🦄🌈Chapter Twenty-three🌈🦄

1.2K 56 4
                                    

Keon's POV. Three months Ago.

"This is my last gift to you. Hindi mo na kailangang mamili. I concede. Ayoko na. Tingin ko, tama na ang pagpapakatanga ko. I gave you twenty years of my life. Wala akong ibang minahal mula pa noon kung hindi ikaw. Siguro, tama ng pinaramdam mo kahit kaunti sa aking minahal mo din ako. Panahon naman na sigurong ako naman ang magmahal sa sarili ko."

Pagkasabi ni Kaili noon, biglang parang naglaho ang lahat ng purpose ko sa buhay. She wanted to end everything with me. Kasalanan ko naman talaga. Hindi ko inisip na pwede siyang masaktan oras na malaman niyang nagkikita kami ni Alex. Of all the people, I trusted that she will completely understand. Pero mali pa rin. Hindi ko na inisip ang mararamdaman niya.

Totoong hindi ko kayang saktan si Alex ng ganoon na lang dahil naging mahalaga siya sa akin pero nakalimutan kong isaalang-alang ang feelings ng girlfriend ko. How can I even pull off a courage to stop her from leaving me? 

Isa pa, hindi matitiis ni Kaili na ganito kami. 

Yes, I am jerk enough to think that she will come to me first. I knew how much she loves me. Hindi niya kakayaning mawala ako sa kanya gaya ng hindi ko kayang mawala siya sa akin kaya hinayaan ko siyang umalis.

Noong una, kaya ko pang pigilan ang lungkot, pero gabi-gabi kong nararamdaman ang pangungulila sa kanya at wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak na lang. Ilang linggo kong tiniis na hindi siya makita hanggang sa dumating ang araw ng birthday namin. Nagkaroon ako ng rason para i-text siya.

I told her that we should switch houses before twelve midnight. Inaasahan kong maaabutan ko siya sa bahay niya pero nakaalis na din siya. At ni hindi ko na inisip na bumalik sa bahay ko para makita siya. Baka kasi ayaw niya pa rin akong makita.

I let her go just like that. At iyon ang araw-araw kong pinagsisisihan. Sinubukan kong kausapin siya pagkatapos ng isang buwan naming hindi pagkikita pero bigla na lang siyang nawala. 

At walang kahit na sino sa mga malalapit na tao sa kanya ang gustong magsabi kung saan ko siya mahahagilap.

Kahit ang mga gay friends namin, walang alam sa kinalalagyan niya. Duon ako nakaramdam ng takot.

I tried asking her colleagues, pero mukhang sinabihan na rin niya ang mga ito na huwag sasabihin sa kahit kanino kung nasaan siya.

Kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang magsabi ng totoo kayla Tita Linda. Sinabi kong wala na kami ni Kaili. I asked for her forgiveness. Humingi ako ng tawad dahil hindi ko nagawang alagaan ang anak niya, sinaktan ko pa nga, pero hindi ko pa rin ipinaliwanag ang nangyari.

She doesn't have any idea what happened. Mukhang wala ding balak na ipaalam ni Kaili sa mga Nanay namin ang tungkol duon kaya nanatili ring ikom ang bibig ko. Mas mainam na kay Kaili manggaling ang kwento.

I patiently waited for her.

Kilala ko si Kaili. Wala siyang ibang kayang mahalin kung hindi ako.

Ako lang ang nag-iisang magandang lalaki sa buhay niya at bukod sa boyfriend niya ako, best friend niya din ako. I know it will be hard for her to replace me. Ilang beses na niyang sinabi noon kahit pa ipinagtutulakan ko siya na ako lang ang mamahalin niya.

Therefore, I'm confident that she still loves me.

Umasa akong isang araw, babalik siya at sasabihing mahal pa rin niya ako pero naghintay lang ako sa wala.

Then after three freaking months, makikita ko siya sa bahay ng Nanay niyang may kasamang Italiano? 

Gusto ko siyang sabunutan!

The guy looks gorgeous. Nasa hitsura nito ang pagkakaroon ng madaming booking sa mga badet. At hindi ko maiwasang maisipang ipalapa siya sa mga kaibigan kong bakla na wala pa ring love life sa mga oras na ito.

Nagkataon na pinapunta ako ni Mommy sa bahay ni Tita Linda para dalhin ang mga documents na may kinalaman sa negosyo nila. Hindi ko naman alam na ngayong araw pala ang uwi niya. At mukhang wala ding alam ang Mommy niya dahil nakita ko sa mukha ni Tita Linda ang pag-aalala nang makita ako.

"Keon. Hijo. And'yan ka na pala?"

Kasalukuyang nakaupo na sa sala ang dalawa at si Tita lang ang tumayo para salubungin ako. "Hi, Tita." I looked at Kaili intently. Kaya lang, parang sinasadya niyang huwag salubungin ang tingin ko. Kinakausap niya ang lalaking iyon na parang hindi niya ako nakita.

Nagbulungan pa ang dalawang taksil.

Magwawala na sana ako sa galit nang biglang haplusin ako ng Mommy niya sa braso. "Hijo, gusto mong dito na maghapunan?"

"H-Hindi na po." mabilis pero nag-aalangan pang sagot ko.

"You can talk to her next time. I will arrange it for you." bulong sa akin ni Tita Linda.

Napabuntung-hininga na lang ako. Wala na akong sinabi at basta na lang umalis. May karapatan pa ba akong makaramdam ng ganito? Hinayaan ko lang siyang mawala sa akin noon. Hindi ako nagpaliwanag. Hindi ko siya hinabol.

Bakit?

Dahil sa sobrang kumpiyansa kong hindi ako kayang iwan ni Kaili. At ang sakit-sakit ngayong pinatutunayan niyang kayang kaya niya akong kalimutan at ipagpalit.

Kung ako pa ang dating Keon, malamang na agawin ko lang sa kanya ang Italyanong iyon. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Si Kaili na lang ang laman ng puso at isip ko.

Mula noong araw na hayaan ko siyang lumayo sa akin, hindi na ako nagkaroon ng katahimikan. Parati akong inuusig ng pagsisi dahil wala akong ginawa para manatili siya sa akin.

Pagkadating ko sa kotse, nag-cry-ola na naman ako.

I've been crying for the past three months. At lahat ng luhang iyon, para lahat kay Kaili. Ang babaeng 'yon! Siya lang ang nakapanakit sa akin ng ganito. Hindi naman ako ganito kadurog nang maghiwalay kami ni Alex. Mukhang masama nga ang tama ko sa kanya. 

At sa isang baklang kagaya ko, hindi ako handang maramdaman ang ganitong pagkabigo.

I just forced myself to drove away. Kailangang makaisip ako ng paraan para makausap si Kaili. Hindi makatarungang basta ko na lang siyang hayaang mapunta sa lalaking iyon nang hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Kahit kaunti, may nakikita pa akong pag-asa para sa aming dalawa. 

GayXGirl Series 4: It's Mine [COMPLETED] Published by PaperInk Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon