Chapter 6

70 0 0
                                    

HINDI napigilan ni Adi ang pag-iyak habang ipinagtatapat kay Magda ang naganap sa kanila ni Ryder sa burol.

Pagbabang-pagbaba nila sa burol ay humiwalay siya kay Ryder. Ayaw sana nito pero nagsabi siyang gusto muna niyang mapag-isa.

Hinayaan siya nito. Nagsabi itong mauuna na itong umuwi sa bahay nila.

At siya nga ay tumuloy sa bahay nila Magda. At ipinagtapat nga niya dito ang lahat.

"I knew you never loved Jim, Adi." anito.

Napatingin siya dito. Nagtatanong ang mga mata.

"Hindi mo siya minahal ng tulad nang pagmamahal mo kay Ryder. Alam ko Adi, na sa loob nang mahabang panahon, si Ryder pa din ang laman ng puso mo. At pinapaniwala mo lang ang sarili mo na mahal mo si Jim."

"P-paano?" takang tanong niya.

"Dahil babae din ako, Adi. At nagmamahal din ako. Hindi ko makita sa'yo ang senyales nang isang babaeng in love. Sa tuwing nakikita ko kayong magkasama ni Jim, hindi ko makita ang pagmamahal sa mga mata mo sa tuwing tinitignan mo siya."

"B-bakit di mo sinabi sa akin, Mags?" umiiyak na tanong nya.

"Dahil kaibigan kita. No, you are not just a friend to me. You are like a sister. At gusto ko maging masaya ka. Ayaw kong maging malungkot ka habambuhay sa pag-aasam sa pagmamahal ng isang taong hindi mo alam kung saang lupalop ng mundo naroon. Hindi ko naisip ang posibilidad na magkikita ulit kayo ni Ryder."

"Anong gagawin ko, Mags?" tanong niya sa kaibigan.

"Malaki ka na, Adi." sabi ni Magda. "Alam kong alam mo kung ano ang dapat gawin."

"Ayokong saktan si Jim, Mags. Naging napakabuti niya sa akin."

"Bakit sa tingin mo ba, hindi siya masasaktan kung sakaling malaman nya na awa nalang ang dahilan kung bakit magkasama pa din kayo?" tanong ng kaibigan.

Hindi siya nakasagot.

"At least, masaktan man si Jim, magkakaroon sya ng pagkakataon na makahanap ng babaeng kayang suklian ang pagmamahal nya. Alam natin na hindi ikaw ang babaeng yon, Adi."

"Ang sama-sama ko bang tao, Mags?"

"Of course not. Nagmahal ka lang, friend. And I know, you loved Jim in your own way. Hindi nga lang tulad ng pagmamahal niya sa iyo."

IPINARADA ni Ryder ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Ilang hakbang pa bago ang bahay nila Jim.

Nakiusap sya kay Ryder na ihatid siya sa bahay ng nobyo.

"Sigurado ka na ba na ikaw lang muna ang kakausap sa pinsan ko?" tanong ni Ryder.

Tumango siya.

"I owe it to him, Ryder." aniya "At ayokong masira ang relasyon ninyong mag-pinsan."

Napabuntong-hininga ang lalaki. Naisip marahil nito na tama siya.

"Dito lang ako." sabi nito.

Umiling siya.

"Hayaan mo na muna ako." pakiusap niya.

Walang nagawa si Ryder kundi ang pumayag. Umalis din ito agad nang makababa na siya mula sa kotse.

Marahan siyang naglakad patungo sa bahay nila Jim.

Pinatuloy siya ng kasambahay. Sinabi nitong nasa swimming pool si Jim kaya dumiretso na sya doon. Naabutan nga nya itong lumalangoy sa swimming pool.

"Adi!" tuwang sabi nito ng makita sya. Agad itong umahon at lumapit sa kanya.

Ngumiti sya.

"Magaling ka na ba?" tanong nya dito.

I'll Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon