Chapter 10

56 0 0
                                    

ALA-UNA na nang tanghali. Alas tres ang kasal nila ni Jim. Kanina pa dumating ang magmi-make up at mag-aayos sa kanya. Pero sya ay hindi tumitinag sa pagkalublob sa bath tub nang banyo.

Gulong-gulo na siya. Alam niyang sa mga oras na ito ay hinihintay na siya ni Ryder sa airport. Oo nga't alas-kuwatro pa ang naka-saad na oras ng flight sa ticket, tiyak niyang nas paliparan na si Ryder at hinihintay na siya.

Pero hihintayin din siya ni Jim sa simbahan kapag hindi siya sumipot sa kasal nila. At masasaktan ang lalaki.

Napaluha siya. Sino man ang piliin niya sa dalawang lalaki, siguradong masasaktan ang isa.

Pero natitiyak naman niya na kakayanin ni Ryder ang sakit. Pero si Jim...

Natigil siya sa pag-iisip ng makarinig ng katok sa banyo.

"Aba Adi, anong oras na. Lumabas ka na diyan."

"Opo 'nay...." sagot niya. Umahon na siya sa bath tub at isinuot ang roba na nakasabit sa banyo.

Paglabas niya ng banyo ay sinimulan na ng may-aayos sa kanya na i-blower ang buhok niya. Napansin niyang naayusan na nito ang kanyang ina at talagang siya na lamang ang hinihintay nito.

"Sa lahag ng ikakasal, ikaw lang ang parang hindi masaya." pansin ng ama niya. "May problema ka ba anak?"

Nagkatinginan silang mag-ina.

"W-wala ho 'tay... kinakabahan lang ho ako."

Tumango-tango lang ang kanyang ama at sinimulan na rin ang pag-aayos sa sarili.

Mag-aalas dos 'y medya na nang matapos ang pag-aayos sa kanya. Suot na din niya ang kanyang magarang wedding gown.

"Mauna na ako sa inyong mag-ina sa baba." anang kanyang ama. "Titignan ko lang kung handa na ang sasakyan."

"Sige ho 'tay." aniya. Hindi siya tuminag sa pagkakaupo. Parang napakabigat nang kanyang mga paa.

"Maari nyo ba muna kaming iwanan na mag-ina?" pakiusap ng kanyang nanay sa naroong mga videographer at photographer na kinuha ni Jim para sa kasal nila.

Agad namang tumalima ang mga ito at iniwan silang mag-ina.

"Adi, nakikita ko sa mga mata mo na ayaw mong ituloy ito. Wag mong pahirapan ang sarili mo. Maari ka pang umatras."

"N-nay..." pinigil niya ang mapaiyak. "Ano po ang gagawin ko nay? Hindi ko po alam ang pipiliin ko..."

"Hindi kita maintindihan anak."

Tumayo siya at kinuha ang envelope na nasa drawer ng lamesita. Ibinigay niya iyon sa kanyang ina. Binuksan iyon nh ginang at binasa ang liham na kalakip niyon.

"Ang Ryder ba na ito ang dahilan kung bakit nagbago ang damdamin mo kay Jim?" tanong nang kanyang ina.

Tumango siya.

"Ano po'ng dapat kong gawin nay? Hindi ko po alam ang gagawin ko at pipiliin ko? Kapag sumama ako kay Ryder, masasaktan si Jim. Ayaw kong masaktan si Jim."

"Adrienne anak, malaki ka na. Ikaw lang ang makakasagot nang mga tanong mo. Ang sa akin lang, minsan talaga sa buhay, hindi natin maiiwasan makasakit ng damdamin nang iba. Wala namang perpekto sa mundo hindi ba? Kahit sino sa kanilang dalawa ang piliin mo, mayroong isang masasaktan. Nasa iyo ang desisyon anak."

PUNO na ang simbahan ng mga taong imbitado sa kasal nina Jim at Adi. Naroon na din si Jim. Ang hinihintay na lamang ay si Adi at ang mga magulang nito.

Alas tres kinse na. Alas tres dapat ang simula nang kasal. Nag-uumpisa nang magkaroon nang mga bulong-bulungan. May mga nagsasabing mukhang hindi sisipot ang dapat sana ay mapapangasawa ni Jim.

I'll Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon