🦄🌈Chapter Twenty-four🌈🦄

1.2K 54 1
                                    

Hindi ko napaghandaan ang pagkikita naming iyon kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang kwentuhan si Pete ng mga nonsense na bagay maiwasan lang ang mga mata ni Keon. Pete laughed at me after I stutter with a few words. "Okay ka lang ba?" he asked.

"Yeah. Yes. I'm okay." Hindi talaga ako magaling magsinungaling.

Naningkit tuloy ang mga mata niya pero nawalan na siya ng pagkakataon na asarin ako nang yayain na kami ni Mommy sa kusina. "Handa na ang dinner, let's go?"

"Okay po." ang bait-bait niya sa Mommy ko pero hindi ko pa rin makalimutan kung gaano ka-close si Mommy kay Keon. Kaya alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin ni Mommy sa akin. Pinakikitunguhan niya si Pete dahil mabait ito sa kanya pero alam kong mas gusto ni Mommy kung si Keon ang kasama ko ngayon. 

"Kain lang ng kain, Pete." and of course, my mom is a warm person. Hindi siya iyong tipo na nagsusungit sa lahat ng tao. Her default mode is a nice and friendly woman. 

"Salamat po, Tita. By the way, sino po pala 'yung nagpunta kanina?" I know that Pete is just plain curious.

Parehas kaming nanahimik ni Mommy pero mabilis niyang sinagot ang tanong ni Pete. "Ah, anak 'yun ng best friend ko."

Napatingin sa akin si Pete. "You're not close with him?"

"I used to. Mahabang kwento." hindi ako makatingin sa kanya nang sabihin iyon.

Tumango na lang si Pete at hindi na muling ibinukas ang topic tungkol kay Keon.

Sa restaurant ng Mama ni Pete napunta ang usapan namin hanggang sa business at mga future plans pero wala sa kanilang dalawa ang puso at isip ko ngayon. Nabitbit na ni Keon kanina.

I can't stop thinking about him.

Kahit hindi ko siya tingnan kanina, nararamdaman kong nasa akin lang nakatuon ang mga mata niya. Ni hindi ko man lang sinalubong ang tingin niya dahil ayaw kong may masilip pa siyang emosyon sa akin.

Hindi ko na nga rin namalayang nakapagpaalam na si Mommy na matutulog na siya at kami na lang ni Pete sa may garden. Katulad ko, nakatulala din siya habang umiinom ng wine. He just snapped me out from that deep thoughts when he said, "Your Mom is lovely. Alam ko na ngayon kung ano ang magiging hitsura mo kapag nagka-edad ka na."

Napangiti na lang ako.  

"'Yung lalaki kanina. Siya ba si ex?" nakangiti niyang tanong bago tinungga ang laman ng baso niya.

I took a deep breathe. "Yes. He's the one."

"I saw him looking at me. Parang gusto niya akong suntukin kanina."

"He can't do that."

"Pipigilan mo siya?"

"I knew him. He just can't. Isa pa, nagkakamali ka lang sa nakita mo. Mayroon na siyang ibang mahal kaya bakit ka pa niya susuntukin?"

Pete softly laughed at what I've said. "You want to make a bet?"

"Bet? Bakit? Para saan?"

"Mahal ka pa ng ex mo. Pustahan tayo."

Nginusuan ko siya. "Alam mo, masyado kang imaginative. Hindi bagay sa'yo."

Tinawanan na naman niya ako. "Hindi ko alam na naive ka pala. This is new." amused na sabi niya. "Basta, ipupusta ko ang kotse ko sa Milan. Mahal ka pa nu'n. Kung hindi ka na niya mahal, well pwede mo ng kunin ang susi ni Popo." iyon ang pinakamamahal niyang sports car na isang Alfa Romeo Guilia.

Napairap na lang ako. "Bakla si Keon at may boyfriend na siya." wala akong napagpilian kung hindi ang sabihin na lang ang buong katotohanan sa kanya. Minus the unbelievable switch. Alam kong hindi paniniwalaan ni Pete na nagkapalit kami ni Keon ng katawan noon at ayokong mas magmukhang tanga sa kanya.

Napa-oh naman si Pete. "Is that the reason why you two broke up?"

"Matagal na siyang bakla. High school pa lang kami at ako ang may problema dahil inagaw ko siya sa boyfriend niya."

"Woah! That's what makes your story more interesting. Mukhang tama ang naging desisyon kong maging tayo."

Natawa at nailing na lang ako sa sinabi niya.

Pagkatapos ng mahabang usapan at inuman, nagdesisyon na din akong matulog na at dahil wala namang ibang pupuntahan si Pete, pinatuloy ko na lang siya sa guest room. Pagkahatid ko sa kanya duon, bigla na lang niya akong kinabig at hinalikan.

It's an inviting kiss. 

Alam ko na agad na may iba siyang pakay kaya parang napapasong umiwas ako sa kanya at sa haplos niya.

"I'm sorry." I apologized after seeing disappointment in his eyes.

Nakakaunawang tumango siya. "Don't be. I know this is not the perfect time and place for this. You should sleep now."

"Okay. See you tomorrow." mabuti na lang talaga at hindi siya katulad ng ibang lalaki.

"See you."

Nagmamadaling nagpunta na ako sa kwarto ko at muli na namang inisip si Keon. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Iniisip din kaya niya ako? Nasasaktan din ba siyang kagaya ko? O baka ako lang talaga ang nakakaramdam ng mga iyon at pilit ko lang pinapantasya na totoo ang sinasabi ni Pete na mahal pa ako ng ex ko.

I'm too tired for that.

Keon is out of my league and we are better off this way.

Kahit ano pa ang sabihin ko, wala pa rin namang epekto iyon sa nararamdaman ko. Kulang ang pangongonsola para kalimutan kong mahal ko siya.

Sa sumunod na araw, inabala ko ang sarili ko sa pag-aasikaso ng restaurant ni Tita Leni, Mama ni Pete. Bumalik na din ako sa trabaho. Mas madami akong ginagawa, mas maganda. Kahit naman noon, iyon na ang mabisang gamot ko sa lahat ng gusto kong iwasan.

Si Pete naman ay palaging nag-a-update tungkol sa progress ng construction ng restaurant. Tumatanggap din siya ng mga modelling projects dito sa Pilipinas habang hindi pa niya naiisipang bumalik sa Milan.

At sa tingin ko, kapag bumalik siya sa Italy, sasama pa rin ako hangga't hindi pa kami nagkaka-ayos ni Keon bilang magkaibigan.

Speaking of the devil. Napaatras na lang ako nang makitang nasa labas siya ng building namin. Babalik sana ako ulit sa opisina ko nang makitang papalapit na siya sa akin. Nakita na siguro niya ako.

GayXGirl Series 4: It's Mine [COMPLETED] Published by PaperInk Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon