Chapter 2

90 0 0
                                    

NAGTITILI si Magda nang ipakita niya dito ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Jim kagabi.

"My God, Adi! Totoong diamond ito. Ang ganda promise!" sabi ng kaibigan.

Maganda nga ang singsing. At tiyak niyang malaki ang nagastos ni Jim nang bilhin nito iyon.

"Biro mo," ani Magda "Parang nung isang araw lang pinag-uusapan natin yung hindi pa pag-aalok sayo ni Jim nang kasal. Tapos eto, bigla-bigla nalang e nag propose sayo ang loko."

"Ako nga din nagulat," aniya. Totoong hindi niya inaasahan na magpo-propose sa kanya si Jim. Siguro nga dahil hindi nga niya nakikita ang sarili na ikinakasal dito.

"Buti naman tinanggap mo ang marriage proposal nya."

Parang gusto niyang sabihin sa kaibigan na siya man ay hindi inaasahan na tatanggapin nya ang alok na kasal ni Jim. Gusto na tuloy niyang pagdudahan ang sariling desisyon. Tama nga ba na tinanggap nya ang singsing na ito? Dapat ba nag-isip muna sya?

"Kailan nyo ba balak magpakasal?" tanong ni Magda.

"Hindi pa namin napag-uusapan ang detalye."

"Siguradong engrande ang magiging kasal nyo ni Jim, Adi." humigop si Magda ng kape.

"Hindi naman ako after sa ganon." totoo sa loob na sabi nya. Noon pa mang bata sya, ang gusto niya kapag ikinasal siya ay simple lamang. Ayaw nya nang magarbo.

"Alam ko naman yun." ani Magda. "Natutuwa ako for you, Adi. Akala ko kasi talaga, all this time-"

"Naku late na pala." tumayo na siya. Binitbit ang tasa at itinapon ang natirang kape sa lababo "Mauuna na akong maligo, Mags. Hindi ka pa naman tapos mag kape eh." aniya sa kaibigan sabay talikod dito.

Hindi tuloy nya nakita ang pagkakakunot nang noo ng kaibigan habang nakatitig sa kanya.

PURO pagbati din ang tinanggap ni Adi mula sa mga co-teachers nya.

"Paano nyo nalaman?" takang tanong niya. Kagabi lamang nag-alok nang kasal sa kanya si Jim pero mabilis pa sa kidlat na kumalat ang balitang iyon.

"Si Madam mismo ang nagsabi," ani Shiela. Guro din ito at mas bata lamang sa kanya nang isang taon. "Tuwang-tuwang ibinabalita sa lahat ng makakasalubong nya ang tungkol sa pagtanggap mo sa proposal ng anak nya."

Napangiti sya. Ipinagpapasalamat niyang boto sa kanya ang mga magulang ni Jim. Balewala sa mga ito na ang nobya ng anak nito ay empleyado lamang sa paaralan nito. Hindi matapobre ang mga magulang ni Jim. Siguro dahil na rin sa galing din sa hirap ang mga ito.

Mukha namang tama ang desisyon niya na tanggapin ang alok na kasal ni Jim. After all, mahal naman niya ang binata.

"TINANONG ako kanina ni mommy kung kailan natin balak idaos ang kasal natin," ani Jim.

Sakay sila ng kotse nito. Araw-araw ay sinusundo sya ni Jim sa  trabaho at inihahatid sa apartment.

Kahit na anak si Jim nang may-ari nang paaralan, hindi doon nagtatrabaho ang lalaki. May sarili itong negosyo. Isa pa yon sa nagustuhan nya sa lalaki. Kahit pa nga mayaman naman ang pamilya nito, pinili pa din nitong makipagsapalaran gamit ang sariling kakayahan.

"Ano sa palagay mo hon?" hinawakan nito ang kamay nya habang ang isang kamay nito ay nakahawak pa din sa manibela.

"Ewan ko," aniya. Sa totoo ay lang ay wala siyang maisip na magandang petsa para sa kasal nila.

"Next month na kasal ni Magda, di ba? Gusto mo mag double wedding kayo ng bestfriend mo?"

Umiling sya.

I'll Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon