Chapter 13

44 0 0
                                    

PINAGMASDAN ni Adi ang natutulog na anak sa kanyang kandungan.

Ngayon ang araw ng engagement party ni Ryder.

Kaya naman napagpasiyahan niyang umakyat dito sa burol. Dito sa lugar na ito kung saan nila binuo ni Ryder ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Si Tyler.

Nalulungkot siya para sa kanyang sarili at naawa naman para sa kanyang anak.

Naawa siya sa anak sapagkat heto't nasa malapit lamang sana ang ama nito, pero hindi naman niya ito magawang ipakilala.

Hindi siya tanga para isiping hindi kailangan ni Tyler nang ama. Oo nga't

malaking tulong ang presensiya ni Jim upang hindi masyadong mangulila sa ama ang kanyang anak, iba pa rin yung may makikilala itong ama habang lumalaki ito. Darating ang araw na makakatagpo si Jim nang babaeng mamahalin nito at mawawalan na ito nang oras sa kanilang mag-ina.

Nagi-guilty siya dahil ipinagkait niya sa anak na maranasan ang magkaroon nang tunay na ama. Hindi niya magawang sabihin kay Ryder na anak nito si Tyler sapagkat ikakasal na ito. Ayaw niyang makagulo pa silang mag-ina sa buhay nito.

Pasensya ka na, anak. Usal niya sa sarili habang hinihimas ang ulo nang bata. Pasensya na kung hindi kita magawang ipakilala sa iyong ama. Pagdating ng araw, maiintindihan mo din kung bakit ko kailangan gawin iyon.

Napansin na lamang niya na tumutulo na pala ang luha niya. Umiiyak na pala siya.

"Sabi ko na nga ba't nandito ka."

Natigilan siya ng marinig ang boses na iyon na nagmumula sa kanyang likuran. Kilala niya ang boses na iyon. Kilalang kilala. Pero ayaw niyang paasahin ang kanyang sarili. Imposible.

Baka imahinasyon lamang niya iyon.

"Galing ako sa bahay nyo kaso wala ka at hindi naman alam nang nanay mo kung saan ka nagpunta. Nagbakasakali akong umakyat dito dahil naisip ko na baka nandito ka. I got lucky."

Napalingon na siya. Hindi siya makapaniwala. Si Ryder nga ang may-ari nang tinig.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Palihim niyang kinurot ang kanyang sarili. Naramdaman niya ang sakit. Hindi siya nananiginip o nag-iimahinasyon lamang. Talagang nandito si Ryder.

Naglakad ang lalaki palapit sa kanya. Nang makalapit ay naupo ito sa tabi niya. Tumingin ito sa papalubog na araw. Hindi ito nagsalita. Waring nag-iisip.

Hinintay na lamang niya na magsalita ito ulit.

"May nakapagsabi kasi sa akin na dito ko matatagpuan ang magnanakaw na kumuha ng puso ko. Kaya ako nagpunta dito para hanapin siya."

Napatingin siya dito. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"Nasa iyo ba, Adrienne?" tumingin ito sa kanyang mga mata.

"Ryder...."

"Wag kang mag-alala." anito "Hindi ko naman babawiin. At kahit isoli mo pa, hindi ko din kukunin. Gusto kong ikaw lang ang humawak nang puso ko."

"Ryder hindi kita maintindihan..."

"I love you, Adi. I have always loved you. Mula noon, hanggang ngayon."

"P-pero may Addison ka na... at ikakasal na kayo..." may naramdaman siyang kirot sa dibdib nang banggitin ang pangalan ng mapapangasawa nito.

"I never loved Addison, Adi. How can I love her when I am head over heels and desperately inlove with you?"

"Hindi kita maintindihan... hindi ba't magpapakasal pa nga kayo..."

"Niligawan ko si Addison dahil sa pagkakapareho ng palayaw ninyo. I know it sounds stupid and absurd but that's the truth. Everytime I am calling her Addi, I can pretend that it was you that I am calling. I can pretend that you were with me. I asked her to marry me because of a selfish reason...ayaw kong mawala ang nag-iisang taong nagpapaniwala sa akin na ikaw ang kasama ko. I thought I can love her with that reason alone. But I was wrong. I can never love her. Because you have taken my heart a long time ago, Adi. And my heart is not capable of loving anybody than you."

I'll Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon