Chapter 9

68 0 0
                                    

KANINA pa patanaw-tanaw sa kalsada si Adi.

Inaasahan nya na anumang oras mula ngayon ay darating na si Jim kasama ang mama nito.

Kahapon pa siya umuwi sa kanila bilang paghahanda sa pamamanhikan ni Jim.

Hindi dahik excited siya sa magaganap na pamamanhikan. Kundi dahil ayaw niyang magkamalay ang mga magulang sa tunay na lagay ng relasyo niya kay Jim.

Kilala niya ang ama at ina. Kapag nalaman ng mga ito na wala na siyang pagmamahal kay Jim, siguradong gagawin ng mga ito ang lahat para pigilan ang pagpapakasal niya sa lalaki.

At ayaw niyang mangyari iyon. Dahil natatakot siya sa pwedeng gawin ni Jim sa sarili nito kapag hindi natuloy ang kasal.

"Wala pa ba ang nobyo mo, Adi?" tanong sa kanya ng ama.

"Wala pa ho 'tay. Pero parating na siguro iyon." aniya.

Tumango-tango lamang ang ama at iniwan na siya.

Maya-maya pa ay isang sasakyan ang humimpil sa harap ng bahay nila. At iyon ay ang sasakyan ni Jim.

Mula sa kotse ay bumaba si Jim. Ipinagbukas nito ng pinto ang ina nito.

Atas ng kagandahang asal ay lumapit siya sa matandang babae para magmano. Tinanggap naman iyon nang babae.

"Hi hon," ginawaran siya ni Jim ng mabilis na halik sa labi. "Pasensya ka na at natagalan kami. Traffic."

"Okay lang." aniya. "Tuloy kayo. Nasa loob ang nanay at tatay."

Iginiya niya ang mag-ina sa loob ng kanilang bahay.

Pinaupo niya ang mga ito. Ipinakilala niya ang mama ni Jim sa kanyang mga magulang.

Nakita naman niyang pilit ni pibakiharapan ng maayos ng ina ni Jim ang kanyang magulang. Nakipagkuwentuhan pa nga sa kanyang ina. Parehong mahilig sa paghahalaman ang kanyang ina at ang ina ni Jim kaya naman agad nagkapalagayang loob ang dalawang ginang.

Hanggang sa hapag kainan ay tungkol sa halaman pa din ang pinag-uusapan ng dalaw.

"Bakit ba ang mga halaman ang pibag-uusapan natin?" singit ng kanyang ama. "Hindi naman ang mga halaman  ang ikakasal."

Nagkatawanan ang lahat ng naroon sa hapag kainan maliban sa kanya.

"Kailan mo ba balak idaos ang kasal nyo ng anak ko, Jim?" tanong nang kanyang ama.

"Noon una ho ay ang plano talaga namin ay sa December 12. Pero ngayon po ay napagdesisyunan kong pakasalan na si Adi sa lalong madaling panahon. Eksaktong isang buwan mula ngayon."

Napatingin siya sa nobyo. Hindi niya alam ang tungkol sa sinasabi ng nobyo.

"Sa amin naman ay walang problema." anang kanyang ama. "May edad na si Adi at tamang-tama lamang ang kanyang edad para mag-asawa. Pero syempre ay na kay Adi pa din ang desisyon."

Tumutok sa kanya ang mata ng lahat nang tao na nasa hapag kainan. Waring hinihintay ang magiging sagot niya.

"Anong pasya mo, anak?" tanong sa kanya ng kanyang ina.

"O-okay lang po 'nay." mahinang sagot niya.

"Kung ganoon pala ay wala nang problema. Pag usapan na natin ang detalye ng inyong magiging kasal."

Hindi halos naintindihan ni Adi ang mga napag-usapan. Waring tumututol ang isip niya sa magaganap na kasalan.

Pero alam niyang wala siyang magagawa.

GANAP NA Alas-diyes nang gabi nang magpaalam na si Jim at ang ina nito. Inalok ito nang kanyang mga magulang na doon na magpalipas ng gabi ngunit tumanggi si Jim. Mayroon pa diumano itong appointment bukas na may kinalaman sa negosyo nito.

I'll Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon