Chapter 7

39 0 0
                                    

"WHAT DID you do to my son, Miss Castillo?" galit na bulalas ng ina ni Jim. Isang sampal din ang pinalapat nito sa kanyang pisngi.

Nang makatanggap siya ng tawag na nagsasabing isinugod nga si Jim sa ospital matapos itong magtangkang magpakamatay, agad niyang pinakiusapan si Ryder na ihatid sya sa ospital kung saan isinugod si Jim.

"Ano'ng ginawa mo at nagtangkang magpakamatay ang anak ko?" sinampal ulit sya nito.

"Tita tama na." awat dito ni Ryder. "Walang kasalanan si Adi."

"Walang kasalanan? Ayun at agaw-buhay ang pinsan mo Ryder! At sasabihin mong walang kasalanan ang babaeng yan?"

Nakayuko lamang si Adi. Alam niyanh totoo ang sinasabi ng ina ni Jim.

Isang doktor ang lumapit sa kanila.

"Sino po ang kasama ng pasyente?" tanong nito.

"Ako po doc," anang ina ni Jim. "Kamusta na po ang anak ko?"

"Madami pong nawalang dugo sa anak nyo dulot ng pagkakalaslas nya ng kanyang pulso." anito. "As you can see, he is in coma. We can only hope for the best and expect the worst. Your son is in critical condition."

Napahagulgol ang ina ni Jim. Dinaluhan ito ni Ryder.

Sya man ay di napigilan ang mapaiyak. Binalot sya ng guilt at pag-aalala.

"KASALANAN ko lahat ito, Ryder." umiiyak na sabi nya.

Nakauwi na sila. Pinaalis sila ng ina ni Jim kaya kahit na gusto niyang manatili sa ospital ay wala siyang nagawa nang mag-umpisa nang mag hysterical ang ginang.

Ngayon nga ay nasa apartment na ulit sya at kasalukuyan silang nagkakape.

"Wala kang kasalanan, Adi." anito.

"Meron, Ryder. Malaki. Hindi ko dapat hiniwalayan si Jim. Hindi sya magpapakamatay kung hindi ako nakipaghiwalay sa kanya."

"Adi..."

"Umuwi ka na muna, Ryder." pagtataboy niya sa binata. "Gusto ko munang mapag-isa."

Walang nagawa si Ryder kundi pagbigyan ang gusto ni Adi.

MULING dinalaw ni Adi si Jim kinabukasan sa ospital. Ayon sa doktor nito, wala pa din nagbabago sa kalagayan nito. Bagama't hindi naman lumalala ang lagay ni Jim, ay hindi din naman bumubuti.

"Jim," hinawakan niya ang kamay ng dating nobyo. "Patawarin mo ako Jim. Hindi ko gustong saktan ka. Naisip ko lang na yon ang tamang gawin. Naisip kong mali na ipagpatuloy pa natin ang relasyon natin gayong hindi ko na kayang suklian ang pagmamahal ko sa akin."

Pinahid niya ang tumulong luha buhat sa kanyang mga mata. Ipinagpatuloy niya ang pagkausap sa dating nobyo.

"Hindi ko akalaing gagawin mo ang ganitong bagay, Jim. Hindi ko akalaing susubukan mong kunin ang sarili mong buhay." hinigpitan pa niya ang paghawak sa kamay ng dating nobyo. "Lumaban ka, Jim. Pilitin mong mabuhay. Maraming nagmamahal sayo. Andyan ang mama mo. At ako, mahal kita Jim. Hindi nga lamang tulad ng pagmamahal mo sa akin. Habang may buhay may pag-asa Jim. Naniniwala akong makikilala mo din ang tamang babae para sayo. Kaya pilitin mong takasan ang kamatayan. Napakasarap mabuhay."

Napatigil siya sa pagsasasalita ng mapansin niya ang panginginig ng katawan ni Jim.

"Jim?" nag-alala siya. Napatingin siya sa aparatong nagmo-monitor ng tibok ng puso nito. Nag-flat line na iyon.

"Jim!" napatakbo sya palabas ng kuwarto upang tumawag ng doktor.

"MABUTI na lamang at naagapan natin siya at na-revive." anang doktor.

I'll Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon