Epilogue

53 0 0
                                    

IBINABA siya ni Ryder sa king size bed na iyon nang kanilang honeymoon suite.

Katatapos lamang nang kanilang kasal. At ngayon nga ay ang kanilang unang gabi bilang mag-asawa.

"Happy?" tanong nito sa kanya.

"Very." naka-ngiting sagot niya. "Ikaw?"

"Very much. Masaya ako na everything fell into their proper places sa bandang huli. Asawa na kita ngayon. At wala nang makapagpapahiwalay pa sa atin."

Tumango-tango si Adi.

"At mukhang okay na din kami ni Jim." dugtong nito. "Kita mo nga at pumayag pa siya na maging bestman sa kasal natin."

"Mabait na tao si Jim, Ryder. Kung naging makasarili man siya noon, yon ay dahil lamang sa sobrang pagmamahal niya sa akin. Malaki ang naitulong sa akin ni Jim noong mga panahong wala ka. Hindi niya kami pinabayaang mag-ina. Hangad ko na balang araw ay makilala din ni Jim ang babaeng tunay na magpapasaya sa kanya."

"That's what I wish too." ani Ryder. "So what now, Mrs. Montague?"

"Anong what now?" takang tanong niya.

"Now that you are my wife, ano nang susunod nating plano?"

"Plano?"

"Yes." sinimulan nitong hubarin ang suot niyang wedding gown. "Don't you think it's about time na sundan natin si Tyler? Let's make another baby."

"Hindi na kailangan, Ryder." aniya.

"Anong hindi na kailangan?" takang tanong nito. "Ayaw mo ba magka-anak tayo ulit?"

"Gusto. At magkakaanak na tayo ulit, Ryder."

Napatitig sa kanya si Ryder.

"Magkakaanak? Tayo? Ulit?" sunod-sunod na tanong nito.

"Oo. Buntis ako." pagtatapat niya. Dalawang araw bago ang kanilang kasal ay nalaman niyang nagdadalang-tao siya. Hindi niya iyon sinabi agad sa asawa sapagkat gusto niya nga itong sorpresahin sa araw nang kanilang kasal.

"Oh my God, Adi!" niyakap siya nito. "Magiging daddy na ako ulit! I'm so happy!"

Ngumiti siya. Natutuwa siyang makitang masaya si Ryder.

"I love you," anito.

"I love you too," sagot niya.

Bumaba ang labi ni Ryder patungo sa kanyang mga labi.

Matapos ang lahat ng hirap na kanilang pinagdaanan ni Ryder, sa wakas ay nagkaroon din ng Happy Ending ang kanilang love story ni Ryder.

Mali, pagtatama niya sa sarili. Hindi ito ang ending. This is just the beginning of a new chapter in their life.... sa kanila ni Ryder, sa kanilang anak na si Tyler at sa bata sa kanyang sinapupunan.

Not a happy ending, but instead, a very wonderful beginning.

********** W A K A S************

I'll Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon