mine [COMPLETED] Published by PaperInk Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon